Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 857 - Ang Pagbisita sa Presinto (3)

Chapter 857 - Ang Pagbisita sa Presinto (3)

Nagngingitngit ang kalooban ni Lei Fan. Bumakas ang masamang anyo nito sa tulong ng kandilang naroon. Dahan-dahan itong umatras. Nakapako ang tingin nito kay Jun Xie. Ang mga mata nito ay puno ng galit.

"Kung ayaw mo akong paniwalaan, bahala ka. Sana pag-isipan mong mabuti dahil dalawang araw na lang ay darating dito ang mga taga-Thousand Beast City. Huli na ang lahat kung aantayin mo pa silang dumating. Sabihan mo lang ako kapag magbabago na ang isip mo." Matapos sabihin iyon ay nagdesisyon na si Lei Fan na umalis.

Nang makalabas si Lei Fan sa kulungan ni Jun Xie, lumapit ang guwardiyang nagbabantay kay Lei Fan. Agad itong sinipa ni Lei Fan!

"Ang lintik na iyon ay hindi talaga alam kung anong makakabuti sa kaniya! Akala niya talaga ganon siya kagaling!" Galit na galit si Lei Fan. Nagbabagang din ang kaniyang mga mata.

"Jun Xie, hindi ko akalaing ganiyan katigas ang ulo mo! Nagigipit ka na nga nakuha mo pang magmalaki! Magsaya ka ngayon diyan sa kulungan!" Singhal ni Lei Fan.

"Sabihan mo ang mga nagbabantay sa loob na sila na ang bahala kay Young Master Jun. Ang mga ginagamit na pang-torture ay matagal nang nakatengga." 

Nanginig ang guwardiya at agad na pumasok sa kulungan para sundin ang utos ni Lei Fan.

Agad namang pumasok sa karwahe si Lei Fan.

"Tinatanggihan mo ang maganda kong alok, ngayon magdusa ka! Tignan lang natin kung hanggang saan ang yabang mo! Darating ang araw na luluhod kang lalapit sa'kin!"

...

Matapos umalis ni Lei Fan, mag-isang nakaupo si Jun Wu Xie sa kaniyang kulungan. Tumalon sa kaniya ang kaniyang itim na pusa. Noong pumarito si Lei Fan, lumabas ang pusa.

"Meow~"

[Mistress, ang demonyong iyon ay inutusan ang mga nagbabantay na parusahan ka. Tingin ko simula bukas ay pa pahirapan ka na nga nila!]

Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie ngunit hindi siya nabahala.

"Gusto niya lang talagang sapilitan akong pumayag. Sasaktan niya ako? Alamin niya muna kung kaya niya." Napangisi si Jun Wu Xie. Kahit pa nasa kulungan siya, hindi siya pwedeng manipulahin ninuman.

"Meow?"

[Tanong ko lang, Mistress. Kailan ka magsisimulang kumilos?]

"Hindi natin kailangan magmadali. Dahil "aalagaan" nila ako, sisiguraduhin kong ibabalik ko sa kanila ang gagawin nila saakin." Walang emosyong saad ni Jun Wu Xie. Hinaplos ni Jun Wu Xie ang itim na pusa na nasa kaniyang tabi.

"Meow?" 

[Ibabalik?]

Marahan namang sumagot si Jun Wu Xie: "Hindi ba't darating ang mga taga-Thousand City?"

"Meow."

[Narinig ko nga.]

"Hindi man kasing-lakas ng Thousand Beast City ang Yan Country, pero kapag nagkaroon sila ng matinding galit sa Yan Country, hindi nila kakayaning kalabanin ang Thousand Beast City." Nagbaba ng tingin si Jun Wu Xie. Naglaro ang maraming bagay sa kaniyang isipan.

Maaga pa, pwede pa siyang makipaglaro sa Fourth Prince at sa Emperor. Sana lang ay makapaghintay pa ang mga ito para isang maayos na palabas ang maihahanda niya para sa mga ito.

Related Books

Popular novel hashtag