Ang mga tinuran ni Jun Wu Yao ay nagpatahimik sa mga tauhan ng Rui Lin Army.
Ang pagsakop ng magkakaanib na pwersa ng apat na bansa ay nagdala ng matinding
pagkawala sa hanay ng Rui Lin Army. Hindi na nila mabilang kung ilan sa kanilang mga kapatid
ang nawala sa battlefield at hindi na rin nila matandaan kung paano nilang nagawa na
makaalis mula sa mga walang buhay na katawan. Hindi dahil sa wala silang nararamdaman na
sakit, hindi dahil sa wala silang nararamdamang poot, iyon ay dahil sa wala silang oras upang
maramdaman nila ang matinding sakit.
Ang pagmamalasakit ni Jun Wu Xie para sa kanila ay tila kumalabit sa pisi na nasa kanilang
mga puso. Naiintindihan nila kung bakit ganoon ang nasa isip ni Jun Wu Xie, kung saan mas
pipiliin niyang lumaban na mag-isa kaysa ang mawala ang isa na naman sa kanilang mga
tauhan.
"Ngunit…" tila may nais pa sabihin si Long Qi.
Ngunit umiling si Jun Wu Yao at sinabi: "Magtiwala kayo sa kaniya."
Tila isang isda na napanganga si Long Qi, hindi na nagawang magsalita pa.
Nang sandaling iyon ay naglakad palapit si Jun Xian. Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat
ni Long Qi at tumingala si Jun Xian upang tingnan si Jun Wu Yao.
"Masisiguro mo ba… sa amin ang kaniyang kaligtasan?" Bilang miyembro ng Jun Family,
nakaramdam si Jun Xian ng pagmamalaki na siya ay mayroong huwarang apo ngunit hindi niya
maisantabi ang pag-aalala bilang isang lolo.
Ngumiti si Jun Wu Yao. "Sigurado ako."
"Mabuti." tumango si Jun Xian at pinawi na ang pag-aalala sa kaibuturan ng kaniyang puso, at
siya ay tumalikod upang masdan ang mga kawal sa loob ng siyudad.
"Ngayon ang tamang oras upang sipatin ng buong hukbo ang buong kaganapan. Dalhin ang
mga sugatan upang sila'y mabigyan ng lunas at itaas ang inyong mga spirits!" Hindi pa tapos
ang labanan at kahit gaano pa kalakas si Jun Wu Xie, paniguradong hindi siya magtatagal. Ang
kinakailangan nilang gawin ngayon ay hindi ang mag-alala at tumayo lamang doon, sa halip ay
gamitin ang oras habang nakikipaglaban si Jun Wu Xie para sa kanila na pangkating muli ang
lubos na nawasak at hapong hukbo upang ihanda ang mga sarili sa nalalapit na labanan.
Sa utos ni Jun Xian, lahat ng kawal sa loob ng siyudad ay nagsiayos ng mga sarili sa oras na
iyon at ang mamamayan ay mabilis silang tinulungan upang kargahin ang mga sugatan sa mas
ligtas na lugar, habang ang mga manggagamot sa loob ng siyudad ay bumuhos upang mabilis
na gamutin ang mga pinsala ng mga bayaning nakipaglaban upang depensahan sila.
Tinawag ni Mo Qian Yuan lahat ng Imperial Physicians sa loob ng Palace at ang mga iyon ay
nagdala ng mga halamang-gamot at elixirs na maaaring gamitin upang makatulong sa
sitwasyon doon.
Sa sandaling iyon, ang mahalaga sa kanila ay hindi ang halaga ng mga gamot na iyon kundi
kung ilang mandirigma ng Qi Kingdom ang magagawa nilang sagipin!
Sa labas ng siyudad, ang pag-atake ng magkakaanib na pwersa ng tatlong bansa ay tuluyang
napahinto ni Jun Wu Xie at Jun Wu Yao, ngunit ang mga iyon ay hindi pa rin sumusuko na
makapasok sa loob ng Imperial City . mga palasong may apoy sa dulo ang walang tigil na
pinalipad sa Imperial City, ang mga palaso na nakatawid sa pader ng hangin, at nakapasok sa
loob ay nagsimulang magliyab sa loob ng Imperial City.
Ang hapong-hapo na mga kawal ay ninais na supilin ang apoy ngunit pinigilan ng mga
karaniwang mamamayan, sinabihan silang magpahinga muna ng lubusan hangga't maaari at
hayaan na sa kanila ang pagsupil sa apoy.
Ang makita ang napakaraming anyo ng mga mamamayan na nagtatakbuhan sa paligid,
pinanood ang mga munting paslit na may kargang timab-timabng tubig habang nakasunod sa
likod ng mga matatanda, ang mga kawal na sumailalim sa masiklab na digmaan ay nabagbag.
Ito ang mga mamamayan na kanilang prinotektahan sa pamamagitan ng paglagay nila ng
kanilang mga buhay sa kapahamakan. Ang mga sakripisyong kanilang ginawa ay naging sulit!
Ang lakas ng bawat isang tao na maaaring ibigay ay nagamit. Gamot, pagkain, tubig, kumot…
Anumang bagay at lahat na maaaring gamitin ng kanilang mga kawal ay dinala ng
mamamayan at inilagak sa kamay ng mga mandirigma.
Si Mo Qian Yuan ay nakatayo at ipinag-uutos lahat ng iyon, ang kaniyang ginintuang kasuotan
ay natupok ng apoy sa iba't ibang lugar at ngayon ay nasa nakakaawang estado na. Ang
kaniyang korona na sumisimbolo sa kaniyang Imperial authority na dapat ay nakaputong sa
kaniyang ulo ay nahulog na sa lupa dahil sa paroo't paritong pagtakbo at wala na siyang oras
upang kunin iyon.
Makikita ng isa ang tunay na damdamin sa oras ng kahirapan. Sa mga oras na iyon na ang Qi
Kingdom ay nasa ilalim ng isang krisis, ang determinasyon at paniniwala na nakatago sa
kaibuturan ng mga tao ng palasyo ay tuluyang nagningning. Sama-sama silang nagkaisa,
walang maririnig na salita ng pagsuko!
Sa labas ng battlefield, ang bilang ng pagpaslang ni Jun Wu Xie ay hindi na matatawaran. Ang
kaniyang pilak na baluti ngayon ay naging pula na dahil sa dugo, parehong kulay ng kaniyang
mata habang ipinapataw ang pagkitil sa lahat ng kaniyang kalaban.