Ang ilang mga pinuno ay tila nakita ang galit mula kay Qiao Chu at sa mga kasama nito kaya
sila ay agad na nagising sa kanilang kamalayan at agad na humakbang paurong ng sabay-
sabay.
Ang isa sa mga pinuno ay tinipon lahat ng kaniyang lakas at humakbang paharap, magalang na
tumingin kay Qiao Chu na nakaharang sa harapan ni Jun Xie at sinabi: "Ang pinuno ng Dignity
Country ay nagbibigay galang sa Kamahalan ng Fire Country."
Bahagyang tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie. Narinig na niya ang Dignity Country ngunit wala
siyang anumang kasunduan sa kanila. Ang asal ng pinuno ng Dignity Country ay matapat at
ito'y naghintay doon kasama ang iba pang pinuno ng iba't ibang bansa. Kung titingnan ang
mga nagaganap, tila hinihintay nila ang paglabas niya.
"Anong problema?" Katatapos pa lamang niya aksyunan ang Emperor ng Condor Country at
wala siya sa kondisyon upang makipag-usap sa ibang mga pinuno.
Napalunok ang pinuno ng Dignity Country. Narinig niya na ang Emperor ng Fire Country ay
napakabata pa, at sa sandaling iyon, tila iyon ay totoo. Ang bata ay maliit lamang at hindi
matanda ang hitsura, ngunit sa sandaling nagsalita ito, ang tono ng kaniyang mga salita ay
nagdulot sa mga tao upang hindi siya tingnan ang batang Emperor na isang batang walang
karanasan.
"Ang aking mapagpakumbabang sarili ay narinig na ang Emperor ng Fire Country ay narito sa
Imperial Capital ng Condor Country at ako ay narito upang ihandog ang aking pagbati." Saad
niya at muli'y napalunok. Sa antas ng kalakasan ng kani-kanilang bansa, hindi sila nang-ahas na
labanan ang Condor Country, lalo na sa mas malakas na Fire Country.
Tungo sa magalang na pagbati ng pinuno ng Dignity Country, ay naubos ang pasensya ni Jun
Wu Xie.
"Hindi na kailangan. Kung wala na kayong sasabihin, huwag niyo harangan ang aking
daraanan." Malamig na saad ni Jun Wu Xie.
Nangatog ang pinuno ng Dignity Country, hindi niya alam kung bakit ang isang bata na halos
nasa kaniyang kasibulan pa lamang ay nagbibigay sa kaniya ng pakiramdam ng takot sa
kaniyang puso.
Nang makita na paalis na si Jun Xie, lahat ng mga pinuno ay biglang nataranta. Isinantabi na
nila lahat ng tapat at paimbabaw na pakikitungo at nagtungo diretso sa harapan ni Jun Xie
upang harangan ang kaniyang daraanan.
Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie.
Lahat ng mga pinuno ay biglang lumuhod sa harapan ni Jun Xie ng sabay-sabay!
"Maaari bang tumigil muna ang Kamahalan ng Fire Country sa kaniyang paglalakad pakiusap!
Ako ay narito ngayon sapagkat mayroong isang bagay akong ipapakiusap na sana ako'y inyong
matulungan, ako ay nagmamakaawa sa Kamahalan ng Fire Country na iligtas kaming lahat!"
Pagmamakaawa ng pinuno ng Dignity Country habang nakaluhod, at ang iba pang mga pinuno
ay nagsimula rin sa parehong pakiusap.
Naharap sa ganoong sitwasyon, si Qiao Chu at ang iba pa ay natigagal.
Ang mga taong ito, gayunman, ay mga magigiting na pinuno ng mga bansa, kaya paano
nangyari na ganoon lamang sila kadaling napaluhod!?
Naisip ng grupo na ang mga pinunong ito ay hinikayat ng Condor Country upang magpunta
doon at gumawa ng eksena at gawing mahirap ang mga bagay-bagay. Ngunit mula sa kanilang
nakikita, tila hindi ganoon ang kaso.
Nahinto sa paglalakad ni Jun Wu Xie at minasdan niya ang hilera ng mga pinuno na nakaluhod
sa kaniyang harapan, walang anumang sinabi.
Nang makita ng mga pinuno na handang makinig si Jun Xie sa kanila ay agad ibinulalas ang
kanilang mga kahilingan.
Nang masabi lahat ng iyon, ang galit ni Qiao Chu at ng iba pa sa grupong iyon ay tuluyang
nawala.
Ang mga pinunong ito ay inimbitahan ng Emperor ng Condor Country upang magpunta dito sa
Imperial Capital ng Condor Country, kung saan ito'y labas sa kanilang kalooban. Ngunit laban
sa mapaniil na lakas ng Condor Country, wala silang ibang magawa kundi ang tanggapin ang
imbitasyon at magpunta doon. Matapos ng kanilang pagdating sa Condor Country, lahat ng
mga naganap ay higit pa sa inaasahan ninuman sa kanila. Lahat sila ay inilagay sa ilalim ng pag-
aresto sa loob ng Imperial Capital ng Condor Country at hindi pinayagang lumabas maski isang
hakbang.
Ang Emperor ng Condor Country ay patuloy silang ginamitan ng puwersa, at ginamit ang
Poison Men at Scarlet Blood bilang gantimpala at parusa sa kanila, upang mapilit sila na
maglabas ng Imperial Edict, kung saan nakalagay na sila ay pumapayag na magsagawa ng tila
isang eksperimento sa paggawa ng Poison Men na ipapakilala sa kanilang bansa, at sila'y
magiging aktibo sa pagbibigay ng tulong sa paggawa ng hukbo ng Poison Men.
Ang masaksihan mismo ng sarili nilang mga mata ang katakot-takot na kilabot ng Poison Men,
ang mga pinuno ay hindi payag na gawin ang kanilang mga tao na maging mga halimaw. Nais
nilang lumaban, ngunit sila ay nakatali, kontrolado ng Emperor ng Condor Country habang
nanatili silang nakakulong sa loob ng Imperial City, at pinagkaitan sila ng kalayaan.