Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 687 - Nakakasindak na Pagbabago sa Zephyr (3)

Chapter 687 - Nakakasindak na Pagbabago sa Zephyr (3)

Napakatahimik sa Zephy Academy at ang lahat ay mukhang karaniwan lamang na para bang walang nangyrai doon.

Sa bakuran nito ay makikita ang mga disipulo na walang ginagawa. Sila ay tinipon ng tigtatatlo at tiglilima sa grupo at sila

ay nagtatawanan ng sila ay dumaan.

Nang maglakad si Jun Wu Xie sa academy ay hindi siya nakakuha ng atensyon. Nakalagpas siya sa kalsada at naglakad

pabalik sa kakahuyan na nasa gilid.

Papasok na siya ng may sumigaw na binata mula sa di-kalayuan.

"Jun Xie? Ikaw ba si Jun Xie?"

Lumingon si Jun Wu Xie at nakita niya ang isang binata na may suot na jade emblem sa kaniyang dibdib na ang ibig

sabihin ay mula ito sa Spirit Healer faculty tinitigan niya ito.

Ang binata ay ay biglang nahiya sa kaniyang ginawa at ngumit.

"Patawad kung nagulat kita. Ako ay isang disipilo ng Spirit Healer faculty at hindi kita nakita nang matagal na panahon

kaya nagulat ako na narito ka ngayon."

"Ano bai yon?" marahang tanong ni Jun Wu Xie.

Nahihiyang kinamot ng binata ang kanyang ulo at sinabing: "Wala naman pero ikaw ba ay pupunta sa tahananan sa may

kakahuyan?"

Tumango si Jun Wu Xie.

"Tungkol sa bagay na iyan… ang tahanan na iyon ay wala ng naninirahan, matagal na at walang nagpupunta doon upang

maglinis kaya marumi iyon sa ngayon. Hindi mo ba gugustuhin na mamalagi sa mga dormitoryo?" saad ng binata. Gusto

nito na mas makilala si Jun Wu Xie ngunit wala siyang maisip na sabihin kaya naman ang unang pumasok sa kaniyang isip

na lang ang kaniyang sinabi. Nang umalis si Jun Wu Xie at Fan Zhuo sa Zephyr Academy ay walang ibang nakaalam kundi

si Fan Jin at Fan Qi lamang. Ang inakala ng karamihan ay umalis si Jun Wu Xie sapagkat inatasan siya ng gawain ni Gu Li

Sheng at ginamit ni Fan Qi ang dahilan na iyon upang ipagamot sa labas si Fan Zhuo.

"Walang kahit na sino? Si Fan Jin?" tanong ni Jun Wu Xie na biglang tumaas ang kilay.

Bago siya bumalik iniisip na niya kung pinaslang na rin ni Ning Rui si Fan Jin pagkatapos ng ginawa nitong pagpaslang kay

Fan Qi.

Kahit na wala sila ni Fan Zhuo sa Zephyr Acdemy kung naroroon si Fan Jin hindi nito hahayaan na walang bibisita sa

tahanan na nasa kakahuyan.

Hindi makaimik ang binata at isang kakaibang anyo ang bumakas sa kanyang mukha. Mabilis siyang lumingon sa

kaniyang likod at ng masiguro na wala kahit sinuman ang naroon ay naglakakad siya ng ilang hakbang papunta sa

kakahuyanlumingon siya kay Jun Wu Xie at tinanguan ito.

Nang makita niya na may gustong sabihin sa kaniya ang binatang iyon na hindi maaaring marinig nang kahit sino kaya

sumunod si Jun Wu Xie sa kaniya.

"At dahil wala ka sa academy ng matagal na panahon, maaring hindi mo pa alam na ang Headmaster… Siya ay pinaslang

dalawang linggo na ang nakakaraan."

Nakatitig at walang mababakas na kahit anong ekspresyon si Jun Wu Xie sa binata.

Nagpatuloy ang binata sa pagsasalita: "Alam mo ba kung sino ang pumaslang sa Headmaster?"

Sino pa nga ba kundi si Ning Rui? Palihim na panlilibak ni Jun Wu Xie ngunit pinanatili niyang walang kahit na anong

ekspresyon ang bumakas sa kaniyang mukha.

"Si Fan Jin!"

Nanlaki ang mata ni Jun Wu Xie.

Hininaan ng binata nag kaniyang boses at binulong: "Nang mamatay ang Headmaster, walang ibang naroon kundi siya at

si Fan Jin lamang. Bago ang pangyayaring iyon, nadinig ng mga gwardiya ng academy na nagtatalo ang dalawa sa loob at

ng sila ay nagpunta upang magimbestiga, nadatnan nila ang Headmaster na patay na..."

Pinaslang si Fan Qi sa lugar na iyon gamit ang dalawang matalim na espada na itinarak sa kaniyang dibdib at nang buksan

ang nakasarang pinto sa opisina ay si Fan Jin lamang ang naroon at hawak niya ang espada na puno ng dugo sa kaniyang

mga kamay.

Sa sandaling iyon nalaman nilang si Fan Jin ang pumaslang sa Headmaster!

Si Fan Ji ay anak ni Fan Qi at walang makapaniwala na nagawa niyang paslangin ang sarili niyang ama. Sa loob ng

maraming tao ay madalas sabihin ni Fan Qi sa lahat na ampon niya si Fan Jin at si Fan Zhuo ang kaniyang tunay na anak.

Ang intensyon lamang niya ay upang protektahan si Fan Zhuo ngunit hindi lubos akalain ni Fan Qi na magiging dahilan

iyon upang magtanim ng malalim na galit si Fan Jin at magagawang wasakin ang Zephyr Academy!

Alam ng lahat sa Zephyr Academy maging ng mga nagdaan na henerasyon na ang posisyon bilang isang Headmaster ay

ipinapasa sa anak nito at si Fan Qi ay mayroong dalawang anak na lalaki. Ang isa ay ang makisig at kilala sa buong Zephyr

Academy na si Fan Jin at ang isa naman ay ang mahina at simula pagkabata ay sakitin na si Fan Zhuo.