Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1217 - Condor Country (2)

Chapter 1217 - Condor Country (2)

Kung anng buntot ng kunehong iyon ay hindi ring spirit, ano kaya iyon?

Bakit itinago iyon ni Grand Tutor He?

Kahit na mayroong agam-agam si Jun Wu Xie na naglalaro sa kaniyang isipan, alam niyang hindi siya dapat na makialam doon. Tapat si Grand Tutor He sa kanilang munting Emperor. May espesyal na dahilan ito kung bakit niya iyon itinago.

Hindi maiwasan ni Jun Wu Xie na maalala ang hukling karwahe sa kumboy. Nakapagtataka ang laman ng karwaheng iyon.

"Little Xie...ayos ka lang ba?" Hindi na naiwasang magtanong ni Qiao Chu nang mapansing mas lalong dumidilim ang mukha ni Jun Wu Xie. Nagsisimula na rin siyang mag-alala para dito.

Bumalik sa ulirat si Jun Wu Xie. "Wala. May bigla lang pumasok sa isip ko."

"Kung problema iyan, sabihin mo lang samin. Siguradong sasaklolohan ka ni Big Brother Wu Yao!" Sagot ni Qiao Chu.

Agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie.

Pilit na nagpipigil ng tawa si Fan Zhuo sa isang tabi. Buong akala niya ay sasabihin ni Qiao Chu na sasaklolohan nito si Jun Wu Xie pero sa huli...walang hiya-hiyang ibinato niya iyon kay Jun Wu Yao.

Hindi man lang nakitaan ng pagkahiya si Qiao Chu: "Ano? May sinabi ba akong mali? Isang kumpas lang ng daliri niya ay siguradong patay ang lahat ng kaaway nito. Hindi ba't nakakamangha iyon?!"

Tumingin sa ibang direksyon si Jun Wu Xie, ang paghihinalang nabubuo sa kaniyang isip ay agad na nawala dahil sa mga pinagsasabi ni Qiao Chu.

Lumabas naman si Fei Yan para hanapin si Rong Ruo, ang kaniyang "magandang mukha" ay kumukuha ng atensyon ng mga bisitang nasa inn. Kinindatan niya ang ilang mga lalaking halos tumulo na ang laway sa kakatitig sa kaniya at makalipas lang ang ilang segundo isang malakas na kalabog ang narinig. Isang lalaki ang nagkamali sa paghakbang sa hagdan kaya naman ay nahulog ito.

Sa kanilang lahat, si Fei Yan ang pinakamaaawain.

Nang makarating na si Fei Yan sa tapat ng silid ni Rong Ruo, dahan-dahan niya iyong itinulak. Nasalubong siya ng amoy ng noodles.

Nang makapasok na si Fei Yan sa silid ay hindi niya nakita si Rong Ruo. Nagtataka siyang tumingin sa paligid. Maya-maya lang ay nakarinig siya ng kaluskos.

Nagkaroon ng manipis na hamog sa paligid. Sa likod ng hamog na iyon ay isang matangkad na pigura ang lumabas doon. Bumakas ang kurba ng katawan ng taong iyon dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa likuran nito.

Agad na naglaho ang ngiti sa mukha ni Fei Yan at nandilat ang mga mata. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan…

Si Rong Ruo na naliligo ay narinig ang ingay na iyon kaya naman siya ay humarap. Nakita niya Fei Yan na natuod sa kinatatayuan. 

"Mukhang dekorasyon lang sa'yo ang mga pinto at hindi mo nagawang pansinin iyon?"

Nanatiling hindi gumagalaw si Fei Yan sa kaniyang kinatatayuan. Agad na tumalikod si Rong Ruo, nakitaa ni Fei Yan ang…

'Tok...tok…'

Dalawang patak ng dugo ang tumulo sa sahig mula sa ilong ni Fei Yan.

Ilang sandaling nanigas sa kinatatayuan ang dalawa dahil sa amoy ng dugo. Maya-maya ay agad na tumalikod si Fei Yan at kumaripas ng takbo.

Habang nanatili naman si Rong Ruo sa wooden tub, napuno ng pagtataka ang kaniyang isip. Nang bumaba ang kaniyang paningin doon lamang niya napansin ang dibdib niyang nakahantad.

"Sh"t!" Tinampal niya ang kaniyang sarirling noo at napasandal muli sa wooden tub---nanghihina.

[Paano niya bang nakalimutan…]

"Sorry." Saad ni Rong Ruo habang nakakunot ang noo. Wala rin namang silbi ang mga salitang iyon.

Para namang baliw na tumakbo si Fei Yan at nakarating sa silid ni Qiao Chu. Pinupuri ni Qiao Chu si Jun Wu Yao nang bigla na lang dumating si Fei Yan na hingal na hingal at parang wala sa sarili. Blanko ang ekspresyon sa mukha nito at pisil-pisil nito ang ilong.

"Little Yan, anong nangyari sa'yo?"