Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 433 - Tangang Matigas ang Ulo (1)

Chapter 433 - Tangang Matigas ang Ulo (1)

Habang tinititigan ang natutulog na Fan Zhuo, nagkakagulo ang isipan ni Fan Jin. Ang angkan ng Qing Yun ay wala na at lumalala ang sakit ni Fan Zhuo. Pinatawag na ng kanyang ama ang pinakamahuhusay na manggagamot ngunit hindi parin nila nagamot si Fan Zhuo. Kung nagpatuloy ng ganito ang mga bagay…..

Nakasarado ang kamao ni Fan Jin. Nang makita niyang tulog parin si Fan Zhuo, tumayo siya at nagpunta sa opisina ng punong tagalagturo ng akademya.

Habang siya'y nakatayo sa harap ng pinto, bago siya kumatok, narinig niya ang boses ni Ah Jing mula sa loob.

"Punong Tagapagturo, puntahan niyo po agad ang inyong anak. Kung ipagpatuloy natin ang pagpapahirap ni Jun Xie sa kanya, baka siya'y….."

Bumagsak ang puso ni Fan Jin, at sinipa pabukas ang pinto.

"Ah Jing! Sino ang nagsabi sa'yo na pumunta dito at magsabi ng kabalastugan?!" Tinignan ni Fan Jin ng may galit si Ah Jing na nasa opisina. Hindi niya imasahang pupuntahan ni Ah Jing ang kanyang ama para magkwento ng maling bagay ilang sandali palang ang lumilipas matapos niya itong pagsabihan.

"Ta… Tandang Panginoon….." Hindi inasahan ni Ah Jing na makita si Fan Jin dito at nagulantang ito.

Ang nakatatandang nakaupo sa likod ng mesa ay may itim na buhok na may bahid ng puti sa gilid, ang kanyang mukha ay malumanay at mukhang mabait. Nang makita niya si Fan Jin sa pinto, nagulat siya.

"Ano ang nagdala sa'yo dito, anak?" Ang punong tagapagturo ng Akademyang Zepyhr, Fan Qi, ay nagtanong. Siya ang ama ni Fan Jin at Fan Zhuo at ang may hawak ng pinakamataas na kapangyarihan sa buong akademya.

"Ama, huwag po kayong maniwala sa mga sinasabi ni Ah Jing. Mas kilala ko si Jun Xie kaysa sa kanya at hindi angkop ang mga sinabi ni Ah Jing tungkol sa kanya." Naguguluhan na si Fan Jin at sinisisi ang kanyang sarili sa pagpapalala ni Ah Jing sa mga bagay. Pinagiisipan ni Fan Jin kung paano kukumbinsihin si Fan Qi na payagan si Jun Xie na manguna sa pagpapagamot kay Fan Zhuo nang makita si Ah Jing na sinisiraan si Jun Xie.

Kundi dahil sa katapatan ni Ah Jing kay Fan Zhuo, sumunod na si Fan Jin sa kanyang galit at pinatay ang walang hiya doon mismo para mawala ang hadlang.

"Tandang Panginoon! Wag kayong magpaakit kay Jun Xie! Hindi niyo ba alam ang mga sabi-sabing kumakalat sa akademya tungkol sa'yo dahil sa kanya? Wala talagang kinalaman si Jun Xie sa inyo at dahil sa inyong kabaitan kung kaya ay pumayag kayong tanggapin si Jun Xie, ngunit sinira ni Jun Xie ang kanyang reputasyon. Kung mabait nga talaga siya, hindn niya idadamay ang kanyang mga paa at hindi na nagpakita sa pakultad ng Beast Spirit. Nanatili siya sa tirahan ng mga amo niya at alam na sa paggawa niya nito, ay babagsak ang reputasyon ni Fan Jin. Inaabuso lamang ni Jun Xie ang kabaitan ng dalawa niyong mga anak!" Pinilit ni Ah Jing, para magising si Fan Jin sa katotohanan.

Kung gumana lang sana ito kay Fan Jin, nabalewala pa sana niya ito. Ngunit kung ang mga saklaw ni Jun Xie ay nakapatong kay Fan Zhuo, hindi na mapipigilan ni Ah Jing ang kanyang sarili..

"Paninira iyan! Hindi si Wu Xie ang tinutukoy mo! Ano ba ang dapat niyang gawin sa pakultad ng Beast Spirit? Para pagtulungan ng iba pang disipulo?!" Nakatingin si Fan Jin ng galit kay Ah Jing.

Natakot si Ah Jing, ngunit naalala na nasa aserang kawayan parin si Jun Xie, nagkaroon siya ng lakas ng loob.

"Bakit siya pagtutulungan? Dahil may ginawa siyang masasama! Kung may hiya siya, dapat ay humingi na siya ng tawad, ngunit nagtago siya sa likod niyo at hindi umamin sa kanyang mga kasalanan. Ganoon siya!"

Ginagalit lang ni Ah Jing si Fan Jin. Alam na ni Fan Jin na hindi matalino si Ah Jing ngunit wala nang ibang masamang katangian, ngunit ngayon lang niya nakita ang isa pang pangit na katangian ni Ah Jing. Naririnig lang ni Ah Jing ang gusto niyang marinig at paniwalaan, at nauubos na ang pasensya ni Fan Jin.

"Nagbabalak siya ng masama? Kung ganun nga, bakit niya linigtas ang buhay ni Zhuo?!" Sumisigaw na si Fan Jin.