Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 431 - Sakit o Lason (6)

Chapter 431 - Sakit o Lason (6)

Tinignan ni Jun Wu Xie si Fan Jin na walang emosyon at sinabing: "Walang pinagkaiba kahit na mawala sila."

Pag naabala siya sa sa paggamot dito, hindi rin alam ng angkan ng Qing Yun kung saan magsisimula.

Ang maliit na kaalaman ng angkan ng Qing Yun sa medisina ay wala lang kay Jun Wu Xie.

"Ha?" Tinanong ni Fan Jin, na nagulat sa sagot ni Jun Xie.

"Kapag naniniwala ka sa akin, hayaan mo akong gumamot sa iyong kapatid." Sinabi bigla ni Jun Wu Xie.

Hindi nagatubili si Fan Jin at sinabing: "Sige! Ngunit….." Nalayo ang boses ni Fan Jin.

"Ang kondisyon ni Zhuo ay hinawakan ng aking ama. Kailangan ko pa siyang kausapin muna."

Tumango si Jun Wu Xie.

Napangiti agad si Fan Jin: "Hindi ko inakalang mayroon kang ganitong kakayahan! Malaki ang naitulong mo kay Zhuo at hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat."

Pumayag siyang siya ang magtuturo kay Jun Xie sa bilin ni Gu Li Sheng. Pinaglaban niya ang bata matapos iyon dahil nagustuhan niya ang malayang bata. Maaaring malamig nga ang ugali ni Jun Xie, ngunit hindi siya mahirap pakisamahan. Matuwid siya at hindi nanggulo ng isip o gumamit ng pandaraya. Nagkaroon siya ng pagkawili sa hindi mahirap intindihing ugali ni Jun Xue.

At ngayon, linigtas ni Jun Xie si Fan Zhuo, at malaki ang pasasalamat ni Fan Jin doon.

"Upa." Sinagot ni Jun Wu Xie.

Tumigil si Fan Jin ng sandali bago maintindihan ang ibig sabihin ni Jun Xie.

"Ibig mong sabihin, linigtas mo si Zhuo dahil pinayagan ka niyang tumira dito?"

Ang buhay ng kanyang kapatid kapalit ang pagpapaupa sa kanya…..

Hindi niya alam kung tatawa ba siya o iiyak sa lohika ni Jun Xue. Hindi mapagkakailang matalino si Jun Xie, ngunit ang kamangmangan na pinapakita niya minsan ay nakakatawa.

Tumango si Jun Xie, na may seryosong tingin.

Hindi na mapigilan ni Fan Jin ang kanyang tawa. Tinapik niya sa balikat si Jun Wu Xie habang naluluha.

"Wu Xie, iba ka talaga. Madumi dito. Hayaan mo munang linisan ko dito at magpahinga ka muna." Alam niyang kinamumuhian ni Jun Xie ang dumi at amoy dito kaya pinalayas ni Fan Jin si Jun Xie mula sa kwarto para makapagpahinga ito.

Hindi nahiya si Jun Xie at agad na tinanggap ang alok niyang dala ang maliit na itim na pusa.

Bilang panganay na anak ng punong tagapagturo ng akademya, unang beses maglinis ni Fan Jin ng kwarto sa buong buhay niya. Tinignan niya yung kalat ng matagal bago yumuko at magsimula sa gawaing hindi niya kilala.

Nang mukhang malinis na ang kwarto, napagod si Fan Jin at umupo nalang para uminom ng tubig. nang may marinig siyang desperadong pagsigaw sa likod niya na nagpatalon sa kanya sa gulat.

Tumalikod siya at nakita si Ah Jing na nakatayo sa pinto nang galit, may hawak na pantaga.

Tinitigan nila ang isa't isa at nagulat sa kanilang mga nakita.

"Ah Jing! Ano ang ginagawa mo?!" Nagulat parin si Fan Jin habang nakatingin kay Ah Jing. Hindi niya alam na ang mahinhin na Ah Jing ay may baliw na ugali.

"Ta…. Tandang Panginoon….." Nautal si Ah Jing nang makita si Fan Jin sa kwarto. Ang pilit na lakas ng loob na inipon ni Ah Jing ay nawala nang makita si Fan Jin sa kwarto at bumagsak sa sahig at nabitawan ang pantaga.

"Tandang Panginoon! Nakarating ka rin sa wakas….. Yung….. sinubukang patayin ni Jun Xie ang iyong kapatid! Kailangan mong iligtas si Fan Zhuo!" Umiiyak si Ah Jing habang nakaluhod sa paanan ni Fan Jin.

Hindi alam ni Fan Jin kung ano ang kanyang sasabihin, at bago pa siya makapagsalita, may maliit na anyong lumitaw sa pinto.

Sumandal si Jun Xie sa pintuan, nakahalukipkip ang mga braso sa kanyang dibdib, at nakatingin sa humahahulgol na anyong nakahawak sa binti ni Fan Jin.

"Wu Xie, bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Tinanong ni Fan Jin.

Kinagat ni Jun Wu Xie ang kanyang labi at sinabing:

"Maingay."

Related Books

Popular novel hashtag