Hindi dahil sa ang Buckwheat Kingdom noon ay walang kinikimkim na galit o poot, ngunit hindi
nila magawang magalit o wala sila sa posisyon na maghinanakit sapagkat wala silang sapat na
kapangyarihan upang protektahan ang kanilang mga sarili. Natatakot sila na ang bahagyang
paghamak sa Condor Country ay agad magbibigay sa kanila ng balidong dahilan upang
pakilusin ang kanilang hukbo upang lusubin ang Buckwheat Kingdom.
Ang mahina at walang kakayahan na Buckwheat Kingdom ay hindi mananalo laban sa hukbo
ng Condor Country.
Ang maliit na pagkakamali ay paniguradong magdadala ng kalamidad ng pagkawasak sa kanila.
Kaya ang tanging magagawa nila ay magtiis, pahintulutan sila isang beses pagkatapos ng isa
pa, pagtiisan iyon hanggang sa ang nagtatagis nilang bagang ay sumakit na at talikuran ang
kanilang dangal. Ang matinding poot na kanilang pinipigilan sa kaibuturan ng kanilang
kaluluwa ay walang lugar upang kanilang mailabas.
At sa araw na iyon, sa wakas ay binigyan sila ni Jun Wu Xie ng pagkakataon.
Sa pagsuporta sa kaniya ng Fire Country, sa wakas ay makakatayo na ng diretso si Grand Tutor
He at manghingi ng kabayaran para sa mga utang na dugo sa kanila!
Hindi naisip ng Emperor ng Condor Country na ang matandang lalaki na nakasunod kay Jun Xie
doon ay ang Grand Tutor ng Buckwheat Kingdom!
Isang bansa na mas maliit sa Qi Kingdom, isang lugar na halos hindi maramdaman ang
presensiya.
"Your Majesty ng Fire Country! Walang saysay ang sinasabi ng matandang lalaking ito! Isa
lamang iyang paninirang-puri! Hindi ko kailanman ginawa ang gawaing iyon at isa lamang
iyang paninira!" Kahit saan pa man nagmula ang matandang iyon, ay hinding-hindi aaminin ng
Emperor ng Condor Country lahat ng mga paratang.
Sa naging insidente sa Qi Kingdom, ang Fire Country ay naging sangkot at hindi iyon
maikakaila. Ngunit ang tungkol sa Buckwheat Kingdom, ay naging maingat siya na ilihim ang
anumang ginawa niya at walang paraan upang malaman ni Jun Xie ang tungkol sa bagay na
iyon, kaya hinding-hindi siya aamin ng anuman doon!
"Paninirang-puri!? Ang aming nakaraang Emperor na walang buhay ang katawan ay naroon pa
rin sa iyong patyo! At ang aming Kamahalan ngayon ay nasa IMperial Capital ng Condor
Country! Ang aming mga Imperial Guards na nakapanlulumong pinatay ay nakaratay pa rin sa
loob ng Imperial Capital ng Condor Country! Kailangan pa ba kitang siraan sa lahat ng iyon!?
ang duumanak na dugo ng hindi mabilang na mga tao ay nagmantsa sa iyong mga kamay, at
ang napakaraming tao na pininsala ng nakalalason mong pag-iisip! Hindi mo kailanman
mabubura ang mga kasalanan na iyon buong buhay mo!" Angil ni Grand Tutor He dahil sa
matinding galit. Hindi pa kailanman siya nakakita ng isang walang-hiyang tao na may
napakasamang budhi, tulyang nawalan ng kabaitan, isang demonyo!
"Walang kwenta! Lahat ng… Lahat ng mga gawain na iyon ay hindi ko ginawa! Ang Buckwheat
Kingdom ang mayroong maruming intensyon at ang Imperial Guards ng Buckwheat Kingdom
ang biglang umatake sa mga kawal ng Condor Country bago gumanti sa kanila ang aking
Imperial Guards! At tungkol sa iyong His Majesty at sinumang nakaraan na Emperor… Hindi ko
pa sila nakikita kahit kailan…" Ang Emperor ng Condor Country ay nagkaroon ng mainit na
argumento kay Grand Tutor He sa loob ng bulwagan. Ang isang bagsakan na kabayaran ay
naging dahilan upang mawala sa kaniya ang kalahati ng imperyo ng Condor Country at kung
ipagpapatuloy ni Jun Xie na gamitin ang tungkol sa Buckwheat Kingdom upang hatiin muli ang
kaniyang puso, ay siguradong hindi na niya iyon kakayanin!
[Hindi dapat niya aminin ang kahit ano! Hinding-hindi aaminin ang kahit isang bagay!]
[Sa anumang kaso, ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom ay dinukot na at ibig sabihin
lamang niyon ay walang sinuman ang makakasalungat sa kaniya. Ang Emperor ng Condor
Country ay nakaramdam ng matinding kagalakan dahil sa mga taong pumasok ng walang
pahintuloy sa patyo at tinangay mula sa kaniyang mga kamay ang munting Emperor kaya
magagawa niyang ikaila ang lahat. Higit pa roon, ang munting Emperor ay nadapuan ng Scarlet
Blood at maaaring patay na sa ngayon. Kahit pa mahanap nila ito, ay hindi iyon namatay sa
loob ng kaniyang patyo at hindi magagawa ni Jun Xie na idiin sa kaniyang ulo ang krimen!]
[Hangga't hindi siya aamin, magiging maayos ang lahat!]
Ang Emperor ng Condor Country ay nanindigan sa kaniyang proklamasyon na pagiging
inosente at tumanggi na aminin ang kahit ano. Ang kalapastanganan ng kaniyang mga ginawa
ay nagdulot sa matinding galit sa dibdib ni Grand Tutor He na mag-apoy, kung kaya't halos
tumalon siya patungo sa trono, matindi ang paghahangad na sakalin ang Emperor ng Condor
Country hanggang sa mamatay ito doon!
Matapos gumawa ng tusong gawain, ay wala siyang lakas ng loob na aminin lahat iyon!
Mabilis ang naging pagkilos ni Fei Yan, agad siyang lumapit kay Grand Tutor He na nagwawala
na matinding galit. Ang Grand Tutor ay dire-diretso ang pagtulo ng luha sa kulubot nitong
mukha, humihikbi sa matinding kalungkutan.
"Ang Heavens ay nabulagan na!"
[Bagama't maliit ang kanilang Buckwheat Kingdom, ngunit simula sa pinuno at opisyal na nasa
itaas hanggang sa mamamayan sa ilalim ng Buckwheat Kingdom, ang lahat ay tao at may
buhay!]
[Bakit ganito ang pakikitungo ng Heavens sa kanila!?]
[Bakit!?]
"Your Majesty ng Fire Country, ang taong iyan ay wala sa sarili! Ang mga salita ng isang baliw
ay hindi dapat paniwalaan!" Malakas na saad ng Emperor ng Condor Country, malamig na
pawis ang tumatagktak sa kaniyang likuran habang galit na nakatitig kay Jun Xie.