Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 630 - Biglaang Pag-alis

Chapter 630 - Biglaang Pag-alis

Sa pagkakataong iyon, nanliit ang mga mata ni Jun Wu Yao, at napangiti siya. Sa tahimik na gubat, tinaas niya ang kanyang ulo para tumingin sa malayo.

"Mapilit sila ah."

Nanigas si Ye Mei, biglang naghandang sumangga.

Tumingin si Jun Wu Yao sa likod at tumawa: "Mukhang hindi ko mabibigay ang regalo ni Wu Xie ngayon. Ye Mei."

"Nandito!"

"Hanapan mo si Little Xie ng gasera. Sabihin mo… na hindi ako makakabalik agad."

"Masusunod!" Lumuhod si Ye Mei nang marinig ang utos.

Wala nang sinabi pa si Jun Wu Yao at biglaan nalang nawala.

Tinaas ni Ye Mei ang kanyang tingin sa mga dahon sa taas niya. Maraming kidlat ang dumaan sa langit.

…..

Sa loob ng aserang kawayan, nakasimangot si Jun Wu Xie habang nakatingin kay Ye Mei, na nakaluhod sa harap niya.

"May mga kailangan daw atupaging mga bagay ang Ginoong Wu Yao at panandaliang mawawala. Ang gaserang ito ang pinautos na ihatid ng Ginoo sa akin sa Binibini." Naglabas ng maliit na gasera si Ye Mei mula sa kanyang mga damit, ang gintong gasera ay mayroong nakapulupot na dragon na nakaukit dito, at mukha itong masalimuot at maganda ang gawa.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang gasera at walang sinabi. Hindi nagbalak na gumalaw si Ye Mei sa katahimikan ng kwarto.

"Alam ko na." Matapos ang ilang sandali, nagsalita na si Jun Wu Xie.

Nakahinga si Ye Mei. "Sinabi ng Ginoo, na babalik rin siya."

"Sige." Sinabi ni Jun Wu Xie.

Tahimik na lumabas si Ye Mei mula sa kwarto.

Sa kwarto, si Jun Wu Xie nalang ang naiwan. Umakyat ang maliit na itim na pusa sa mesa, at inikutan ang gasera.

"Hindi ito gawa sa ginto. Hindi ko alam kung ano ito." Sinabi ng pusa.

Kinuha ni Jun Wu Xie ang gasera sa mesa.

May ingay na umalingawngaw, nang mahulog ang gasera sa sahig.

Nanigas ang pusa, nang makita ang malamig na tingin ni Jun Wu Xie.

Tinignan lang ni Jun Wu Xie ang gaserang pang elixir, ng may pagkairita sa kanyang puso. Kung hindi dahil sa gaserang iyon, kung hindi niya pinahanap si Jun Wu Yao ng pamalit, hindi ba siya aalis?

Ang pagkairitang mga ito ay hindi niya kilala at hindi niya maintindihan. Alam lang niyang nagugulo ang kanyang pagiisip sa ga nararamdaman niya.

Tahimik sa kwarto. Hindi lang ang maliit na itim na pusa ang nakaramdam nito. Pati si Lord Meh Meh na nakahiga sa kama ni Jun Wu Xie ay nakaramdam ng kakaibang pagbabago kay Jun Wu Xie. Nanatili lang itong nakahiga, ang makintab nitong mga mata, nakatingin lang sa likod ni Jun Wu Xie.

Biglaang tumayo si Jun Wu Xie, at pinulot ang gasera na nahulog. Wala siyang sinabi, at nagpunta sa katabing kwartong may iba't ibang damong-gamot, na dala ng mga utusan ni Fan Qi. Ang kalusugan ni Fan Zhuo ay gumanda at natuwa si Fan Qi sa husay ni Jun Wu Xie sa medisina, kaya't ang mga hinihingi ni Jun Wu Xie, ay ipapadala niya.

At ang kwartong ito, ay ginawang pansamantalang parmasya na para lang kay Jun Wu Xie.

Linagay ni Jun Wu Xie ang gasera sa mesa, at pumili ng mga damong-gamot mula sa lalagyan sa tabi, ang mga kilos ay walang pinagkaiba sa mga kilos niya sa mga nakaraang araw. Ang kanyang kalmadong mga kilos, ay nagpamukhang wala lang ang mga nangyari kanina.

Bumaba si Lord Meh Meh mula sa kama, at ang mga kuko nito ay nagingay sa sahig habang naglalakad papunta sa pinto ng parmasya. Sumilip ito kasama ang maliit na itim na pusa sa maraming ginagawang Jun Wu Xie sa loob.

"Meh."

[Bakit galit ang aking "tagapakaing"-binibini?]

"Meow."

[Natututo lang maging normal na tao ang Binibini, ngunit sabihin mo sa akin-meow. Dapat ba akong umiyak, o tumawa?]

Related Books

Popular novel hashtag