Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1085 - Pagputol sa Lahat ng Ugnayan (3)

Chapter 1085 - Pagputol sa Lahat ng Ugnayan (3)

Ang pintuan ng Heavenly Cloud Chambers ay dahan-dahang nagbukas. Si Shen Chi na

nakatayo sa likod ng pintuan ay unti-unting naaninag ang natataranta at balisang si Qu Wen

Hao.

Dire-diretsong naglakad si Qu Wen Hao ng hindi man lang tinapunan ng tingin si Shen Chin,

pinanatili niya ang pagiging matuwid habang naglakad papasok sa Heavenly Cloud Chambers.

Si Qu Xin Rui ay tagilis na nakahiga sa mahabang upuan habang pinagsisilbihan ng mga

kalalakihan.

Nagmamadali si Qu Wen Hao at sa kaniyang pagtungtong sa itaas na sahig, ang nanghihina

niyang katawan ang naging dahilan upang bumigay ang kaniyang mga binti at kaawa-awang

mabuwal sa lupa. Nagsumikap siya sa bawat hakbang upang tumungo sa harapan ni Qu Xin

Rui.

"Ang ipinapagawa ko sa iyo, nagawa na ba?" tumaas ang kilay ni Qu Xin Rui habang tinitingnan

si Qu Wen Hao, at isang masamang ngiti ang namutawi sa kaniyang labi.

Bakas sa mata ni Qu Wen Hao ang masamang hangarin habang pinandidilatan niya si Qu Xin

Rui, tila nais niyang gutay-gutayin ito, ang puso ay puno ng sagad hanggang langit na

pagkamuhi.

Diretsong tumingin si Qu Xin Rui sa mata nitong puno ng pagkamuhi at tumawa.

"Hindi mo kailangang pandilatan ako ng matindi. Ginagawa ko lahat ng ito para sa

kinabukasan ng Thousand Beast City. Ma matindi ang lakas ng Fire Country kumapara sa

Thousand Beast City at maaari natin ianib ang ating sarili sa Fire Country, para sa Thousand

Beast City, iyon ay magdadala sa atin ng benepisyo kaysa kasiraan at bilang kanilang Grand

Chieftain, ito dapat ang iyong hinahangad."

"Nasaan si Ling Yue!?" tanong ni Qu Wen Hao sa nangangalit na ngipin habang nanlilisik ang

matang natitig kay Qu Xin Rui.

Itinaas ni Qu Xin Rui ang kaniyang kamay at pinaalis ang grupo ng kalalakihan habang dahan-

dahang umayos sa pag-upo.

"Sinabi ko na noon. Kung nais mong makita ang iyong anak, dalhin mo dito ang Spirit Beast ni

Jun Xie bilang kapalit."

Hinawakan ni Qu Wen Hao ang Spirit Taming Bone Flute na sumisibolo sa pinakamataas na

awtoridad ar kapangyarihan ng Thousand Beast City at itinapon iyon sa paanan ni Qu Xin Rui!

Napataas ang kilay ni Qu Xin Rui nang tumingin siya kay Qu Wen Hao.

"Ginamit ko na ang Spirit Taming Bone Flute upang kontrolin ang Spirit Beast ni Jun Xie.

Nasaan si Ling Yue!!" sigaw ni Qu Wen Hao, ang katawan niya ay nanginginig dahil sa

matinding takot.

Kinumpas ni Qu Xin Rui ang kaniyang mga kamay at isa sa mga lalaki na nakaluhod sa kaniyang

paa ay sumunod upang pulutin ang Spirit Tqaming Bone Flute at pinunasan iyon gamit ang

kaniyang manggas bago ibinigay kay Qu Xin Rui.

"Oh? Kung gayon, nasaan ang Spirit Beast ngayon?" tanong ni Qu Xin Rui habang

pinaglalaruan ang Spirit Taming Bone Flute, naningkit ang kaniyang mga mata.

"Biglang dumating si Jun Xie sa kalagitnaan at tinangay iyon palayo. Hindi ko kayang pantayan

si Jun Xie at hindi ko siya kayang pigilan. Ngunit ang Spirit Taming Bone Flute ay nagawa ng

kontrolin ang isip ng Spirit Beast at sa paggising nito, ay makikinig na ito sa aking mga utos at

iyon ay pupunta dito. Ngayon, dapat mong tuparin ang ating kasunduan at ibalik sa akin si Ling

Yue!" sigaw ni Qu Wen Hao habang nakakuyom ang kaniyang kamao.

"Hahaha." manghang tawa ni Qu Xin Rui. Nahahabag na tumingin siya sa kaawa-awang hitsura

ni Qu Wen Hao, tumatawa siya habang iniiling ang kaniyang ulo at sinabi: "Bakit ka ba

nababahala ka? Kahit anupaman, ang dugo ng Qu Family ay nananalaytay kay Ling Yue at

bilang miyembro ng Qu bakit ko naman hahayaan na tratuhin siya ng masama? Huwag kang

mangamba. Habang nandito siya sa akin ay babantayan ko siyang maigi. Kapag nagpunta na

dito ang Spirit Beast upang hanapin ka, saka ko ibabalik si Ling Yue sa iyo."

Nataranta ang puso ni Qu Wen Hao at wala na siyang pakialam sa kahit anupaman at

sumalakay siya kay Qu Xin Rui. Sumimangot ang mukha ni Qu Xin Rui at gamit ang kaniyang

palad ay tumilapon si Qu Wen Hao palayo!

Bumagsak si Qu Wen Hao sa lupa at umagos sa kaniyang bibig ang dugo. Ang kaniyang buhok

ay nawala sa ayos at ang kaniyang mata na namumula ay galit na nakatitig sa Qu Xin Rui.

Ang pares ng mga matang iyon ay tila sa isang demonyo at hindi nasisiyahan si Qu Xin Rui sa

pagtitig na iyon at kunot ang noong tinanong: "Bakit ka ba nagmamadali? Nangangamba ka ba

na sa ilang buwan ay magkakaroon ka na ng ilang apo?" habang nagsasalita ay malakas na

tumawa si Qu Xin Rui.

"Huwag kang mag-alala. Ang mga ipinadala ko ay ang mga kaakit-akit na lalaking maingat kong

pinili. Kahit magkaroon siya ng anak, naniniwala akong magandang sanggol iyon."