"O dapat ko bang sabihin na ang mga tao mula sa Twelve Palaces ay lumapit na sa iyo?" ang
isiping iyon ay biglang pumasok sa utak ni Qu Xin Rui. Nabanggit na ito noon nang nag-uusap
sila ni Shen Chi, ngunit iwinaksi nila ang posibilidad na iyon ng mga panahon na iyon.
Ngunit ngayon, kahit anong uri ng pananakot o benepisyo ang kaniyang gamitin, ay hindi niya
magawa na yanigin ang kalooban ni Jun Xie. At ipinakita ni Jun Xie na alam niya ang pag-iral ng
Twelve Palaces, at hindi iyon posible sa Lower Realm!
Ang Middle Realm ay bihirang makipag-ugnayan sa mga tao ng Lower Real at bukod sa
pagnanais na makuha ang mataas na kapangyarihan, ang pagkakataon na nagpapakita sila ay
kung mayroong tao mula sa Lower Realm ang nakamit na ang Purple Spirit. Si Jun Xie ay
labing-apat o labin-limang taon lamang at kahit na siya ay nabiyayaan, napakaimposibleng siya
ay isa ng Purple Spirit. Kaya ang isang posibilidad ay bago siya makarating sa Thousand Beast
City, ang mga taong mula sa Twelve Palaces ay nilapitan na siya!
Hinaharap ang agresibong pagsuway ni Jun Xie, si Qu Xin Rui ay naisip ang ganoong palagay.
"Iniisip mo ba na ang magkaroon ng ibang palace sa iyong likuran ay wala ka ng dapat na ipag-
alala pa? Isa ka lamang pawn ng Twelve Palaces at kahit patayin kita, hindi sila mag-aabala na
ipaghiganti ka. Ang hangad nila ay kapareho sa kailangan ko, ang lakas ng Fire Country sa
iyong likuran at hindi mahalaga kung ang Emperor ng Fire Country ay ikaw o iba."saad ni Qu
Xin Rui, naninigkit ang kaniyang mga mata, kislap ng pagpasalang ang namumuo sa loob. Kung
tunay nga na si Jun Xie ay nakipag-ugnayan na sa ibang palaces, ay talagang gagawin na niya
ang kaniyan pagkilos, ang burahin ang bata.
Lihim na nagbigay ng senyales si Qu Xin Rui kay Shen Chi, at iyon ay nakuha ni Shen Chi at ng
dalawang lalaki mula sa Middle Realm.
Si Xiong Ba at ang mga tao na nasa labas ng tarangkahan ng siyudad ay hindi alam kung ano
ang Twelve Palaces na binabanggit ni Jun Xie at Qu Xin Rui. Para sa kanila, ang pangalan ng
lugar ay bago, ngunit ayon kay Qu Xin Rui, ay sinabi niya at malinaw na idineklara ang
matinding kalakasan ng Twelve Palaces…
Ang magawa na gamitin ang Emperor ng pinakamalakas na bansa sa buong kalupaan bilang
isang pawn… Anong uri nga ba ng lugar ang Twelve Palaces?
Malamig na tinignan lamang ni Jun Wu Xie si Qu Xin Rui at sinabi: "Tapos mo na bang sabihin
ang nais mo sabihin?"
Natigilan si Qi Xin Rui. Ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie ay hindi man lamang nagbago,
parang lahat ng kaniyang sinabi ay walang epekto kay Jun Xie.
"Kung tapos ka ng magsalita, harapin mo na ang iyong kamatayan." nakakakilabot na sabi ni
Jun Wu Xie.
Naguguluhan na tumingin si Qu Xin Rui kay Jun Xie at tingin niya ay kakatwa iyon at nagsimula
siyang humalakhak.
"Ha ha! Jun Xie, ikaw ay isang palalo. Gaano ba kalaki ang tingin mo sa iyong sarili? Ano ba ang
iyong halaga!? kung hindi dahil sa Fire Country na nasa iyong likuran, tingin mo ba ay
pagtutuunan kita ng pansin? Sa aking tingin, isa ka lamang insekto na maaari kong durugin
hanggang sa mamatay! Dahil hindi mo alam kung ano ang maganda para sa iyo, wala ng
halaga na panatilihin kang buhay!"
Bigla ay nag-apoy ang buong katawan ni Qu Xin Rui ng isang kulay purple na spirit energy! Siya
ay naging isang purple na sinag at pinuntirya diretso kay Jun Xie na nasa tarangkahan ng
siyudad!
Ang pagiging arogante ni Jun Xie ay naudyok ang galit na mag-apoy, at dahil tumanggi itong
magpagamit kaya papatayin na lamang niya ito!
Sa parehong pagkakataon, si Shen Chi at ang kaniyang mga tauhan ay lumusob din patungo
kay Jun Xie!
Apat na Purple Spirit ang lumusob ng sabay-sabay, lahat ay determinado na puksain si Jun Xie
sa lugar na iyon!
Lahat ng nakatayo sa labas ng tarangkahan ng siyudad ay biglang kinabahan nang makita nila
si Qu Xin Rui at ang kaniyang mga tao na kumilos upang lumusob. Bagama't marami sa kanila
ang hindi nakakaalam sa pagkatao na m,ayroon si Jun Xie, ngunit sa kanilang pag-uusap ni Qu
Xin Rui, kanilang napagtanto na si Jun Xie ay kanilang kapanalig. Nang makita nila ang apat na
Purple Spirit, ang pinakamataasn na kapangyarihan na palusob kay Jun Xie, ang puso ng lahat
ay kumislot!