Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1003 - Ang Spirit Stone Ng Devious Wyvern (1)

Chapter 1003 - Ang Spirit Stone Ng Devious Wyvern (1)

Tangan ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa kaniyang braso nang umalis sa Spirit Beast Arena sa

ilalim ng masusing pagsisiyasat ng napakaraming tingin na nakatuon sa kaniya mula sa lahat

ng mga tao na nandoon.

Ang mga tao mula sa Spirit Beast Arena ay hindi pa rin nakakahuma kahit pa nakaalis na doon

si Jun Wu Xie. Lahat ng nasaksihan nila ngayong araw na ito ay tuluyang dinurog lahat ng

inaakala nila sa mundo at iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang Guardian Grade

Spirit Beast kaya lahat ng akala nila ay alam na nila sa mudo ay tuluyang nagbago!

Sa ilalim ng Heavens ay mayroong ganoong tao na nabubuhay, isang tao na malawak ang

nalalaman Spirit Beast Taming ng higit pa sa nalalaman ng mga tao mula sa Thousand Beast

City?

Hindi nangangailangan ng impluwensiya mula sa labas, at ang taong iyon ay nagawang

pasunurin ang Spirit Beast sa utos nito. Hindi ba't talagang nakakatakot iyon?

Naupo si Lin Feng sa lupa, ang hitsura niya at mukhang natataranta habang ang matinding

takot at kilabot ay unti-unting sumasakal sa kaniyang puso.

Kalalabas pa lamang ni Jun Wu Xie mula sa Spirit Beast Arena nang makita niya si Qing Yu na

nagmamadaling tumakbo.

Nang masilayan ni Qing Yu si Jun Xie ay mabilis siyang lumapit sa bata.

"Hindi ba't nagkasundo na tayo? Na hindi ka tutuloy ngayon dito? Ayos… ayos ka lang ba?"

siniyasat mabuti ni Qing Yu si Jun Xie mula ulo hanggang paa. Nang makita niyang walang

palatandaan na may pinsala si Jun Xie at may kaunting bakas lamang ng dugo sa likod na paa

ni Lord Meh Meh ngunit mukhang ayos lang naman ito, ay nakahinga ng maluwag si Qing Yu.

"Hangga't ikaw ay ayos lang, hangga't ikaw ay ayos lang. Mukhang maayos rin si Lord Meh

Meh at iyang munting pinsala sa kaniyang paa ay gagaling sa loob ng ilang araw." inakala ni

Qing Yu na ang dugo mula sa paa ni Lord Meh Meh ay dugo nito, hindi niya alam na ang

dugong iyon ay mula sa mga manonood na aksidenteng namatay sa pagkakadurog nang

matapakan ang mga ito.

Hindi na nag-atubili si Jun Wu Xie na ipaliwanag ang tungkol doon at sa halip ay naglabas ng

panyo at pinunasan ang dugo na nasa paa ni Lord Meh Meh.

Matapos lunukin ang Devious Wyvern, naramdaman ni Lord Meh Meh na busog na busog siya

at hindi na nagawang kulitin pa si Jun Wu XIe para sa mga dahon ng lotus. Masaya siyang

nagpakalong sa braso ni Jun Wu Xie habang nakapikit ang mata, nasisiyahan sa mainit na

yakap ng kaniyang Feedstress.

"Umuwi na muna tayo." napansin ni Qing Yu na walang balak si Jun Xie na magkwento at nag-

aalalang ang bata ay malungkot.

"Huwag mo iyong masyadong isipin. Ang Devious Wyvern ay hindi pangkaraniwang Spirit

Beast at normal lang na matatalo ka." saad ni Qing Yu, sinusubukan niyang aluin si Jun Xie.

Ngunit sa halip ay sinabi ni Jun Wu Xie: "Babalik ako bukas."

"Ha?" natigagal si Qing Yu. Bakit napakatigas ng ulo ng batang ito?

Ang naguguluhan na si Qing Yu ay isinama na pabalik si Jun Xie sa Fiery Blaze Clan Hall at

madaling dinala ni Jun Xie si Lord Meh Meh pabalik sa kaniyang silid at hinugasan ang dugo sa

paa nito.

Kalalagay pa lamang niya kay Lord Meh Meh at umalis sandali upang kumuha ng mainit na

tubig ng ang naiwan na Sacrificial Blood Rabbit na isinailalim sa pagbabantay ng pusang itim ay

biglang lumundag sa higaan. Tinitigan nito ang nasisiyahan at busog na si Lord Meh Meh na

komportableng nakahiga sa kama at ang mapanlinlang na kuneho ay biglang nakaramdam ng

sama ng loob.

Sinilip nito si Jun Wu Xie at nakita niyang nakatalikod ito at kumuha ng tubig. Ang malaking

mata nito ay umikot pabalik at bigla itong tumalon sa ere at bumagsak sa bilugang tiyan ni

Lord Meh Meh!

"Meh!!!!!"

Isang matinis at nakakabinging iyak ang biglang narinig.

Ang mga kilay ni Jun Wu Xie ay nagsalubong nang marinig niya ang tunog na iyon. Lumingon

siya at nakita niya si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit na muling nag-aaway. Nang

mapansin nila si Jun Wu Xie na mariing nakatitig sa kanila ay madali silang huminto at

naghiwalay. Inilabas ni Lord Meh Meh ang kaniyang paa at sinipa ang isang hindi pamilyar na

bagay sa higaan at iyon ay nahulog at lumagapak sa sahig.

"Ang mapanlinlang na kuneho ang dahilan kaya ang tupa ay isinuka iyan." dahil sa nasaksihan

niya ang buong pangyayari sa isang sulok, ang itim na pusa ay isinumbong ang dalawa at wala

siyang nararamdaman kahit kaunting pagsisisi sa ginawa.

Nang marinig iyon ni Lord Meh Meh ay mabilis itong tumalikod at ibinaon ang ulo sa ilalim ng

kumot habang ang munting puwit nito ay nakalantad at ang munting buntot ay nanginginig sa

ere dahil sa takot.

"..." walang mahagilap na salita si Jun Wu Xie ng mga sandaling iyon.