Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 621 - Pansariling Lingkod (3)

Chapter 621 - Pansariling Lingkod (3)

Sinulyapan ni Fan Jin si Jun Wu Xie, ngunit walang nakitang kakaiba sa mukha ni Jun Xie. Nang pinagisipan niya ang salot na ginawa ng Hukbo ng Rui Lin sa Akademya ng Zephyr kahapon, mali ang naisip niya na ang taong iyon ay pinadala ng Pamilya ng Jun dahil nagaalala sila sa kaligtasan ni Jun Wu Xie na mag-isang nasa labas.

Ang Pamilya ng Jun mula sa Kaharian ng Qi ay kakaiba! Kahit ang simpleng tagapaglingkod nila ay… magiit!

"*Ahem*... Mabuti lang at nandito ka na. Ang tirahan dito ay mayroon lamang Fan Zhuo at Little Xie. Parehas silang bata pa, at ngayong nandito ka, may mga maaasikaso ka para sa kanila." Sinabi ni Fan Jin ng patawa, na para talagang tagapaglingkod ni Jun Wu Xie… si Jun Wu Yao.

Sinulyapan ni Fan Zhuo ang kanyang kapatid, at nagbuntong-hininga,

[Bagaman iyon ang sinasabi sa'yo ng binata, hindi mo ba napansin? Maski yung kilos at mga ugali, o ang magiit na aura niya, parehas silang hindi maikukumpara sa normal na tao. Kung ang isang ganito na kataas na estado ng tao ay isa lamang tagapaglingkod, edi ang pamilya ni Jun Wu Xie ay napakaganda! Ngunit kahit mga hari ng mga bansa, ay hindi makakahanap ng taong ganito.]

"Syempre, aalagaan ko sila." Tumalikod si Jun Wu Yao at tinignan si Jun Wu Xie, ang mga mata niya puno ng pagsamba.

"Ang kwartong ginamit ni Ah Jung ay bukas, doon ka nalang muna? Walang nakakapagbantay dito kaya't nagpaalam ako kay Tito Gong na magpadala ng pagkain dito araw-araw. Malaki ang tulong mo ngayon at nandito ka. Huwag mo nang isipin ang gamot ni Fan Zhuo, pagkain nalang ni Wu Xie ang asikasuhin mo." Nagpaplano na si Fan Jin habng tumatawa, ng walang alam. Inisip niyang sa Pamilya ng Jun ang tagapaglingkod,kung kaya't hindi niya kailangang alagaan si Fan Zhuo, at ang pag-alaga kay Jun Wu Xie naman ay hindi naman siguro sobrang hingiin.

"Bale… marunong ka bang magluto?" Nagatubili si Fan Jin bago magtanong. Ang binata sa harap niya ay may mga kilos na mas maayos kaysa sa mga pinakamayayaang Ginoo sa Akademya, at napaisip siya kung marunong bang gumawa ang tagapaglingkod ng mga gawaing araw-araw.

Sasagot na si Jun Wu Xie nang sabihin ni Jun Wu Yao: "Oo."

Tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao ng may kakaibang ningning sa mga mata niya.

"Magaling! Dadalhin kita sa kusina. Kung may kulang, sabihan mo lang ako, at ipapadala ko sa'yo." Tatapikin na sana ni Fan Jin ang balikat ni Jun Wu Yao nang magsalubong ang mga mata nila. Nanigas ang braso niya, at hindi niya maisip kung bakit hindi niya ito mababa.

Kinutuban siyang, pag ginawa niya iyon, may masamang mangyayari.

"Sige." Hindi tumanggi si Jun Wu Yao sa alok ni Fan Jin.

Masayang dinala ni Fan Jin si Jun Wu Yao sa kusina.

Walang magawa, umupo si Jun Wu Xie, habang sa kabila, hindi mapigilan ni Fan Zhuo ang pagtawa.

"Pansariling Lingkod? Ang tangang kuya ko lang ang maniniwala. Saan siya galing? Wag mong sabihing lingkod lang siya, ramdam ko ang aura niya. Bagaman ang ugali niya patungo sa'yo ay magiliw, ang mga matang iyon ay may sama ng loob at may pag-alipusta sa lahat ng nasa ilalim ng Langit ay mahirap itago." Hindi naniwala si Fan Zhuo sa lahat ng sinabi ni Jun Wu Yao.

Kakaiba ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie. Nahirapan siya ng kaunti bago masabi: "Kuya ko."

Nagulat si Fan Zhuo.

"Kuya mo siya?"

Tumango si Jun Wu Xie. Sa talas ng isip ni Fan Zhuo, kahit na wala siyang sabihin, mahuhulaan rin niya ito habang lumilipas ang mga panahon.

Bukod pa rito, ang nasa isip ni Jun Wu Xie ay ang gagawin ni Jun Wu Yao.

Mga gawain ng isang lingkod…. tama ba iyon?

"Hindi kayo… magkamukha." Sinabi ni Fan Zhuo matapos suriin si Jun Wu Xie. Mayroong mga mayuyuming tampok si Jun Wu Xie, ngunit hindi masasabing gwapo siya.

Related Books

Popular novel hashtag