Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1236 - Scarlet Blood (1)

Chapter 1236 - Scarlet Blood (1)

Ang method na ito ay ang pagsakripisyo sa spirit ng isang tao para palakasin ang kaniyang kapangyarihan. Ito ay nagsimula sa Middle Realm. Ito ay may dalawang uri, ang unang uri ay ang nabanggit ni Fan Zhuo iyon ang pinaka-direktang method. Iyon ay gagawing puppet ang isang tao, pero mayroon itong pambihirang galing.

Ang isang uri ay mas nakakatakot.

Iyon ay ang magkaroon ang isang tao ng kakayahan na talunin ang isang Purple Spirit.

"Ang magkaroon ng isang kapangyarihan na kayang tumalo ng Purple Spirit ay isang bagay na hindi magagawa ng isang pangkaraniwang tao. Gagamitin ang sariling lakas nito, kung saan iyon ay mauubos at sila ay mahirap na kalabanin. Pero mayroong limitasyon ang bagay na iyon, sa oras na iyon ay gamitin sa isang tao, tatlong araw lang itong mabubuhay pagkatapos na gamitin nito ang kaniyang hiram na kapangyarihan." Inilahad ni Jun Wu Xie ang lahat ng kaniyang nalalaman. Kung hindi dahil sa itsura ng munting Emperor, hindi niya mawawari kung ano talaga ang nangyari sa munting Emperor.

At base sa nakita nito, napagtanto ni Ye Sha ang ikalawang method ang ginawa sa munting Emperor.

"Tatlong araw lang ang itinatagal kapalit ang pambihirang lakas. At ito ay gawa ng isang taong nawalan ng pamilya. Ang buong pamilya nito ay pinatay at siya naman ay nilason. Dahil sa wala na siyang dahilan para mabuhay, isinakripisyo nito ang sariling buhay para sa method na ito. Halos walang pumipili sa method na ito...dahil sa napakaiksing oras lang ang itatagal ng iyong buhay pagkatapos."

"At ang method na iyon ay tinatawag na Scarlet Blood. Ang sinumang gumamit ng Scarlet Blood ay hindi magtatagal ng tatlong araw."

Parang mga kutsilyong bumabaon sa puso ni Jun Wu Xie ang mga sinabing iyon ni Ye Sha.

Nilingon ni Jun Wu Xie ang munting Emperor na blanko pa rin ang ekspresyon sa mukha.

Kung bibilangin, ang natitirang buhay ng munting Emperor ay...isa't kalahating araw na lang!?

Hindi iyon matatanggap ni Jun Wu Xie.

"Gagawin ko ang aking makakaya." Nagtatagis-bagang na saad ni Jun Wu Xie.

Maging si Ye Sha ay parang nanghihina sa ideyang iyon. Gayong alam niyang ang Young Miss ay pinapahalagahan ang munting Emperor, subalit mahirap kalabanin ang lason ng Scarlet Blood! Oo at may pambihirang galing ang Young Miss pagdating sa panggagamit, subalit ang labanan ang Scarlet Blood, napakahirap gawin iyon.

"Sa oras na maipasok sa katawan ang Scarlet Blood, agad na uubusin nito ang life force at ang spirit nito ay masusunog. Magiging mahirap...ang pagligtas sa kaniya." Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Ye Sha.

Ang pinsala sa katawan ay madaling gamutin, ngunit para sa spirit ng isang tao, napakahirap na bagay iyon. Ilan lang ba ang may kakayahang gamutin ang spirit ng isang tao?

Ilan lang ba ang may kapangyarihan na katulad ng kay Jun Wu Yao?

Hindi nagpatinag si Jun Wu Xie, hindi siya susuko ng ganun-ganon na lang. Ang ideya pa lang na mamamatay ang munting Emperor, parang pinipiga na ang kaniyang puso. Iyon ang unang pagkakataon na parang wala siyang magawa, wala siyang magawa kundi ang panoorin ang taong ito hanggang sa huli nitong hininga.

Kahit pa na sinabi ni Ye Sha na malabo nang mailigtas ang munting Emperor, hindi siya susuko ng walang ginagawa!

Muli niyang sinuri ang pulso ng munting Emperor at napansing mayroon nang sintomas ng pagbigay ng katawan nito. Pero mabagal ang usad noon, taliwas sa kaniyang inaasahan. Base sa pulso nito, mukhang aabot pa sa pitong araw ang buhay ng munting Emperor.

Medyo nakahiga ng maluwag si Jun Wu Xie doon.

Nang makita ni Ye Sha kung gaano kadeterminado si Jun Wu Xie, wala na siyang masabi kundi ang tumahimik at manood.