Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1101 - Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (3)

Chapter 1101 - Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (3)

"Gusto ko siyang makita! Ngaon din!" hindi uurong si Qu Wen Hao habang galit na nakatitig

kay Qu Xin Rui.

Naningkit ang mata ni Qu Xin Rui ngunit wala siyang sinabi.

"GUSTO KO SIYANG MAKITA!" muling bulyaw ni Qu Wen Hao.

"Patay na si Madam…" iyak ng babae.

Tila sinuntok siya ng matindi dahil may dugong lumabas mula sa bibig ni Qu Wen Hao!

Noon, nang hindi nais ni Qu Xin Rui na ipakita sa kaniya ang kaniyang asawa ay nahulaan na

rin ni Qu Wen Hao iyon. Ang lahat ay nagawang makabalik kahit ilang saglit lang ngunit ang

kaniyang asawa ay hindi pinahintulutan. Laging may dahilan si Qu Xin Rui upang iwaksi iyon at

wala siyang ibang magawa kungdi ang maniwala.

Mula sa bibig ng mga taong nagbalik, ay nagagawa niyang makibalita tungkol sa kaniyang

asawa at iyon ay pumayapa sa kaniya.

Sa pangunguna ng katamtamang gulang na babae, ang ibang babae na nagdala noon ng balita

tungkol sa Madam sa wakas ay tinawag ang kanilang tapang at sinabi ang katotohanan.

Sa mga unang taon matapos mabihag ng Madam ay lubha itong nagkasakit sa loob ng madilim

at mainit na kulungan. At hindi pumayag si Qu Xin Rui na magpatawag ng sinuman na

maaaring gumamot sa kaniya sa halip ay itinapon niya ito sa pinakamaruming kulungan at

iniwan siya doon upang mamatay, hindi dinalhan ng pagkain sa mga huling araw ng kaniyang

buhay.

Walang pagkain at tubig at tinamaan ng matinding sakit, ang Madam ay nabuhay sa kahit

anong maruming tubig na makita niya sa loob ng piitan at hindi na niya iyon kinaya.

Nang mamatay ito, siya ay halos buto't balat na lamang dahil sa matinding gutom at ang

pagpapahirap mula sa kaniyang sakit ay nagdulot sa bangkay nito na magmukhang hindi ito

tao. Ang katawan nito ay itinapon sa ilang, hinayaan ang matapang at nakaktakot na mga

hayop na kainin ang kaniyang bangkay…

Natigagal si Qu Wen Hao nang marinig niya ang pagtangis ng mga kababaihan, parang mga

matutulis na patalim na pumunit ng pira-piraso sa munting pag-asa na nasa kaniyang puso ng

ilang taon.

Ang kaniyang asawa ang unan niyang minahal simula pagkabata at mahal nila ang isa't isa

noon pa man at sa wakas ay nagkaroon sila ng anak, ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Ngunit ang perpektong pangarap na iyon ay winasak simula nang dumating si Qu Xin Rui sa

Thousand Beast City…

Siya ay nanabik ng hindi mabilang na araw at gabi, nabuhay sa kahihiyan ng ilang taon,

tinanggap ang mga kumpromiso at gumawa ng mga sakripisyo para lamang sa pag-asa na

mabuong muli ang kaniyang pamilya.

Ngunit sa loob ng ilang taon, ang lahat ng kaniyang narinig ay pawang kasinungalingan lamang

na tinahi at iniutos ni Qu Xin Rui na sabihin sa kaniya…

"HA HA HA! HA HA HA!" bigla ay humalakhak si Qu Wen Hao. Ang halakhak nito ay nakaktakot

sa lahat ng mga taong nakakarinig nito. Ang kaniyang asawa ay namatay na hindi man lang

buo ang katawan nito at ang kaniyang anak ay sumailalim sa isang walang katulad na

kalamidad. Ang mas nakakatawa pa rito ay naging isip-bata siya na paniwalaan na hangga't

gawin niya ang mga utos ni Qu Xin Rui ay pakakawalan niya ito…

Ang makadurog puso na halakhak na iyon ay umalingawngaw sa Thousand Beast City. Dugong

luha ang tumulo mula sa sulok ng mga mata ni Qu Wen Hao na tila nagmula iyon sa

kaibuturan ng kaniyang kaluluwa…

"Nangyari… ako ang… pinakamalaking hangal… Ha ha… Grand Chieftain… HA HA HA!" tawa ni

Qu Wen Hao, ngunit ang tawang iyon na kanilang narinig ay mas puno ng awa kaysa lungkot.

Para lamang sa kaniyang asawa ay pinili niya na maging tau-tauhan. Para sa kaniyang anak ay

kinalimutan niya ang konsensya, pinagtaksilan ang tiwala na ibinigay sa kaniya at binitawan

angmoral upang maging kasuklam-suklam at masama…

At sa dulo ay hindi nito nagawa na protektahan kahit ang kaliit-liitang bagay. Ang kaniyang

buhay ay naging isang katatawanan sa ilalim ng Heavens!

Nawala sa sarili si Qu Wen Hao. Walang patid itong humalakhak, tumawa hanggang sa

mawalan siya ng hininga, ang tawa nito ay tila isang palahaw nang makarating sa tainga ni Qu

Xin Rui.

Nilagpasan ni Shen Chi si Qu Wen Hao at naglakad sa mga takot na takot na kababaihan!

Related Books

Popular novel hashtag