Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1374 - Pakinggan Ang Kuwento ni Lord Jue Tungkol Sa Magical Artifacts (4)

Chapter 1374 - Pakinggan Ang Kuwento ni Lord Jue Tungkol Sa Magical Artifacts (4)

Ang Soul Calming Jade ay nabibilang sa pangalawang uri, ang kapangyarihan nito ay walang

tigil na nauubos, at nangangailangan ng patuloy na pagdadagdag upang mapanatili ang

kapangyarihan nito.

Kung nais ni Qiao Chu at ng iba pang kasama na madagdagan ang kanilang mga spirit powers,

hindi lamang sila dapat gumamit ng isang uri lamang sa tatlo bagkus ay pagsamahin ang mga

iyon ng maayos upang makamit ang tagumpay sa loob ng maikling panahon.

Ibinatay ni Jun Wu Yao sa indibiduwal na katangian ng kanilang soul ang pagpili sa magical

artifacts na angkop para sa mga kasama.

Bagaman ang permanenteng magical artifact ay hindi nagbibigay ng malakas na

kapangyarihan, ngunit sila'y ginantimpalaan sa kanilang katatagan at pananatili at sila'y

magsisilbi na isang bagay na bubuhay at aalalay at sasamahan sila sa kanilang paglinang.

Ang halimbawa ay si Qiao Chu na nagmamay-ari ng katangian ng fire. Pinili ni Jun Wu Yao ang

fire type Raging Flame Cauldron para sa dito. Ang Raging Flame Cauldron ay talagang

nagniningas ng matinding apoy sa loob, ngunit ang apoy na iyon ay hindi magdudulot ng

sunog sa katawan ng isang tao. Hindi makakaramdam ng anumang init ang sinuman kapag

hinawakan ang apoy ngunit kapag iniligay nila ang kanilang kamay sa loob ng mahabang oras,

ang bunga nito'y ay hindi kanais-nias.

Ang apoy sa Raging Flames Cauldron ay tinatawag ding Flame Spirit Fire, isang uri ng fire mula

sa Spirit World. Ang ganitong uri ng fire ay magkakaroon lamang ng bisa sa soul ng isang tao o

sa spirit body. Kung ang spirit body ay hindi isang fire type at hinawakan ito, ang spirit ay

susunugin ng Flame Spirit Fire sa loob ng Raging Flame cauldron. Ngunit para sa isang fire typr

spirit, ang Flame Spirit Fire ang pinakamainam na bagay na upang pigilin at dalisayin ang mga

ito, hinihimok ang spirit na maging malakas.

Sa paglilinang ng spirit powers, naisip ng mga tao na kinakailangan lang nila palawakin ang

kanilang meridians ngunit ang totoo, ang pinagmulan ng spirit powers ay nanggaling sa soul at

ring spirit. Kapag ang parehong spirit bodies ay napalakas, ay saka pa lamang magagawa na

durugin ng lubusan ang spirit powers upang makamit ang pagtaas sa pinakamataas na antas.

Bukod sa Raging Fire Cauldron, kinuha ni Qiao Chu ang isa pang maliit na magical artifacts na

tinatawag na Sun Bell. Ang panlabas na anyo ng Sun Bell ay tulad ng isang munting batingaw,

ngunit ang kulay nito ay matingkad na pula at nababalot ang paligid ng mga nililok na apoy.

Ang Sun Bell ay hindi naglilikha ng anumang tunog at sa halip ay naglalabas ng halimuyak na

humihikayat sa spirit powers. Ang halimuyak na ito ay may bisa lamang sa fire type spirits.

Ang Sun Bell ay tulad ng Soul Calming Jade , isang consumable type ng artifact, ngunit ang

kaibahan nila ay sa sandaling maubos ang kapangyarihan ng Sun Bell, ito ay madudurog.

Bukod sa magical artifacts na kayang tumagal ng mahabang oras, pumili si Jun Wu Yao ng

ilang magical artifacts na maaari lamang gamitin ng isang beses. Ang mga magical artifacts na

ito ay may mga itinatagong makapangyarihan na spirit power na kayang palakasin ang spirit

power ng isang tao sa maikling panahon ngunit bagaman ang mga magical artifacts na ito'y

lubos na makapangyarihan, ang epekto nito ay masama rin. Anumang kapabayaan sa

paggamit ng mga ito ay magdudulot ng kamatayan sa isang tao sa pamamagitan ng pagsabog

ng katawan.

Samakatuwid, si Jun Wu Yao ay pinakuha sila ng ilan pang magical artifacts na magbibigay ng

kahusayan upang sanayin ang kanilang soul bago gumamit ng magical artifacts na pang-

isahang gamit lamang.

Kung ito ay agad nilang gagamitin ng walang kaalaman, ito ay pinaniniwalaang matapos

magamit ang dalawang artifacts na iyon, ang soul ng mga kabataang ito ay magpapakita ng

palatandaang pagbagsak mula sa malakas na bugso ng spirit powers.

Masasabing pinangasiwaan ni Jun Wu Yao ang pamamahagi ng magical artifacts para sa mga

kasamang kabataan. Mas naging maingat si Jun Wu Yao sa pagpili ng magical artifacts para kay

Jun Wu Xie.

Nang sinimulan gamitin nila Qiao Chu at iba pa ang fundamental building magical artifacts

upang sanayin ang kani-kanilang soul, si Jun Wu Xie ay wala pa ring hawak na anumang

magical artifact sa kaniyang mga kamay.

Simula't sapol, ang wood category spirit ay bihira o dili kaya ang plant type spirits na lumitaw

sa mundo ay hindi tulad ng balahibo ng phoenix o sungay ng dragon. Katulad nito, ang magical

artifacts na angkop para sa kategorya ng wood ay kakaunti lamang.

Ngunit gaano man ang kakulangan…..

Hindi pa rin ito dapat magkulang sa ganoong sukdulan.

Ang tunay na dahilan ng kakulangan ay…..

"Hindi ito." Saad ni Jun Wu Yao matapos sulyapan ang magical artifact na angkop sa kategorya

ng wood spirit, at inihagis niya ito sa sahig na may paghamak. Iyon ay magical artifact na labis

na pinag-iimbutan ng maraming tao sa nakaraan ngunit ngayon ay inihagis at gumulong ng

ilang beses sa malamig na sahig, kumalampag nang may pagdadalamhati at bahaw na tunog.