Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1182 - Kasabwat sa Krimen (7)

Chapter 1182 - Kasabwat sa Krimen (7)

Naisip ni Jun Wu Xie ang sarili niyang kaluluwa na namaluktot doon at ang rekasyon niya nang

hawakan niya ang Soul Calming Jade. Ang kamangha-magnhang gintong binhi ay pumasok sa

kaniyang katawan at nais niyang subukan kung taglay pa rin niya sa kasalukuyan ang

kakayahan na labanan ang epekto ng nasabing spirit artifact.

"Maya-maya ay aking hahanapin si Uncle upang tingnan ang Soul Jade." saad ni Jun Wu Xie.

Kung ang gintong binhi na iyon ay nagbigay sa kaniya ng kakayahan na matagalan ang epekto

ng mga spirit artifact, sa gayon kahit siya ay iharap laban sa Twelve Palaces sa hinaharap, siya

ay binigyan ng isa pang patong ng katiyakan, pagkatapos ng lahat…

[Ang bilang ng magical artifacts mayroon sa kamay ang Twelve Palaces ay hindi nila

nalalaman.]

Tumango si Jun Wu Xie.

Napansin ni Jun Wu Xie ang bahid ng pagod kay Jun Xian at hindi na niya nais pang istorbohin

nang mhaba ang kaniyang abuelo. Umalis na siya sa silid at hindi niya minadali ang sarili na

harapin ang ibang mga bagay na nasa kaniyang kamay at sa halip ay naglakad patungo sa

patyo ng Lin Palace na pagmamay-ari niya.

Nang makita ng Rui Lin Army ang paparating na si Jun Wu Xie, ay madali silang tumayo nang

tuwid at maigting na atensyon. Bagama't walang mababakas na ekspresyon sa kanilang mga

mukha, ang kanilang mga mata naman ay puno ng ngiti.

Alam nilang lahat , na ang munting Emperor ng Fire Country sa kanilang harapan, ay ang

kanilang Young Miss!

Walang nakasalubong si Jun Wu Xie maski isa na pinigilan siya papasok sa Lin Palace. Ang lahat

ay walang imik na naiintidihan lahat ng iyon. Ang kaniyang pagbabalik sa sarili niyang palasyo

na hindi niya natirhan nang mahabang panahon, nakita niya na ang mga lamesa at upuan ay

tila bago dahil sa linis ng mga iyon. Kahit na iniutos niya kay Long Qi na magdala ng mensahe

na matatagalan pa bago siya bumalik, ang kaniyang silid at ang buong patyo ay nanatiling

malinis at maayos, tila lagi lamang itong naghihintay upang salubungin siya sa kaniyang

pagbabalik.

Nahiga si Jun Wu Xie sa kaniyang sariling silid, ang mga ugat na binanat sa loob ng halos buong

taon sa wakas ay nagawa nang makapagpahinga kaagad ng siya ay mahiga doon.

Ang itim na pusa ay naupo sa dulo ng higaan, tamad na dinidilaan ang kaniyang mga kamay

habang kalmadong nakatingin kay Lord Meh Meh at sa Sacrificial Blood Rabbit na nagkakagulo

papasok mula sa labas ng pintuan.

Ang dalawang inosenteng hayop ay nagpakita ng malaking palabas sa labanan kanina at

ngayon ay nagmamadali silang pumaok upang humingi nang papuri mula kay Jun Wu Xie.

Binuhat ni Jun Wu Xie ang dalawang walang muwang na munting hayop at inilapag sa

kaniyang higaan at ninamnam ang sandaling kapayapaan at katahimikan.

Hiniling na sana tumigil ang oras ng mga sandaling iyon…

Hindi pansin, si Jun Wu Xie ay nakatulog habang nakahiga sa kama, hindi na nagawang linisin

ang mga dugo sa buong katawan, mahimbing na nakatulog at nakasuot pa rin ang baluti na

puro bahid ng dugo, na maging ang masangsang na dugo na hindi niya matagalan ay hindi siya

nagawang gisingin sa kaniyang panaginip.

Upang mapabilis ang pagdating nila sa Qi Kingdom sa pinakamaigsing oras na posible, ay hindi

siya nagkaroon ng pagkakataon na ipikit man lang ang kaniyang mga mata sa oras na nilisan

nila ang Thousand Beast City, at nagmadali na sa kanilang pag-alis, ang matinding galit at pag-

aalala ay naging dahilan upang hindi niya magawang kalmahin ang kaniyang puso. Tanging

pagkatapos ng matinding pagpaslang at sa wakas ay makabalik sa kaniyang dating tahanan na

matagal na hinangad ng kaniyang puso, ay saka pa lamang niya nagawang ibaba ang kaniyang

depensa, matinding pagod ang bumalot sa kaniya at hinila siya sa isang malalim na pagtulog.

Nanatiling umaali-aligid ang pusang itim sa tabi ni Jun Wu Xie at si Lord Meh Meh pati na ang

Sacrificial Blood Rabbit ay parehong pagod at pagal. Sumandig sila sa katawan ni Jun Wu Xie at

mahimbing rin na nakatulog, tanging ang pusang itim lamang na isang spiritual body ang hindi

nakaramdam maski kaunting kapaguran.

Hindi pansin kung gaano kahabang oras na ang lumipas nang magaaan na mga hakbang ang

naramdaman at ang pusang itim ay biglang naging alerto. Inangat nito ang ulo upang tumingin

sa pintuan at nakita si Jun Qing na humakbang lamang ng isang paa papasok sa pinto. Nang

makita si jun Wu Xie na mahinbing na natutulog sa higaan, ay bahagya itong nagulat at hindi

namalayan na ginaanan ang kaniyang mga hakbang, upang tahimik na makalapit sa tabi ng

higaan, at hinatak ang kumot upang sukulan si Jun Wu Xie, bago tahimik na lumabas.

Ang pusang itim ay nagpatuloy na mahiga sa kama at nakita si Jun Qing na isinara ang pintuan.

Sinulyapan nito ang mukha ni Jun Wu Xie na mahimbing na natutulog at tamad na iwinasiwas

ang kaniyang buntot bago nagpalit anyo at tahimik na pumasok sa katawan ni Jun Wu Xie.

Siya…

Talagang karapat-dapat na bigyan ang sarili ng isang matiwasay na pagtulog.