Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1190 - Poppy Flower (2)

Chapter 1190 - Poppy Flower (2)

Sa napakagulong sitwasyon sa loob ng silid, makikita kay Jun Qing at Long Qi na hindi talaga

nila maintindihan kung ano ang tunay na nangyayari kay minabuti na lang nilang itikon ang

kanilang bibig at manood na para bang may isang pagtatanghal, nag-aalala sila na baka pag-

isipan sila na mga mangmang na hindi magawang maintindihan ang kahit ano doon.

"Pinapakita ng Mistress na may paborito siya. Ang munting mangmang na iyan ay ang iyong

ring spirit at gayun din ako. Bakit hindi ko makita na nahahabag din ang Mistress sa akin?"

Pagmamaktol ng red robed man, nakahalukipkip ito, habang tinatamad na itinagilid ang ulo

nito upang tumingin kay Jun Wu Xie.

Narinig iyon ni Little Lotus at hindi siya natuwa. Ngunit dahil si Jun Wu Xie ay nasa kaniyang

panig, itinaas niya ang luhaang mga mata upang tumingin kay Jun Wu Xie at sinabi: "Mistress,

maaari ba na hindi mo siya gustuhin? Napakasama niya… Sa spirit World. Wala kang makikita

na mas masama pa kaysa sa kaniya."

Dahil sa dinanas na pang-aapi at grabeng pinsala sa nakaraan, hindi nagustuhan kahit kaunti ni

Little Lotus na kailangan nyang ibahagi ang may-ari sa red robed man dahil nangangahulugan

lamang iyon na mahuhulog na naman siya sa masamang kamay ng red robed man!

Kasasabi lamang iyon ni Little Lotus nang maramdaman niya na tila may apoy na naglalagablab

sa kaniyang likuran at ikinatakot niya iyon, hindi siya nangahas na lumingon sa kaniyang likod.

"Nakikita ko na ang munting mangmang na ito ay nagiging matalino na, at alam mo na gamitin

ang mga pangyayari upang ipaghiganti ang sariling hangarin."Saad ng red robed man na

nakataas ang kilay at sinabi kay Jun Wu Xie: "Kung mananatili si Poppy o hindi, desisyon na

iyon ng Mistress."

"Poppy?" Napataas ang kilay ni Jun Wu Xie. Ang patungkol ay pareho tulad ng nakaraang

buhay niya.

Poppy flower, isang uri na natuklasan noong unang panahon, isang halaman na maaaring

katasin upang makagawa ng iba't ibang gamot at pang-alis ng sakit. Sa mga taon na iyonng si

Jun Wu Xie ay kasapi pa sa organisasyon, ay nakakita na siya ng poppy flowers noon. Bagama't

ang organisasyon ay hindi kabilang sa batas at tinahi ang manipis na linya ng abo sa gitna, may

dalawang bagay na hindi nila pinapakialaman o makisali at isa doon ay ang droga.

Dahil doon, ay nagawa pa nilang magpadala minsan ng mga ahente upang huliin ang pugad ng

isang impotanteng drug lord, sinunog ang malaking taniman ng poppy flowers na itinanim

doon…

Sa mata ng marami, ang poppy flower ay masalimuot na nauugnay sa walang katapusan na

krimen, isang bulaklak ng kasamaan, at ang mga droga na gawa mula doon, ay kinuha ang

buhay ng hindi mabilang na tao, at sumira ng napakaraming pamilya.

Ang munting bulaklak na puno ng kasamaan, gayunpaman ang kulay nito ay pula na parang sa

dugo, maganda ngunit nakamamatay. Minsan nang naglinang si Jun Wu Xie ng ilang poppy

flowers sa sarili niyang laboratoryo, ngunit hindi iyon ginamit upang makagawa ng

nakakapinsalang gamot, sa halip ay kinatas iyon at ginamit sa gamot na sapilitang

makakapagparalisa ng mga ugat, ngunit… bagama't ang layunin nang paggamit nito ay iba-iba,

kung ito'y gagamitin upang makasakit sa iba, o iligtas ang isang tao, ang gagamit nito ay

magkakaroon ng matinding tiwala doon at isang pagkalulong na mahirap puksain. Matapos

gumawa ng ilang pagsasaliksik tungkol doon, ay hindi na kailanman iyon hinawakan ni Jun Wu

Xie.

Hindi niya inaasahan, na ang ikalawang ring spirit niya, ay magiging poppy flower!

Nang maamoy niya ang pamilyar na amoy na iyon kanina, ay nagakaroon na siya ng ilang hula

tungkol doon.

"Tama aking Mistress, maaari mo akong tawagin sa pangalan na iyon. Bukal sa aking loob na

maging isang poppy flower na mamumukadkad lamang para sa iyo." Saad ni Poppy habang

lumuluhod sa isang tuhod sa paanan ni Jun Wu Xie, ang walang sigla niyang asal ay naglaho, at

sa mga sandaling iyon ay taimtim habang dahan-dahan na itinaas ang kamay ni Jun Wu Xie at

binuklod ang kaniyang pangako ng isang magaang halik sa likod ng kaniyang kamay.

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie at minsdan ng pusang itim ang Poppy ng isang "patay ka na"

tingin.

[Matapang na halikan ang kamay ng kaniyang Mistress, kung mahuhuli ka ng demon lord na

iyon, hindi mahalaga kung isa kang lalaki o kaluluwa, bulaklak o spirit, isa lang ang

kahihinatnan ng lahat ng iyon, kamatayan!]

Hindi alintana ng Poppy ang saloobin ng pusang itim at ito'y humakbang na paatras. Si Little

Lotus ay iniiwasan pa rin siya na tila isang salot at nagtago sa likuran ni Jun Wu Xie, isang

nanginginig na nilalang, ang mata nito ay pulang-pula na sa pag-iyak, nag-aakusang nakatingin

kay Poppy sa lahat ng masama na ginawa sa kaniya ng Poppy.

[Hindi niya gusto na ibahagi ang parehong Mistress kay Poppy! WAAAAHH!]

[Sino ang makakapagligtas sa kaniya!?]

[Dalian niyo at kaladkarin ang lapastangan na ito palayo sa lugar na ito! WAAH!]