Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 966 - Isang Malupit na Uri ng Paligsahan (1)

Chapter 966 - Isang Malupit na Uri ng Paligsahan (1)

Ang mga tao dito ay hilig manood ng mga labanan at ito ay talagang nagpapsiya sa kanila.

Tahimik na pinanood ni Jun Wu Xie ang dalawang mababang uri ng Spirit Beasts sa entablado.

Ang mga nababang uri ng Spirit Beasts ay nagtataglay ng mababang kamalayan at halos wala

silang taglay na abilidad sa isang maliwanag na pag-iisip o panghuhusga, kung saan ang

kanilang mga reaksyon ay dahil sa kanilang pangunahing nauunawaan. Ang mga Spirit Beasts

ay walang kaalam-alam na sila ay nilalabanan at pinapatay ang kanilang mga kauri para lamang

makuha ng mga nagmamay-ari sa kanila ang pagbubunyi at upang magbigay ng magandang

palabas para sa mga manonood na nasa paligid.

Para sa mga Spirit Beasts na nasa batlle platform ang kanilang ginagawa ay ang sumunod

lamang sa mga hiling ng kanilang tagapag-alaga at kahit na ang kanilang mga kauri ay walang

poot sa isa't isa ay wala silang pagpipilian kundi ang ilabas ang kanilang pangil, dahan-dahan at

unti-unting patayin ang kanilang mga kalaban.

Matinding kalupitan, napakasama at mabagsik na palabas.

Nanatili ang simangot sa mukha ni Jun Wu Xie. Kinasusuklaman niya ang lugar na ito mula sa

kaibuturan ng kaniyang puso.

Nang sa wakas ang isa sa Spirit Beasts ay sumuko na dahil sa matinding pinsala na tinamo nito

at hindi na nagawa pa na tumayong muli, ang nanalong panig ay nakatanggap nang

masigabong palakpakan mula sa mga manonood. Ang nagmamay-ari sa nagwagi ay biglang

sumampa sa entablado at kinarga sa kaniyang mga braso ang Spirit Beast na punong-puno ng

dugo, bakas sa mukha nito ang tuwa at kagalakan.

Ngunit, tila hindi nito pansin kahit kaunti na ang kaniyang Spirit Beast na nagwagi ay naliligo sa

sarili nitong dugo at sa may gulugod nito ay isang sugat na sa sobrang lalim ay nakikita na ang

mga buto.

Ang mukha ng may-ari ay tanging saya lamang ang makikita at wala ni isang bakas ng

dalamhati o kalungkutan.

"Sila ay mga gamit lamang dito." malamig na turan ni Jun Wu Xie.

Naguguluhang tumingin si Qing Yu kay Jun Xie, hindi niya alam kung bakit ito biglang nasabi ng

bata.

Balita sa lahat na ang mga tao mula sa Thousand Beast City ay mahal ang mga Spirit Beasts.

Ngunit sa kaniyang nakikita, hindi iyon totoo. Ang nakikita niya ay ang paggamit sa mga Spirit

Beasts bilang salapi upang manalo sila ng kadakilaan, tinuturing na mga gamit at hindi bilang

isang kasama. Pinapaamo nila ang mga Spirit Beasts upang ipakitang gilas ang kanilang mga

talento at makakuha ng pagkakataon para sa isang maliwang na kinabukasan at walang

kinalaman doon ang pagmamahal para sa Spirit Beasts.

Walang napabalitang insidente ng pagpapahirap sa mga Spirit Beasts dahil na rin sa kautusan

ng Grand Chieftain.

Hindi naniniwala si Jun Wu Xie na ang mga taong iyon sa kanilang pribadong oras, malayo sa

mata ng mga tao ay mag-uukol ng pagmamahal at pagkagiliw sa kanilang mga Spirit Beasts.

Dahil kung totoo man, bakit nila ilalagay ang mga ito sa isang malupit na labanan sa arena at

hayaan sila na sirain ang bawat isa nang walang tigil?

Ang kasakiman at pagbabalatkayo ng mga tao ay nailalarawan dito. Sa ilalim ng malakas na

hiyawan sa loob ng arena tanging si Jun Wu Xie lamang ang nakatingin sa dalawang hapo na

Spirit Beasts, puno ng mga sugat at hindi na komportable ang kaniyang pakiramdam.

Ang mga Spirit Beasts dapat ay namumuhay ng malaya kasama ang kalikasan ngunit dahil sa

pagiging sakim ng mga tao, sila ay dinukot ng sila ay mga musmos pa lamang at pinaamo ng

maraming taon at naging dahilang kung bakit ang mga Spirit Beasts ay nawala ang natural na

disposisyon upang sa huli ay maging puhunan upang magbigay sa mga tao ng kadakilaan.

Iyon ay nakakalungkot at kaawa-awa.

Kundi lamang dahil sa naroon ang Spirit Tamer Bracelet ay hindi na nanaisin pa ni Jun Wu Xie

na magtagal miski isang minuto sa marumi at kasuklam-suklam na lugar na iyon!

Nararamdaman ng pusang itim ang galit sa puso ni Jun Wu Xie, itinaas niya ang kaniyang

kamay at marahang humaplos sa balikat ni Jun Wu Xie.

Lumingon si Jun Wu Xie upang tingnan ang pusang itim at ang pusang itim ay nagpakawala ng

isang marahang ngiyaw.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at tiyak na tinapik ang munting ulo nito. Namuhi siya

sa kaniyang nakita ngunit hindi niya hahayaan na maapektuhan siya dahil doon. Hindi na siya

ang sarado at mahiyain na munting batang babae. Natuto na siyang maging malakas, natutong

protektahan ang kaniyang sarili at ang mga taong pinangangalagaan niya sa sarili niyang

paraan.

Ang Spirit Beast na nagwagi ay hindi na nagawang magpatuloy sa susunod na laban dahil sa

matinding pinsala na tinamo nito. Maya-maya ay dalawang Spirit Beasts ang dinala sa

entablado para sa susunod na laban at nang makita ni Jun Wu Xie ang isa sa mga iyon, ang

malamig na tingin sa kaniyang mga mata ay napalitan ng matinding galit!