Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 268 - Hidden Cloud Peak (4)

Chapter 268 - Hidden Cloud Peak (4)

Ang mga labataan ay hindi mapakali magmula nang pumasok sila sa Hidden Cloud Peak. Nang makita nila ang mga mamahaling tanim ng iba't ibang mga damong-gamot sa paligid nila, sila'y napuno ng paggalang. Naghanap sila ng mga bihira lang mahahanap na damong-gamot na narinig na nila, at malakas na sinasabi pag nahanap na ito para mapahanga ang disipulo ng Hidden Cloud Peak sa kanilang "malawak na kaalaman".

Maliban sa pagiging 'bata' at 'tanga', walang mahanap na ibang salita si Jun Wu Xie para ilarawan ang mga tupang ito na papunta sa kanilang katapusan.

Dinala sila ng disipulo sa living quarters. Kita ang pagkakakilala sa Hidden Cloud Peak bilang pangalawang pinakamalaking tuktok. Ang living quarters ng mga disipulo ay napakaluwag at maraming disipulo ang naglalakad sa kanilang patyo ng nakayuko, hindi nagpapakita ng inters sa bagong mga natanggap na kapwa disipulo na natanggap sa Hidden Cloud Peak.

Ang mga disipulo ng Hidden Cloud Peak ay iniingatan, at bawat disipulo ay may sariling kwrto. Kahit ang mga disipulo ni Qin Yue ay walang ganitong mga pribilehiyo sa kanilang living quarteres. Sa angkan ng Qing Yun, maliban sa mga Tanda at sa ilang may pabor ng Pinakamataas na puno mismo, isang kwarto ay pinaghahatian ng dalawa o tatlong disipulo.

Pagpasok sa kani-kanilang mga kwarto, tumatawa ang mga kabataan sa ganda ng mga kwartong binigay sa kanila, habang iniisip na napakaswerte nila.

Ang kwarto ni Jun Wu Xie ay nakatabi sa kwwarto ni Qiao Chu, sa hilagang dulo ng mga kwarto. Nakatabi ang mga kwarto nila sa isang lawa na mayroong artipisyal na mga bundok, at mukha itong matikas.

Nakaupo sa isang upuan sa kwarto, sinuri ni Jun Wu Xie ang kwarto. Ang kama ay bago, kahit na hindi maganda ang gawa, malinis parin. Hindi tumagal ang kanyang pag-upo nang may mabuong simangot sa kanyang mukha.

Isang pamilyar na amoy ng dugo ang dumaan sa kanyang ilong. Hindi masyadong halata ang amoy para mapansin agad. Kundi dahil sa matalas niyang pang-amoy, hindi niya ito napansin.

Sinundan niya ang ayaw niyang amoy, at tumayo siya sa harap ng mesa sa tabi ng kama. Ang pintura sa kanto ng mesa ay bago, mas matingkad kaysa sa iba. Kumuha siya ng maliit na patalim sa kanyang bayong at kinutkot ang pintura sa kanto. Naalis ang kulay kahel na pintura at nakita ang kahoy nito. Pag tinignang mabuti, makikita na ang kahoy ay namantsahan ng mas madilim na kulay ng dugo. Mukhang kailan lang nalagyan ng dugo ang mesa at sinipsip na ng kahoy ang dugo kaya't nagkaroon ito ng malalim na kulay ng pula, na imposibleng matanggal.

"Kawili-wili." Umupo ulit si Jun Wu Xie sa upuan at tinitigan ang tinakpang mantsa ng dugo at nanlamig ang mga mata niya.

Delikado ang Hidden Cloud Peak tulag ng mga narinig niya. Ang naunang nakatira sa kwartong ito ay namatay kailan lang, dahil mayroon pang amoy ng dugo.

Tinanggap nu Ke Cang Ju ang maraming disipulo sa kinsenas ng bawat buwan. Ngunit palihim niyang sinuri sa loob ng living quarters ng mga disipulo, na kulang sa dalawang-daan ang bilang ng lahat ng disipulo. Ayon sa sinabing pagtanggap ni Ke Cang Ju ng tatlumpung disipulo bawat buwan, hindi tama ang bilang ng mga disipulo.

Base sa pagtanggap ni Ke Cang Ju ng mga disipulo ngayon, tinanggap niya siya at si Qiao Chu, ngunit palihim rin na nagawang ipunun ng kanyang mga disipulo ang nasa tatlumpu't pinauwing kandidato pagkatapos ang pagsusuri at dinala sila sa Hidden Cloud Peak.

Kung ganito ang laging ginagawa ni Ke Cang Ju, walang maghihinala sa Hidden Cloud Peak.

Sabagay, sa mga nakikita ng mga taga-labas, hindi marami ang disipulo ng Hidden Cloud Peak.

Ang lahat ng bakas ng kanilang pagkabuhay ay binura, talipuspos sila sa kanilang panloloko.

Tumayo si Jun Wu Xie, at kumuha ng isang selyadong losang bote. Inipon ang kinutkot na pintura at linagyan ito ng kaunting likido mula sa bote. Ang natuyong pintura ay nalusaw at pininturahan ulit ang kantong kinutkot niya. Sa isang sandali, bumalik ito sa dati.

Related Books

Popular novel hashtag