Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 916 - Intricate Plot (7)

Chapter 916 - Intricate Plot (7)

Pinasuot ni Qu Ling Yue ang kaniyang damit na suot kanina kay Jun Xie. Saka ito umalis kasama ni Xiong Ba bilang si Jun Xie.

Kahit na ang mga Imperial Guards na lihim na nagbabantay sa labas ay hindi napansin ang pagkakaibang iyon.

Itinaas ni Lei Chen ang tasa ng kaniyang tsaa sa harap ni Qu Ling Yue.

"Labis akong nagpapasalamat sa tulong mo Ling Yue. Alam kong wala kang balak na maghiganti ngunit ginawa mo pa rin para tulungan kami ni Little Brother Jun." Noon ay pinilit na makalapit ni Lei Chen kay Ling Yue para makuha ang pabor ng Thousand Beast City, kaya naman ay nakilala niya ito ng lubusan.

Sa pagkatao ni Ling Yue, malabo ang maghiganti ito. Nagmakaawa lang ito kay Xiong Ba kanina kaya pumayag ang huli.

"Bakit niyo naman nasabi iyan Senior? Hindi ba't ginagawa ko rin ito para saking sarili?" Nakangiting saad ni Qu Ling Yue.

Nagbaba ng tingin si Lei Chen. Totoo ngang napakabait ni Qu Ling Yue. Sa oras na iyon ay hindi niya maiwasang bahagyang magalit sa kaniyang sarili dahil sa paggamit niya sa inosenteng babaeng nasa kaniyang harapan.

Napakabuti nitong babae at wala siyang balak na ipahamak ito.

Sinundan naman ng mga Imperial Guards ang karwahe ng Thousand Beast City pabalik sa inn ng War Banner Academy. Matapos masigurong tanging si "Qu Ling Yue" at Xiong Ba lang ang bumaba sa karwahe, pinuntahan pa nila mismo ang karwahe para masigurong walang nagtatago doon. Pagkatapos ay nagtungo sila kay Yuan Biao para maghatid ng balita.

Ang Immortals' Loft at Crown Prince's Residence ay binabantayan pa rin ng mga Imperial Guard Army.

Lumipas ang isang buong araw at hindi pa rin nakikita ni anino man lang ni Jun Xie. Nang ibalita iyon ni Yuan Biao sa Emperor, ipinukpok ng Emperor ang isang bato ng Jade sa kaniyang mesa sa sobrang inis.

"Mga walang kwenta! Napakarami niyo at isa lang hinahanap niyo hindi niyo pa magawa?! Sinasabi mo ba saking walang silbi ang Imperial Guards Army?!" Galit na galit ang Emperor sa nasa harap niyang si Yuan Biao. Habang tumatagal ay mas lalo siyang natatakot tungkol sa paglantad ng Ring of Imperial Fire.

"Hinalughog niyo na ba ang Crown Prince's Residence?" Galit na tanong ng Emperor.

"Opo. Wala doon si Jun Xie." Sagot naman ni Yuan Biao.

"Maghanap kayo hanggang sa kasulok-sulukan ng Imperial Capital! Gusto kong makuha niyo si Jun Xie sa lalong madaling panahon!" Umalingawngaw sa loob ng Imperial Study ang sigaw ng Emperor. Maya-maya ay may naisip ito at sinabing, "Magpunta kayo sa Grand Adviser's Mansion! Tignan niyo kung naroon!"

Nagulat na nagtaas ng tingin si Yuan Biao. Naguluhan siya sa sinabi ng Emperor.

"Kamahalan? Pinag-uutos mo bang maghalughog kami sa Grand Adviser's Mansion?"

"Mukhang ang Grand Adviser! Mukhang siya nga! Naisip ko na iyon nang bumalik siya sa banquet kasama si Jun Xie! Pinapakita niya lang na hindi siya nakikisali sa pangyayari sa bansa ngunit siya pa rin ang nakakatandang kapatid ng Unang Emperor ng aming pamilya! Malapit siya sa lalaking iyon kaya hindi malabong siya nga! Siya nga talaga! Sigurado akong nakita niya din ang Ring of Imperial Fire. Gusto niya rin sigurong...Kumilos na kayo ngayon na!" Ang takot sa puso ng Emperor ay mas lalong lumalala.

Bukod sa Imperial Family ng Fire Country, wala nang iba pang nakakaalam na ang kasalukuyang Grand Adivser ng Wen Yu ay mahigit isangdaang taong gulang na. Isangdaang taon na ang nakakalipas at ang Emperor ng panahon na iyon ay ang nakakatanda nitong kapatid. 

Sa mga nakaraang henerasyon ng Grand Advisers, sila ay may gwapong itsura at marangal na estado. Tanging ang parte lang ng Imperial Family ang nakakaalam na ang Grand Adviser mula noon ay nag-iisa lang at walang iba kundi si Wen Yu!

Dahil sa kwentong iyon na pinagpasa-pasahan ng mga sumunod na henerasyon, hindi na napalitan sa puso ng mga taga-Fire Country ang kanilang Grand Adviser!