Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1155 - Mob Slap --- Unang Paraan (4)

Chapter 1155 - Mob Slap --- Unang Paraan (4)

"Iyan ang dahilan...kung bakit niyo nilusob ang Qi Kingdom?" Mas lalong humina ang tinig ng taong nakasakay sa kabayo. Noong buong akala ng Chief Commander ay nakaligtas na siya, isang itim na pigura naman ang biglang sumulpot!

Iyon ay isang malaking halimaw na ang anyo ay isang malaking tigre. Agad nitong pinako sa lupa ang Chief Commander!

Ngumanga ang halimaw at inilabas ang mahahaba at matatalas na pangil nito!

"Arrrrghhhh!"

Bahagyang umangat na ang araw at nakikita niya na ng malinaw ang itsura ng taong nakaupo sa kabayo.

Isang sulyap lang nito ay gulat na gulat siya!

Ang nakaupo sa kabayo ay isang batang siguro ay nasa labing-liman taon gulang lamang. Katakot-takot ang titig na binibitawan nito at bakas sa ngisi nito ang galit.

Nakaupo si Jun Wu Xie sa kaniyang kabayo habang ang Chief Commander ay hindi makagalaw sa kamay ng itim na halimaw.

Ang lalaking nakaupo sa kabayo ay halatang bata pa. Ngunit nakita ng Chief Commander sa ulo ng bata ang simbolo ng Fire Country's ruler, ang korona ng Emperor!

[Ang batang ito...ay ang Emperor ng Fire Country!?]

Hindi makapaniwala ang Chief Commander sa kaniyang nakikita. Nito lang ay nakatanggap sila ng balita tungkol sa Fire Country. Ang dating Emperor ay bumaba sa pwesto upang ibigay ang trono sa may hawak ng Ring of Imperial Fire. Ngunit sa araw ding iyon, ang taong naging Emperor ng Fire Country ay agad na naglaho. Walang nakakaalam kung saan ito nagpunta!

Hindi niya kailanman inakalang makakaharap niya ang bagong Emperor ng Fire Country sa kalupaan ng Qi Kingdom'!

"Ang mga sundalo ng Condor Country at ng dalawa pang bansa. Asan sila?" Tanong ni Jun Wu Xie.

[Hindi sapat..]

[Hindi pa rin sapat...]

[Hindi pa rin sapat ang buong sandatahan ng Prosper Country para tupukin ang galit sa kaniyang puso!]

Kailanman ay hinding-hindi siya makakalimot. Hinding-hindi maaalis sa kaniyang alaala ang nakita niyang kalupaan nila na puno ng bangkay ng mga Rui Lin Army. Hindi mawawala sa kaniyang isipan ang malalaking ibon na kinakain ang mga laman ng bangkay!

Ang magigiting na sundalo ng Rui Lin Army ay ibinuwis ang kanilang buhay upang ipaglaban ang lupang sinilangan! Iyon ang mga sundalong personal na pinangalagaan nila ng kaniyang Lolo.

Buhay ang kinuha ng apat na bansa, buhay din ang kaniyang isisingil!

"Sila...Sila ay nakarating na sa Imperial City..." Nauutal na saad ng Chief Commander. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganon na lang ang takot niya sa batang nasa kaniyang harapan.

Lumingon si Jun Wu Xie sa direksyon ng daan patungong Imperial City!

[Lolo! Tito!]

"Patayin na 'yan." Nagtatagis ang bagang na saad ni Jun Wu Xie.

Ngumanga ang black beast at nilapa ang lalamunan ng Chief Commander!

Umagos ang matingkad na kulay ng dugo mula dito!

Maging ang kalasag ni Jun Wu Xie ay natalsikan ng dugo nito!

"Big Brother!" Biglang tawag ni Jun Wu Xie.

Agad namang sumulpot ang pigura ni Jun Wu Yao. Balot na balot ito ng dugo. Ngunit ang mga dugong iyon ay hindi galing sa sarili nitong katawan.

"Hmm?"

"Dalhin mo ko sa Imperial City! Ngayon na!" Sa kaniyang paglalakbay papunta dito marami-rami na ang bilang ng labi ng sundalong kaniyang nadaanan. Alam niyang hirap na hirap na ngayon ang Qi Kingdom sa pakikipaglaban para sa kanilang karapatan!

Wala silang oras na dapat sayangin sa ganitong sitwasyon!

Kailangan na nilang magmadali sa pagtungo sa Imperial City!