Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 410 - Paninirang Puri (2)

Chapter 410 - Paninirang Puri (2)

Malamig lang ang tingin ni Jun Wu Xie sa mga pangyayaring nangayyari sa harap niya. Magaling umarte si Li Zi Mu. Pinapakita niyang gusto niyang ayusin ang mga bagay, ngunit bawat sinasabi niya ay mas nagpapabagsak kay Jun Wu Xie.

Ang mga pangungusap niya ay laging may mga salitang pagnanakaw at pagagaw ni Jun Wu Xie sa kanyang pwesto sa pakultad ng mga Spirit Healer.

Paghikayat na walang gagawin kundi pabagsakin si Jun Xie at pataasin si Li Zi Mu.

Sa pagkakataong iyon, pinalibutan si Jun Xie ng maraming binata at ang mga senyor naman ay nanonood kung paano magaganap ang mga pangyayari. Walang isa sa kanilang nagbabalak na ipaglaban si Jun Wu Xie.

Kung katotohanan ba ang sinabi ng mga binata ay hindi na importante sa mga disipulong nandoon.

"Tabi." Tumayo si Jun Wu Xie, ang kanyang malalamig na mata'y nakatingin sa mga binatang nakaharang sa kanyang daanan.

Nanigas ang mga binata sa mga mata ni Jun Wu Xie. Wala pa silang nakikitang mga matang sinlamig ng kanya. Para silang linubog sa malamig na tubig at nanigas sila hanggang sa kanilang mga buto.

Ngunit mabilis rin nilang nabawi ang lakas ng loob nila kanina.

Maliit lang na bata ang nasa harap nila, ano ba ang dapat nilang katakutan sa dami nila?

"Jun Xie! Wag ka nang makulit! Sa mga ginawa mo, hindi ba't dapat lang na humingi ka ng tawad kay Zi Mu? Hindi mo ba alam na dahil sa mga ginawa mo, muntik nang hindi matuloy ang tadhana ni Zi Mu na maging Spirit Healer?!" May isa pang binata na nakakita kay Jun Xie na tumangging humingi ng tawad, ang nagsalita.

"Humingi ng tawad?" Tumaas ang mga kilay ni Jun Wu Xie, at ang mga matatalas na lamig ng kanyang mga mata ay dumaan sa mga tao at dumating kay Li Zi Mu.

Nagulat si Li Zi Mu, ngunit nanatiling tahimik. Alam niya ang katotohanan at siguradong alam rin ni Ju nWu Xie. Kapag sinabi ni Jun Wu Xie ang katotohanan at nabuking siya sa harap ng lahat…..

Agad na pinahinahon ni Li Zi Mu ang kanyang sarili. Ano naman kung sabihin ni Jun Xie ang katotohanan? Namunga na ang mga pagdududa ng mga tao kung kaya'y kahit na sabihin niya ang katotohanan, wala nang maniniwala sa kanya at magmumukha lang na naghahanap siya ng palusot!

Sa paniniwalang iyon, lumaki nanaman ang dibdib ni Li Zi Mu.

"Oo nga! Humingi ka ng tawad!" Sumigaw ang isang binata sa tabi.

Tumawa ng malamig si Jun Wu Xie. Nalaman niyang kinamumuhian talaga niya ang mga binatang maingay at walang utak.

"Sasabihin ko ulit. Tabi." Sinabi ni Jun Wu Xie nang may biglang pagyeyelo sa kanyang mga mata.

"Ano? Anong sinasabi mo?! Nagulat ang mga binata sa sinabi ni Jun Wu Xie at nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat!

May lakas pa siya ng loob para paalisin sila?

Ang kapal ng mukha niya!

"Sige! Mukhang hindi ka susunod hangga't walang gulo! Gusto ko ring makita kung makakapaglakad ka pa palabas ngayon!"

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie at pinalibutan siya ng kahel na nagpapakita ng kanyang spirit power. Umakyat sa kanyang mga balikat ang maliit na itim na pusa na nanlilisik ang mga mata, nakatingin sa mga binatang hindi alam na malapit na silang mamatay.

Nakita ang kahel na siklab sa mga mata ng mga binatang nakapalibot kay Jun Wu Xie at biglaan silang binalot ng takot. Naalala lang nilang si Jun Wu Xie ang pinakabata at pinaka maliit sa mga bagong tanggap na disipulo. Nakalimutan nilang siya rin ang may pinakamalakas na spiritual power sa kanilang lahat!

Napaatras sila, ngunit ng makita ang maliit na itim na pusa sa mga balikat niya, huminahon sila.

Kahel lang ang kulay ng kanyang espiritu at mahina lang ang kanyang ring spirit. Kapag may gulo, kaya pa nilang lumaban kay Jun Xie!

Nanood lang si Li Zi Mu sa likod ng mga tao, at ang masamang ngiti sa kanyang bibig ay lumaki lang ng lumaki.

Kapag madaplisan lang ni Jun Xie ng kanyang daliri ang ibang disipulo sa pagatake, hindi rin niya sinunod ang mga patakaran ng akademya!

Agad rin siyang paaalisin sa akademya!

Related Books

Popular novel hashtag