Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 336 - Ika-anim na Sampal (8)

Chapter 336 - Ika-anim na Sampal (8)

"Uy, Kuya Hua, kapag nagpatuloy pa ito, mamamatay siya." Nakita ni Qiao Chu na nanghihina si Qin Yue sa loob lang ng isang minuto at nauubos na ang oras. Hindi nila inaasahan ang pagtanggi ni Qin Yue sa pagbunyag ng kahit ano kahit nasa bingit na siya ng kamatayan. Wala silang pakialam kung mamatay sin Qin Yue, ngunit sa kamatayan nito ay kasama niyang dadalhin ang impormasyong hinahanap nila tungkol sa kinaroroonan ng mapa.

Sumimangot ang mukha ni Hua Yao. Ang magandang mukha nito ay napalitan ng pagkagulat.

Malaki ang Qing Yun Clan. Kung hindi ito ibubunyag at mamatay si Qin Yue, kailangan nila halughugin ang buong Cloudy Peaks ar kailangan nila ng mahabang panahon para gawin iyon.

"Ako ang bahala." Biglang sambit ni Jun Wu Xie.

Tiningnan ni Hua Yao si Jun Wu Xie ng may pagtataka.

"Sinabi ko na. May isang oras na lamang tayo." Marahang sambit ni Jun Wu Xie. Mamamatay si Qin Yue sa paraang sinabi niya, sa loob ng isang oras at hindi na hihigit doon.

Hinayaan ni Hua ang ahas na may dalawang ulo na buto na pakawalan si Qin Yue at ilapag ito sa sahig. Punong-puno ito ng sarili niyang dugo at ang kanyang paghinga ay unti-unti ng nanghihina. Bakas sa mukha nito na hindi na siya makakapagsalita dahil tabingi na ang mukha nito.

Umupo si Jun Wu Xie para tingnan ang nakakaawang kalagayan ni Qin Yue. Inilabas niya ang kanyang isang dosenang karayom at tinusok niya ito sa malalaking ugat ni Qin Yue para sa pansamantalang pagtigil ng pagdudugo nito dahil sa mga natamong sugat. Sumunod nito, pilit niyang ibinuka ang bibig ni Qin Yue para painumin ng tatlong elixirs at malunok nito bago siya tumayo.

Sa hindi maintindihang pangyayari, tiningnan ni Hua Yao si Jun Wu Xie. Nakita niya noon kung paano ito makipaglaban at buong tiwala niyang ipinaubaya si Qin Yue dito, kahit hindi siya sigurado kung ano ang balak nitong gawin.

Bakit hindi na siya nagdurugo? Pagkatapos niyang painumin ng elixirs at pinabayaan?

Iginalaw ni Qiao Chu ang kaniyang leeg habang nakatingin sa nanigas na si Qin Yue. Nagtataka siya kung ano ang epekto nang ibinigay nitong elixirs. Nakita niya ang kagimbal-gimbal na "Beauty's Facade" na dala nito sa biktima at nagtataka siya kung ano ngayon ang magagawa ng elixir kay Qin Yue.

Tila tumigil ang oras nang sandaling iyon. Nanatiling takot at nanginginig ang mga Elders sa gilid ng silid. Lahat sila ay tahimik lang. Tinitingnan nilang maigi ang nakahandusay na katawan ni Qin Yue sa sahig.

Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang lahat ng bagay sa paligid niya. Kumuha siya ng panyo para punasan ang kaniyang kamay ng maigi.

Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang pinainom ni Jun Wu Xie kay Qin Yue at kung bakit wala pa ring epekto.

Ilang saglit lang, nagulat ang lahat sa mga sumunod na eksena!

Tumilapon ang katawan ni Qin Yue. Halos pabali-bali ang katawan niya at nakakatakot na tunog ng mga buto niya ang gumimbal sa loob ng silid! Ang kaniyang mga paa ay tabingi na at di kapani-paniwalang para bang may malakas na pwersa ang gumagawa nito sa loob ng kaniyang katawan. Simula pa lang ito. Ang mga daliri naman ay unti-unti na ring nababali at maraming sugat ang biglang lumitaw sa katawan nito kasabay sa pagdurugo nito ang puting pulbura na lumabas sa mga natamong sugat. Ang katawan ni Qin Yue ay naninigas at nanginginig na para bang tinamaan ng kidlat.

"Pagkasira ng buto?" Biglang nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu. Nakatitig sa di maipaliwanag na puting pulbura na lumabas sa katawan nito. Napagtanto na ni Qiao Chu ang rason na sa but nanggaling yung pulbura!

Hindi maipaliwanag ang pagkabali ng mga buto ng daliri ni Qin Yue. Dumudugo ito habang nilalabasan ng puting pulbura na siyang nagkalat sa puting sahig.

Lahat ng daliri niya ay dumurugo at lahat ng sakit ay maririnig sa pag-ungol ni Qin Yue na sobrang hina na at halos hindi na makapagsalita.

Kulay abo na ang mukha ni Qin Yue at ang mga mata nito ay pulang-pula na. Ang luha at sipon ay kusang lumalabas sa mukha niya at nagbabanggaang ngipin sa nginig ng sakit.

"Una ang kamay, sunod ang binti. Magsisimula sa kamay at paa niya, sunod ay ang galugod at ang mga buto-buto. Huwag kang mag-alala. Magiging maayos ka din. Hangga't nandito ako, hindi kita hahayaang mamatay muna." Sambit ni Jun Wu Xie habang nakangisi ito na parang demonyo.

Related Books

Popular novel hashtag