Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 427 - Sakit o Lason (2)

Chapter 427 - Sakit o Lason (2)

"Panginoong Jun! Pakihanap po ang nakatatanda niyang kapatid at pakisabi sa kanya na may sakit siya." Nagmakaawa si Ah Jing kay Jun Wu Xie ng umiiyak.

Tumanggi si Jun Wu Xie at linabas ang mga pilak na karayom na lagi niyang dala. Sinabi niya kay Ah Jing: "Kuuha ka ng malamig na tubig at mainit-init na alak."

'Ano?" Nagulat si Ah Jing at hindi nakakibo. Natauhan siya at may hawak si Jun Xie na mga karayom na mas mahaba pa sa kanyang mga daliri at gagamitin ang mga ito kay Fan Zhuo. Nagulat si Ah Jing at pinigilan si Jun Xie, inawat ang kamay na magalagay ng karayom kay Fan Zhuo.

"Ano ang gagawin mo sa aking amo!"

Sa mga oras na ito, hindi tatakbo si Jun Xie kay Fan Jin para humingi ng tulong at gagamitin ang mga karayom na iyon kay Fan Zhuo?! Naalala niya ang mga sabi-sabi sa labas na narinig niya at nag-iba ang tingin niya kay Jun Xie.

"Kapag sinaktan mo ang aking amo ng kahit sa anong paraan, hindi kita paaalisin!"

Kumunot ang mga noo ni Jun Wu Xie at tinignan ang mga mata ni Ah Jing na puno ng galit, at binulong: "Little Black."

Pagsabi niya ng mga salitang iyon, ang maliit na itim na pusa na nakahiga sa kanyang mga balikat ay dumagan kay Ah Jing, at ang maliit nitong katawan ay nag-ibang anyo, at naging malaking itim na halimaw!

"ARGH!!" Hiniga si Ah Jing ng itim na halimaw at sumigaw sa takot.

"Tumahimik ka." Sinabi ni Jun Wu Xie ng nakasimangot.

Binuksan ng itim na halimaw ang bibig nito at hinawakan si Ah Jing sa leeg. Sa sobrang takot niya, hindi na siya naglabas ng kahit anong tunog.

Nang tumahimik na, ginamit agad ni Jun Wu Xie ang kanyang mga karayom kay Fan Zhuo.

Tinitigan ni Ah Jing ng may pagaalala si Jun Wu Xie sa kanyang pagtusok ng mga karayom na pilak sa katawan ni Fan Zhuo. Nang makita niya ang mga karayom na pumasok sa katawan, namula ang mga mata ni Ah Jing. Ang mga sabi-sabi tungkol kay Jun Xie ay paulit-ulit na bumulong sa kanyang tenga at natanim sa kanyang isipan. May takot na tumubo sa kanyang puso. Nagpapasok ba sila ng isang lobong nagkunwaring tupa?

Wala nang oras si Jun Wu Xie para mag-abala sa kung ano ang iniisip ni Ah Jing. Malubha ang kalagayan ng katawan ni Fan Zhuo. Pinaghinalaan niyang hindi lang malubhang sakit ang nasa katawan niya kundi may lason rin dito.

Ngunit nagulat siya. Kinuha na niya dati ang pulso ni Fan Zhuo ngunit hindi niya nakita ang bakas ng lason, pero malakas ang tama sa kanya ng lason ngayon. Nagkataon lang ba o may gumawa?

Inayos ni Jun Xie ang mga ugat ni Fan Zhuo gamit ang isang kamay at inaalis naman ang lason gamit ang mga karayom sa kabila. Ang kulay ng dugo na lumalabas sa katawan ni Fan Zhuo ay nagdala ng maraming tanong.

Napakaputla ng kulay ng dugo ni Fan Zhuo, hindi tulad ng dugo ng maayos na tao. At ang amoy ay mahina habang ito'y lumalabas. Hindi siya mukhang nalason at hindi ito tugmma sa unang pasya ni Jun Xie.

Hindi ba lason ang ginamit?

Nagtaas ng isang kilay si Jun Wu Xie sa pagiisip habang patuloy ang kanyang mga kamay sa paggalaw. Mahina ang katawan ni Fan Zhuo at milagro nang tumagal ito ng ganito. Sa biglaang atake ngayon, nagamit nito ang lahat ng lakas na naiwan sa mahina niyang katawan. Mabilis ang pag-alis ng buhay ni Fan Zhuo mula sa kanyang katawan at sa ganito, hindi siya tatagal ng dalawang oras!

Hindi ito oras para magambala sa kakaibang pangyayari sa katawan niya, ngunit oras para panatilihin siyang buhay.

Nagningning ang mga mata ni Jun Wu Xie. Sa mga panahong ganito, ay linalabanan niya ang kamatayan para madagdagan ng segundo ang buhay ng kanyang pasyente, at kumukulo ang dugo niya doon.

Gamit ang labing-dalawang karayom, naayos niya ang pundasyon, para protektahan ang pangunahing ugat sa pusi ni Fan Zhuo. Gumamit siya ng pito pang karayom para isarado ang acupressure points para maayos ang nanghihinang hininga ni Fan Zhuo. Hawak ng mabuti ang kanyang mga karayom, lumipad ang mga kamay ni Jun Wu Xie matapos mapatatag ang kalagayan ni Fan Zhuo at tinuloy ang kanyang laban, habang nakatitig sa mata ng kamatayan.

Related Books

Popular novel hashtag