Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 578 - Paghahanda sa Sampal (1)

Chapter 578 - Paghahanda sa Sampal (1)

Nanuot sa mga isip ng mga disipulo ang mga salitang iyon.

Alam ng lahat na si Fan Zhuo lang ang tunay na anak ni Fan Qi, habang si Fan Jin naman, kahit na ito ay may malaking potensyal at kakayahan, ay isa lamang ampon at hindi kadugo!

Ang relasyon nilang iyon ay parang uod sa mga utak ng bawat disipulo.

Kinamumuhian ng halos lahat ang si Jun Xie ngunit patuloy naman itong pinagtatanggol ni Fan Jin at dinala pa ito sa kakahuyan kung saan nasaan si Fan Zhuo para magpagaling. Mayroon bang katotohanang nagtatago sa mga gawain ni Fan Jin?

Namutawi ang isiping iyon sa mga isip ng mga disipulo ng Zephyr Academy at tuluyang nasubukan ang reputasyon ni Fan Jin.

Walang kaalam-alam tungkol doon si Fan Jin. Naglakad ito papunta sa kakahuyan ngunit tumigil sa paglalakad nang ito pagdating sa bakuran. Nag-aalala siyang baka maalarma si Jun Xie at Fan Zhuo sa kaniyang galit na itsura. Nanatili lang itong nakatayo doon bago napagdesisyunan tumuloy.

Sa silid, nadatnan niyang mag-isa si Fan Zhuo.

"Kuya, naparito ka." Bati ni Fan Zhuo sa kaniyang kapatid.

Tumango si Fan Jin, nang nasiguro na nitong kalmado na siya, nagtanong ito: "Nasaan si Little Xie?" 

"Lumabas." Karga ni Fan Zhuo si Lord Meh Meh nang ito ay sumagot.

Saglit na nanahimik si Fan Jin.

"Lumabas? Saan siya nagpunta?" Sa mga panahong it, kung may makakasalubong itong disipulo ng Zephyr Academy, baka mapaano ito.

"Kuya, huwag kang mag-alala. Maupo ka muna at magtsaa." Saad ni Fan Zhuo saka itinulak ang tasa sa harap ni Fan Jin.

Nagngangalit ang bagang ni Fan Jin. Dahil hindi niya alam kung saan nagpunta si Jun Wu Xie, wala itong nagawa kundi maghintay.

Habang si Fan Jin ay nag-aalalang naghihintay sa kakahuyan, nakaupo naman si Jun Wu Xie sa opisina ni Gu Li Sheng.

Hawak ni Jun Wu Xie ang itim na pusa sa kaniyang bisig, kalmado ang itsura nito at nakangiti kay Gu Li Sheng.

"Jun Xie, bakit ka naparito?" Malapad ang ngiting tanong ni Gu Li Sheng kay Jun Xie. Simula nang matutunan na ni Jun Xie ang konsepto sa Spirit Healing, tingin niya ay hindi na ito kailangan ni Jun Xie.

Marahan namang sumagot si Jun Xie: "Ang mga kailangan pa para sa Spirit Healing Technique ay nakumpleto na."

Nanlaki ang mga mata ni Gu Li Sheng, hindi ito makapaniwalang tumitig kay Jun Xie.

[Kailan pa? At natapos iyon ni Jun Xie...]

Ang buong akala ni Gu Li Sheng ay matatagalan ang proseso noon. Hindi niya inakalang makukumpleto iyon agad ni Jun Xie. Napakaiksing panahon lang iyon at nagawa na iyong tapusin ni Jun Xie?!

[Tao pa ba itong nasa kaniyang harapan?]

"Nakumpleto na? Talaga?" Malakas na napalunok si Gu Li Sheng.

Marahang tumango si Jun Xie.

Masyadong nasabik si Gu Li Sheng at nanginginig ang kamay nito na nakapatong sa lamesa.

"Handa na akong bumalik sa Spirit Healing Faculty." Dagdag ni Jun Wu Xie.

"Oo! Sa lalong madaling panahon! Kahit kailan mo gusto!" Agad na pagsang-ayon ni Gu Li Sheng. Nang kaniyang hayaan si Jun Wu Xie na lumabas ay dahil nag-aalala siya para dito. Nag-aalala siyang ang mga taong may masamang balak dito ay makakaapekto sa progress ng kaniyang Spirit Healing Technique. Ngunit ngayong nakumpleto na ang Spirit Healing Technique, hindi wala nang agam-agam si Gu Li Sheng.

Wala siyang gustong gawin ngayon kundi ang ikabit ang Spirit Healers faculty badge kay Jun Xie. Ngayon din!

"Hindi sa ganiyang paraan." Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie.

Nalalapit na ang panahon. Oras na para sa kaniyang paghihiganti.

"Anong ibig mong sabihin?" Pinigilan ni Gu Li Sheng ang tuwang namuo sa kaniyang damdamin kanina. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Jun Xie.