Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 545 - Misteryosong Itim na Bato (2)

Chapter 545 - Misteryosong Itim na Bato (2)

Lugar na nababalot ng misteryo at haka-haka ng lungga ito ng mga Guardian Grade Spirit Beasts. Kamatayan agad ang nagbabadya para sa mga taong may intension na lakbayin ang Heaven's End Cliff.

 Maraming nagging haka-haka sa Heaven's End Cliff at mga imahinasyon, ngunit…

Hindi ito rason para sa ibang tao na maniwala ng kahit ano tungkol dito. Ang mga tao sa amboy ay may kaunting pagdududa sa sinasabi ng taga subasta.

 Dahil lang sa konting tipak nito o bahagi,kahit galing pa ito sa Heaven's End Cliff, iniisip ng mga tao na walang gamit ito at hindi lang naman nila ito mapuputol oQ mabibiak. 

Ang mga taong madalas sa Chan Lin Auction House alam ang lugar na ito ay para sa matatalino. Alam nila ang halaga ng aytem kung karapat dapat bang taasan ang presyo nito. Ngunit sa pagkakataong ito,ang Chan Lin Auction House ay nagkakamali sa pag -aakalang agad may mananalo agad dito. Ang pag subasta sa aytem na ito ay isang kasaysayan sa Chan Lin Auction House at maaring masasabing milagro ito.

 May dalawang posibleng rason kung bakit gagawin ito ng may-ari. Una, ang bato ay ordinaryong bato lamang at walang halaga. Ang amboy ay maaring sinusubukan lang ang haka-haka tungkol sa pinanggalingan nito at gusto ng maalis agad ang aytem na ito ng mabilisan. Pangalawa,ito na ang sinabi ng taga subasta, ang bato ay masyadong matigas at hindi ito matitipak ng ordinaryong tao at hindi nila kayang tiyakin ang tunay na presyo nito. 

Kahit pa hindi kayang tipakin ng mga taga Chan Lin Auction House ang bato, kahit sino man ang bumili dito, magagamit lang ito bilang pahingahan ng paa sa bahay!

 Walang sinuman ang gagawin iyon. 

Ang mainit na hangin sa subasta ay napalitan ng malamig at nagging tahimik. 

Walang nagka interes sa aytem na naka display sa entablado. Ang mga mata nila ay hindi na nakatitig sa aytem, bilang protesta, gusto ng tanggalin ng ambo yang aytem sa entablado, para maipagpatuloy na ang labanan sa ibang aytem na mas mahalaga para sa kanila. 

Pagkatapos ianunsyo ang presyo, mas lalong tumahimik ang paligid at nakakabingi ang tahimik na ito. 

Tatlong daang libong piso. 

Para sa bagay na galing sa Heaven's End Cliff, hindi makatarungan ang presyo nito. 

Pero ang problema ay, isa lang itong bato. 

Ang presyong iyon ay maaring ikapanalo sa High Grade Spirit Stone, at walang naghanda ng pera para sa kapirasong baton a hindi nila magamit.

Tumayo sa entablado ang taga-subasta, tumatagaktak sa likod ang pawis niya sa likod ay tumatagaktak. Ito ang unang pagkakataon na humarap sa ganitong problema ang Chan Lin Auction House. Kung hindi lang sa natatanging pagkakakilanlan ng isang kliyente, iuutos na ng may-ari na tanggalin ang bato sa entablado.

Sa likod ng enteblado, habang nangyayari ang pagsusubasta, may dalawang lalake na nakatutok sa harapan.

Tinapik ng isang lalake na nakasuot ng magarang damit ang katabi nitong lalake at nagbuntong hininga bago sabihin: "Ginawa ko na ang lahat para tulungan ka. Nakikita mo naman. Walang bibili sa pirasong bato na iyan." Ang lalakeng nakasuot ng magarang damit ay ang may-ari ng Chan Lin Auction House at sa katabi nito ay ang may-ari ng bato.

Ang mukha ng lalakeng ito ay nababalot ng benda sa mukha na may bakas ng mga dugo sa makapal na benda nito. Dilat na dilat ang mga mata nitong mapupula dahil sa mga ugat na lumalabas. Nakasara ang kanyang kamay at nakakamao ng mahigpit at ang dugo ay tumutulo sa kanyang kamao.

"Maghintay ka lang ilang sandali… saglit lang…" Matulis ang boses ng lalake at habang binabanggit niya ang mga katagang ito ay para bang umaapoy. Mala lila ang kulay ng labi nito at hindi kumukurap ang mga mata nito sa entablado. Ang mata nito ay puno ng pagnanais at sa kabila ng pagnanais na ito ay walang katapusang takot at lungkot.

"Marahil hindi kita makukuhanan ng tatlong-daang libong piso na kailangan mo ngunit pwede kita bigyan ng isang daang libong piso muna. Kung hindi talaga mabenta ang aytem, pwede mo munang gamitin ang pera… alam mo naman ata… na hindi talaga ako ang may-ari nitong amboy na ito at ito lang ang pinakamainam ko na kayang gawin para sa'yo." Kilala ng may-ari ang sugatang lalake sa mahabang panahon at ang lalakeng may magarang damit ay naawa dito at sinubukan din niyang pakalmahin.

Ngunit umiling lang ang lalake.

"Hindi yan kaya… kahit anong presyo na hindi aabot sa tatlong-daang libong piso ay hindi… magiging sapat… hindi magiging sapat."