Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1414 - Pagpasok sa Lungsod (2)

Chapter 1414 - Pagpasok sa Lungsod (2)

Hinila ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao at sumingit sila sa mga tao para makalapit sa gate.

Nagulat ang mga sundalong nagbabantay nang makita nila ang kumosyon sa labas. Hindi rin sila makapaniwala na ang gintong dahon ay malalaglag mula sa kalangitan.

Nang makita ng mga sundalo sina Jun Wu Xie sa harap ng gate ay agad na nagsalubong ang kanilang mga kilay.

"Taga saan kayo?"

Humakbang palapit si Jun Wu Xie at pasimpleng nag-abot ng dalawang gold ingots sa kamay ng sundalo. Nanlaki ang mga mata ng sundalo dahil doon.

Ang mga sundalong nakabantay sa gate ay wala gaanong awtoridad kaya naman hindi rin ganun kalaki ang nakukuha nila sa mga ibinabayad ng mga refugees. Kahit na ganoon ang kanilang sitwasyon, nananatili silang nakatayo sa gate para magbantay umaraw man o umulan. Halos lumuwa ang mga mata ngg sundalo habang nakatingin sa gintong nasa palad nila.

"Kami ay nagmula sa kalapit lang na lungsod at nahihirapan na kami. Narinig naming ligtas daw dito sa Clear Breeze City kaya naman nagmadali kaming magpunta dito. Pakiusap po, tulungan niyo kaming makapasok." Saad ni Jun Wu Xie.

Nagniningning ang mga mata ng dalawang sundalo nang makita nila ang mga ginto. Nakita ng dalawang sundalo na nagkakagulo pa ang mga tao sa labas sa pagpulot ng gintong dahon kaya agad silang sumenyas.

"Bilisan niyong pumasok."

"Salamat." Tumang naman si Jun Wu Xie ngunit hindi siya nagmadali sa pagpasok, sa halip ay nagsalita siyang muli: "Ito ang unang beses naming makapunta dito at hindi kami gaanong pamilyar sa lungsod. Maaari mo ba kaming bigyan ng ideya sa lungsod na ito."

Matapos niyang sabihin iyon ay muli siyang naglabas ng gold ingot.

Parang nagkaroon ng bikig sa lalamunan ang sundalo. Agad siyang humanap ng makakapalit sa pagbabantay at iginiya si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao sa lungsod.

"Money makes the world go round." Sa isip-isip ni Jun Wu Xie.

"Sa itsura niyong dalawa mukhang hindi naman kayo gaanong nahirapan. Ngayong naririto na kayo sa Clear Breeze City, hanggat mayroon kayong silver sigurado na ang maganda niyong pamumuhay." Diretso ang pananalita ng sundalo at wala siyang iniwang detalye.

"Kadalasan, hindi kami nagpapapasok ng mga katulad niyo dito sa lungsod. Ngunit dahil naging mapagbigay kayo kapatid, palalagpasin ko kayo. Kung mayroon kayong hindi naiintindihan, hanapin niyo lang ako." Nakangiting saad ng lalaki. 

"Kadalasang hindi nagpapapasok? Anong ibig mong sabihin doon?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Sumagot naman ang guwardiya: "Ang aming City Lord ay sinabihan kaming tatlong daang tao lang ang papasukin kada araw at bigyan namin ng prioridad ang mga matatanda at bata. Para sa inyong wala naman sa dalawang nabanggit, kailangan niyong maghintay ng matagal bago makapasok."

"Ganon ba? Hindi ba't sa mga ganitong sitwasyon dapat ang papasukin niyo ay ang mga bata at malalakas?" Tanong ni Jun Wu Xie.

"Tama naman pero ang aming City Lord ay ayaw na makakita ng taong naghihirap. Hindi mo ba napansin na ang mga nakatayo sa gate at naghihintay ay mga malalakas pa? Ang mga matatanda, kababaihan at kabataan ay pinapasok na sa loob. Isa pa pala, kailangan niyo munang maghintay ng ilang araw bago magkaroon ng tirahan. Tingin ko, makakabuting maghanap muna kayo ng inn na pansamantalang matutuluyan. Kung mayroon naman kayong pera, maghanap nalang kayo ng bahay at bilhin niyo na agad. Pero may kamahalan ang lupa dito ang bawat isang pulgada ng lupa ay isang pulgada din ng ginto ang katumbas. Kung wala na kayong pera, pwede kayong magreport sa magistrate's office at sila ang magbibigay sainyo ng matutuluyan." Inilahad ng guwardiya ang mga dapat nilang malaman. Inihatid pa sila papunta sa inn. Saka lang ito umalis nang masigurong ayos na ang kalagayan nila Jun Wu Xie.

Dalawang guest rooms ang kinuha nina Jun Wu Xie at Jun Wu Yao saka nagpunta sa kani-kanilang mga kwarto para magpahinga.

Related Books

Popular novel hashtag