Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 113 - Umiilanlang Senyas na Ulap (Pang-apat na Bahagi)

Chapter 113 - Umiilanlang Senyas na Ulap (Pang-apat na Bahagi)

Nakilos ang buong sandatahan ng Rui Lin.

Hindi ba't ang pagilaw sa buong lungsod ng sandatahan ay nagpapakita ng kumpletong kontrol sa lungsod imperyal ng sandatahan?

"Jun Wu Xie! Anong ibig sabihin nito?!" Sigaw ni Mo Xuan Fei, nakatayo sa likod ng emperador, hindi makapaniwala sa eksenang nasa harapan niya.

Tumingala si Jun Wu Xie, sa ilalim ng liwanag ng apoy, ang kanyang ganda'y kapansin pansin ngunit pag tinignan ang kanyang mata, ito'y pinanggagalingan ng walang awang pagpatay.

"Ang Palasyo ng Lin, na ilalim ng utos ng kamahalan, ay naghahanap ng salarin na umatake sa pangalawang prinsipe." Sagot ni Jun Wu Xie ng diretso.

"Anong kalokohan ang pinagsasasabi mo?!" Sigaw ni Mo Xuan Fei nang hindi makapaniwala.

Ang atake sa pangalawang prinsipe ay may katagalan na nang mangyari. Ang bagay na ito ay ibinigay kay Jun Xian para imbestigahan ngunit halos lahat na ng tao'y nakalimot dito.

"Sinunod ng palasyo ng Lin ang inyong utos at ipinatay ang mga salarin." Binalewala ni Jun Xian Wei ang sigaw ng Mo Xuan Fei, ang mga mata niya'y nakatitig lamang sa lalaking naka-dragon na damit.

Sa pahayag ng dalaga, inilabas ng sandatahan ang halos isang daang bangkay sa harapan ng palasyo, ang mga dugo'y nadaloy pa kung kaya't nakakagawa ng maliliit na lawa ng dugo sa sahig.

Ang amoy ng dugo ay bumalot sa hangin, ang buong eksena'y nagsisimulang bumigat.

Nasindak ang emperador at si Mo Xuan Fei nang makita ang mga katawan.

"Eto ang mga assassin na umatake sa pangalawang prinsipe. Nagbigay ng utos ang lolo ko para parusahan sila, at sinubukan rin nilang puksain ang palasyo ng Lin. Sa paghihiganti, lahat sila'y pinapatay ko." Pinaliwanag ni Jun Wu Xie habang nakatitig ng malamig kung saan naroon ang emperador at si Mo Xuan Fei. Maliban kayla Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian, walang ibang saksi. Sila lang ang may alam na hindi ito grupo ng mga assassin tulad ng sinasabi ni Wu Xie, kung hindi isang tao lamang. Alam ni Jun Wu Xie na si Jun Wu Yao iyon.

Sadnyang nagbigay ng maling impormasyon kay Jun Xian at ngayon, ginamit ito ni Wu XIe laban kay Mo Xuan at ibinaligtad ang lamesa.

Walang masabi si Mo Xuan Fei. Hindi niya inakala na isang hindi pinagisipang biro kay Jun Xian ay maibabaliktad sakanya. Yung mga katawang iyon ang hindi umatake sakanya! Yun ang mga katawan ng assassin na pinadala niya ipang pasukin ang palasyo ng Lin!

Tatlong daang assassins, lahat patay?!

Hindi ba't nailayo na lahat ng mga guwardiya? Simpleng kinseng sundalo ang nakapatay sa tatlong daang assassin?

Nakita ng emperador ang istura sa mukha ni Mo Xuan Fei at nainditihan niya kung ano ang nangyari. Ngumiti ito para sa publiko at nagsabi "Magaling. Dahil nasunod ang aking mga utos, gagantimpalaan ko ang palasyo ng Lin ng personal." Dahil sa isang daang libong sandatahan ng Rui Lin sa loob ng lungsod, kahit ang emperador ay hindi nagtakang maghamon ng away kay Jun Wu Xie.

Ang sandatahang Rui Lin ay maaring isang matalim na espada ng Qi, ngunit maaaring mabaliktad at mailapat sa sariling leeg nito, hindi dapat tawanan.

Jun Xian, bilang isang tapat na kampon, ay hindi magdadala ng buong sandataha ng Rui Lin sa lungsod imperial, kahit pa sa pagparusa sa mga assassins.

Sa taas ng mga pader ng palasyo, ang sandatahan ng Yu Lin ay nanginginig na nakatingin kay Jun Wu Xie, ang unang taong nagdala ng sandatahan ng Rui Lin sa loob ng lungsod, ang kinukutiyang dalaga ng palasyo ng Lin!

Kahit si Jun Xian o Jun Qing ay hindi nagtangkang gawin ito. Wala ba siyang intensyong hindi mapugutan?

Nakikita nila ang berdeng ugat na halos pumutok na sa kamao ng emperador.

Walang takot si Jun Wu Xie. sa ginawa niyang ito ay magdadala ng paghihinala sa kanyang katapatan! Hindi siya nagiisip! Ano ba ang iniisip niya?!

Ang mga salita ng emperador ay halatang sa takot lamang ng pagalsa ng sandatahan ng Rui Lin. Nang umalis ang mga sundalo, ang poot ng anak ng langit ay bababa sa palasyo ng Lin!

Related Books

Popular novel hashtag