Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 739 - Ang Ika-walong Sampal 20

Chapter 739 - Ang Ika-walong Sampal 20

Ang spirit power ni Jun Wu Xie ay ganap nang naubos sa mga sandaling iyon. Noong una, siya ay nagsanib puwersa kila

Fan Zhou at nagawa nilang pabagsakin ang kalaban. Ngunit habang ang kaniyang spirit power ay nagsimulang humina

habang nagpapatuloy sa pakikipaglaban. Madaling napansin ng kalaban nila ito at kinakitaan ng oportunidad bago pa

man makagawa ng hakbang si Fan Zhou, isang napakaliwanag na ilaw ng spirit energy ang nakadirekta papunta kay Jun

Xie!

Tumalon ang puso ni Fan Zhou at gustong-gusto niyang harangan ang atake ngunit huli na ang lahat!

Nakita niya ang pagsabog ng spirit energy na babangga kay Jun Wu Xie ngunit bago pa man siya kumislap, biglang

naglaho si Jun Wu Xie sa kinalalagyan nito!

Inihanda ni Jun Wu Xie ang sarili sa atake at sa sakit na idudulot nito, ngunit ang sakit ay hindi niya naramdaman sa

kaniyang katawan. Sa katunayan, ang kaniyang naramdaman ay kabaliktaran. Natagpuan niya ang kaniyang sarili sa

pamilyar at mainit na yakap.

"Totoo ngang malaki na si Little Xie! Kaya mo nang gamitin ang kapangyarihan ng purple spirit? Subalit kung bago mo

lang ito natutunan, huwag nating madaliing masyado, okay? Isang boses na punong-puno ng pagmamalaki at kasiyahan

ang kaniyang narinig sa taasan ng ulo!

Biglang umangat ang ulo ni Jun Wu Xie at nagulat sa napakagwapong mukha ang tumambad sa kaniyang mga mata.

"Kuya..." Nanlaki ang mga mata ni Jun Wu Xie, makikita ang pagkagulat habang nagtataka siya kung kailan siya nagawang

yakapin ni Jun Wu Yao sa ganitong sitwasyon?!

"Ano iyon? Hindi ka ba masiyang makita ako?" Punong-puno ng kasiyahan ang mga labi ni Jun Wu Yao habang tinutukso

ang bahagyang nagulat na pigura sa kaninyang mga bisig.

[Gaano ba siya katagal nawala at nagawa na niyang gumawa ng gulo. Kung hindi siya hinanap ni Ye Mei, hindi niya

malalaman na ang kaniyang pinakamamahal na kapatid ay may kakayanan ng gumawa ng nakakagulat na bagay.]

"Hindi totoo iyon." saad ni Jun Wu Xie na hindi sumangayon.

Tumawa ng malakas si Jun Wu Yao at ginulo ang buhok ni Jun XIe. "Mabuti naman kung hindi nga. Maghintay ka muna

ng saglit habang ang iyong kuya ay makakipaglaban para sa iyo." Hawak ni Jun Wu Yao si Jun Wu XIe sa isang kamay

habang nilipat ang tingin sa mga lalaking nakikipaglaban kay Ye Sha at sa iba pa. Lumipat muli ang tingin niya papunta sa

lalaking nakalaban ni Jun Wu Xie kani-kanina lamang!

Sa mga sandaling iyon, ang malambot na mga mata nito ay biglang napalitan ng galit.

"Pinagtangkaan mong saktan siya? Mukhang nabuhay ka na nang matagal. Sa tingin ko kailangan ko nang baguhin ito."

Ang gwapong boses ni Jun Wu Yao ay narinig ng lahat. Hindi pa nakakabawi sa pagkagulat ang lahat sa biglang pagdating

nito nang biglang may nakita silang maliit na anino na lumabas mula sa mga daliri ni Jun Wu Yao, diretso papunta sa

lalaking kalaban ni Jun Wu Xie!

Si Fan Zhuo ang pinakamalapit sa lalaking iyon kung kaya naman nakita niya kung paano lumipad papunta sa leeg ng

lalaki ang itim na anino!

Ang oras na binuno ng paglipad ng anino papunta sa lalaki ay hindi umabot sa isang kisap-mata at ang ulo nito ay buong

natanggal!

Malinis at pantay ang pagkahati ng leeg ng lalaki at ang dugo nito ay parang bukal na sumirit sa ere!

Mabilis na naubos ang dugo nito. Ang kaninang ingay na maririnig sa paligid ay biglang napalitan ng katahimikan, walang

kahit anong tunog ang maririnig sa kanilang mga bibig!

Nangyari iyon ng hindi humigit sa isang segundo!

Ang dalawang lalaking nakikipaglaban kay Ye Sha at Fan Jin ay natigil nang maamoy nila ang masangsang na amoy ng

dugo. Marahas na nilingon nila ang pinanggalingan nito at nakita nilang naputol na ang ulo ng kanilang kasama at ang

dugo nito ay patuloy na umaagos at sumisirit sa ere!

Pagkatapos, nakita nila ang gwapong lalaki na tila hindi tumanda na biglang nasa tabi na ni Jun Wu Xie. Ang lalaking iyon

na hawak ang maliit na piguro ay may mahiwag at kaakit-akit na ngiti na sumilay sa labi nito. Ngunit ang bahagyang

naniningkit na mata nito ay tili isang napakalalim na yeladong lawa na nagiging sanhi ng takot na pumipiga sa kanilang

puso!

[Sino ang lalaking ito?! Sa isang kisapmata lamang, napatay na agad nito ang isa sa kasamahan nila!]

Ang pinuno ng mga lalaki ay nakatingin lamang, nagulat kay Jun Wu Yao, hindi makapaniwala sa nasaksihan!

"Little Xie, gusto mo bang panatilihin ang dalawang ito?" Walang ibang nakikita si JunWu Yao kung hindi si Jun Xie at

wala siyang kahit anong pakialam sa lalaking mabilis niyang pinatay at nagpatuloy sa pagtanong sa opinion ni Jun Wu Xie

sa malambing at malambot na boses.