Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 406 - Hindi Inaasahang Pangyayari (1)

Chapter 406 - Hindi Inaasahang Pangyayari (1)

Hindi mapakalis i Yin Yan sa kanyang paglalakad sa loob ng gusali ng pakultad. Ang pagkabalisa niya ay nagsimula matapos pumasok si Jun Wu Xie sa opisina ni Gu Li Sheng. Kalahating insenso palang ang lumilipas ngunit hindi pa nagpapakita ang dalawa.

Nagalala si Yin Yan dahil nagawa ni Jun Xie na baguhin ang isip ni Gu Li Sheng para tumanggap ng isang bata lang sa simula ng tanggapang sa taong iyon.

Habang siya'y nagaalala habang naglalakad, biglang bumuka ang pinto ng opisina at nagtago siya sa isang kanto.

Nakita niyang mag-isa si Gu Li Sheng, na mabilis na lumabas at binagsak ang pinto.

Sumimangot si Yin Yan sa nakita niyang paglabas ni Gu Li Sheng sa kanyang opisina, naramdaman niyang hindi naman pala niya kailangang mag-alala.

Magaling si Gu Li Sheng para sa lahat, sa mga disipulo ng pakultad ng mga Spirit Healer at sa mga disipulo mula sa ibang pakultad. Maganda ang asal niya at hindi makikitang ganito. Hindi tulad ng pangyayaring ito na nagmamadali siyang umalis mula sa kanyang opisina.

"Si Jun Wu Xie ba ang may kagagawan nito?" Binulong niya sa kanyang sarili.

Sandali nalang, malalaman niya ang sagot.

Wala pang dalawang oras bago bumalik si Gu Li Sheng. Dumeretso siya sa kanyang opisina, at hindi tumagal ay lumabas rin si Jun Xie. At may nakita si Yin Yan. Nang lumabas si Jun Xie, wala na ang esmeraldang sagisag sa kanyang dibdib. Ang sagisag na nagpapatunay na ang isang tao ay mula sa pakultad ng mga Spirit Healer.

Tumalon ang kanyang puso ng makita iyon.

Paglabas ni Jun Wu Xie sa opisina, lumabas siya sa pakultad ng mga Spirit Healer, at ni isang beses ay hindi tumingin pabalik.

Ang mga pangyayaring iyon ay nagsabi kay Yin Yan na pinaalis si Jun Xie mula sa pakultad!

Sa loob ng isang maikling araw, ang balita ng pagpapaalis kay Jun Xue mula sa pakultad ng mga Spirit Healer ay kumalat sa buong akademya.

Kung ibang tao ito, hindi ito kakalat, ngunit may nagawa na si Jun Xie mula paa sa pagpapalista hanggang sa unang araw sa akademya. Ngayon, walang sinuman ang hindi pa naririnig ang pangalang, Jun Xie.

Naisip ng lahat na natanggap siya sa akademya ng may kaluwalhatian at maraming kinabukasang pwede para sa kanya. Isang batang pinagpala ay tinanggap sa pakultad ng mga Spirit Healer ngunit biglaang pinaalis ilang oras palang ang lumilipas mula ng siya'y pumasok! Ang bilis ng kanyang pagbagsak kaya't marami ang nagulat!

Marami nang napaalis ang pakultad na mga disipuling hindi marapat dati, ngunit pagkatapos iyon ng isang buong taong pagoobserba. Ngunit kay Jun Xie, kapapasok lang niya sa pakultad ngunit pinaalis agad siya! Siguradong unang pagkakataon palang gawin iyon ng pakultad ng mga Spirit Healer!

Kumalat agad ang balita, na parang apoy sa tuyong bukiran. Ang mga binata na may malalim na inggit at pagseselos kay Jun Xie, ay nagdiwang sa pagbagsak niya.

Ang pinagpalang bata na nakakamit ng galit ng lahat nakaraan lang na araw, ay naging biro sa buong akademya!

Isang kisap-mata lang ang kinailangan para bumagsak si Jun Xue sa putikan mula sa kinainggitan niyang pwesto sa mga ulap!

Ang lahat ng ito, ay hindi alam ni Jun Wu Xie. At pagkatapos niyang umalis mula sa pakultad ng mga Spirit Healer, bumalik siya sa mga dormitoryo. Oras na para magsanay ang lahat at walang laman ang dormitoryo, kundi siya.

Sa kanyang pag-upo sa kama, may nilabas si Jun Wu Xie na esmeraldang sagisag na nakaukit ayon sa tatak ng pakultad ng Beast Spirit.

Binigay ito sa kanya ni Gu Li Sheng mismo, bago siya lumabas sa opisina.