Chapter 1175 - Alyansa (4)

Bahagyang mapula ang mat ani Jun Wu Xie. Hinintay niya ang araw na ito kung saan siya ay

magbabalik matapos ang isang taon. Ngunit matapos makaranas ng matinding paghihirap at sa

wakas ay nakabalik muli, ay hindi pa rin niya magawa na manatili ng matagal upang magbigay

ng saya sa pinakamamahal niyang pamilya.

"Wu Xie… Ano… Anong nangyayari dito? Paano ka naging Emperor ng Fire Country? Ang sabi

noon sa amin ni Long Qi ay may mga bagay ka na kailangang ayusin kaya't hindi mo nagawang

bumalik. Anong nangyari?" tanong ni Jun Qing, namumula rin ang mata nito, bukod sa sakit na

nararamdaman niya sa kaniyang puso, ay matindi pa rin ang pag-aalala niya kay Jun Wu Xie.

Sumagot si Jun Wu Xie: "May mga dahilan kaya hindi ako nakabalik pansamantala. Tungkol sa

pamumuno ng Fire Country…" Walang intensiyon si Jun Wu Xie na sabihin sa ama at anak ng

Jun Family ang tungkol sa Twelve Palaces. Ang pagkakasangkot ng kapangyarihan ng Middle

Realm at hindi niya nais na kaladkarin ang kaniyang pamilya doon. Batay sa karakter ng ama at

anak ng Jun Family, kung sakaling alam nila ang tungkol sa bagay na iyon, ay siguradong

ilalagay nila sa bingit ng kamatayan ang kanilang buhay maprotektahan lamang siya at iyon

ang hindi niya nais masaksihan.

Iniwasan ni Jun Wu Xie ang kritikal na punto at minabuti na talakayin ang hindi gaano

kahalagang bagay, kung saan ipinaliwanag niya sa kanila ang tungkol sa mga bagay na nangyari

sa Fire Country.

At doon napagtanto ni Jun Xian at Jun Qing na kaya naging Emperor ng Fire Country si Jun Wu

Xie ay dahil nais nitong sagipin ang Qi Kingdom!

"Naging napakahirap sa'yo." Nararamdaman ni Jun Xian ang sakit sa kaniyang puso habang

tinatapik niya sa ulo si Jun Wu Xie. Sa pananaw ng matanda, ang gintong kulungan o pilak na

kulungan ay hindi pa rin magiging komportable sa sariling kulungan ng aso. Maaring naging

pinuno ng bansa si Jun Wu Xie, ngunit isang bagay ba iyon na dapat kainggitan sa kaniya?

Kapag ang isang tao ay nagawang matamasa ang pagsasama-sama ng isang pamilya, iyon ang

pinakamasaya para sa isang tao.

Umiling si Jun Wu Xie. "Ang pagiging Emperor ng Fire Country ay isang bagay na hinangad ng

hindi mabilang na tao. Wala iyong kahirap-hirap."

Bagama't gusto niya, ngunit hindi niya nais na mag-alala pa si Jun Xian sa kaniya tungkol doon.

Sa ano't ano man…

Maging iyon man ay ang pagiging Emperor ng Fire Country, o kahit ng Lower Realm mismo, ay

hindi siya magtatagal doon.

Upang maiwaksi niya lahat ng pasanin, at upang makabalik sa Lin Palace na hindi na naglilihim

ng kahit ano, kailangan niyang lutasin ang mga suliranin kaugnay sa Twelve Palaces!

"Wu Xie… Talaga bang nais mo na gumawa ng alyansa ang Fire Country sa Qi Kingdom?"

Tanong ni Mo Qian Yuan habang nakamasid kay Jun Wu Xie.

Tumango si Jun Wu Xie.

"Ako na ngayon ang Emperor ng Fire Country, at isa ring miyembro ng Lin Palace. Bagama't

ginamit ko ang lakas ng Fire Country upang talunin ang apat na banasang magkakaanib, at

tinaggap ko ang trono, ay gagawin ko kung ano ang dapat kong gawin. Ngunit ang Qi Kingdom

ay isang bagay na hindi ko magagawang iwanan, at dahil ganoon ang kaso, bakit hindi tayo

bumuo ng alyansa, at magagawa natin na bantayan ang bawat isa."

Hindi naramdaman ni Jun Wu Xie na ang Qi Kingdom ay mas mahina kaysa mga bansang

malapit na kanila. Hindi nagawang palkihin ng Qi Kinhdom ang kanilang hangganan sapagkat

ang naunang Emperor ay naging hangal at walang kakayahan, inipit ang kaniyang pakpak .

kung ang mga bagay-bagay sa Qi Kingdom ay nagpatuloy simula ng itatag ito, ay hindi aa[ihin

ang Qi Kingdom ng ibang bansa tulad ng Prosper Country.

Kung ang giyera ngayon ay nasa kamay ng nagdaang Emperor ng Qi Kingdom, hindi na

kailangan pa sabihin na dalawang linggo, hindi sila magtatagal maski sampung araw. Mabuti na

lamang at nang maupo sa trono si Mo Qian Yuan ay binuo niyang muli ang hukbo, at dahil

doon, ang dating tamad na Qi Kingdom ay nagawang ibalik kahit paano ang maliit na

pagkakataon upang mabuhay.

Naniniwala si Jun Wu Xie, na hangga't mabibigyan ng pagkakataon ang Qi Kingdom na

magpalakas, ay paniguradong hindi magiging mababa sa anumang bansa ang Qi Kingdom!

Kakaibang minasdan ni Mo Qian Yuan si Jun Wu Xie. Sa totoo lamang, nang magbalik doon si

Jun Wu Xie na nakaputong sa ulo ang korona ng Fire Country, ay hinanda na ni Mo Qian Yuan

ang kaniyang puso sa anumang mamngyayari, at ang paghahanda na ginawa niya sa kaniyang

puso ay ang ihanda ang sarili na dadalhin ni Jun Wu Xia ang lahat ng nasa Lin Palace at iwan

ang Qi Kingdom, at maging kabilang ng Fire Country. Ngunit ngayon, ang mga tinuran ni Jun

Wu Xie ay naging malinaw, bakit hindi niya pa rin magawang maintindihan ang nasa isip nito?

[Ang Fire Country ay Fire Country, habang ang Qi Kingdom ay Qi Kingdom. Ang bagay na iyon

ay hindi kayang baguhin ninuman!]

"Tungkol sa apat na bansa na nag-anib, mayroon ka bang nalaman na kahit ano tungkol

doon?" ibinalik ni Jun Wu Xie ang usapan tungkol doon dahil naisip niya na ang Qi Kingdom ay

sinalakay sa ilalim ng mga kakaibang pangyayari sa oras na iyon. Ang Qi Kingdom ay hindi

gaanong nakikipag-ugnayan sa ibang bansa sa ilang tao kaya ano ang naging dahilan ng Condor

Country sa bigla nilang paglusob na labis ang galit? Iyon ang dahilan kung bakit naramdaman ni

Jun Wu Xie na may kakaiba sa naganap.