Chapter 172 - TUKSO (1)

Gayunpaman ay hindi pa rin siya pinapakawalan ni Jun Wu Yao. Ngumiti siya at nanunuksong mas hinigpitan pa ang yakap niya.

"Gaano ka kawalang puso at pagkatapos mong malaman ang kailangan mo saakin ay papaalisin mo na lang ako?" Nilapag niya ang itim na pusa sa mesa at iniangat si Jun Wu Xie.

"Anong ginagawa mo?" Masama siyang tiningnan ni Jun Wu Xie.

"Kapag ang isang tao ay nasaktan, kailangan itong gamutin." Sinulyapan ni Jun Wu Yao ang mga sugat sa braso niya gawa ng kalmot ni little black.

"Hindi na kailangan."

"Oo. Kailangan mo." Giit ni Jun Wu Yao.

"....." Walang masabi si Jun Wu Xie 'pagkat hindi ito makikinig anuman ang sabihin niya.

Ang makita ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie na hindi na nahihirapan ay nakapagpasaya sa kaniya. Kaya naman binuhat niya ito at iniupo sa kama. May kinuha itong munting kahon sa ilalim at inilabas ang bote ng cream.

Kumalat ang amoy ng cream na iyon nang buksan ito ni Jun Wu Yao. Iniangat niya ang manggas ng damit ni Jun Wu Xie at ipinahid sa sugat nito ang cream.

Hindi namalayan ng pusa na nakalmot at nasugatan niya si Jun Wu Xie. Hindi man malalim pero marami siywng naging sugat. Malamig sa pakiramdam ang cream na ipinahid sa kaniya ni Jun Wu Yao ngunit makalipas ang ilang saglit ay naramdaman niya na ang hapdi nito.

Tinitigan naman ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao na maingat na naglalagay ng cream sa kaniyang sugat.

Hinayaan lamang ni Jun Wu Yao na nakaangat ang manggas ng kaniyang damit dahil nga baka matanggal ang cream na inilagay nito. Mayamaya lamang ay hinawakan nito ang kaniyang kamay at nilaro ang dulo ng kaniyang mga daliri.

"Pwede mo na akong bitawan." Bahagya siyang nanigas sa ginawa nito. Alanganin sng kanilang posisyon. Nakayakap ito mula sa kaniyang likuran habang hawak ang kaniyang mga kamay. Mas lalo siyang nanliit dahil siya ay nakulong sa isang makisig na katawan.

Damang-dama niya ang tibok ng puso nito.

Tumawa naman si Jun Wu Yao nang mapansing nanigas ang likod ni Jun Wu Xie.

Reaksyon niya ba iyon?

"Napakawais mo talaga no? Klinaro ko na sa'yo ang mga bagay-bagay, pati ginamot ko din ang sugat mo. Pagkatapos mo akong gamitin ay papalayasin mo lang ako? Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Jun Wu Yao na akala mo ay luging lugi. Ngunit ang mukha nito ay nanatiling malapit sa leeg ni Jun Wu Xie. Ang kaniyang baba ay nakapatong sa balikat nito.

"Hindi yan totoo." Sumasakit na ang ulo ni Jun Wu Xie. Kailanman ay hindi niya gustong mapalapit ng ganito kalapit kay Jun Wu Yao. Pakiramdam niya ay nagdadala ito ng kapahamakan.

Ayaw niya nang makita ito ngunit lagi naman itong sumusulpot sa tuwing may kailangan siya.

"Ano ang hindi totoo? Little devil, kinasusuklaman mo ba ako?" Mababa ang kaniyang boses at animo'y malungkot.

"Hindi." Hindi alam ni Jun Wu Xie ang kaniyang sasabihin. Hindi siya galit dito, tinulungan nila ang isa't isa para makaalis sa bingit. Ang sabi niya ay hindi niya ito gusto pero hindi rin niya naman ito kinasusuklaman.

Higit sa lahat, sinalba ni Jun Wu Yao ang buhay ng kaniyang lolo kaya naman malaki ang utang na loob niya dito. Paano niya itong kasusuklaman?

Related Books

Popular novel hashtag