Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 63 - Ang Salu-salo (Panglimang Bahagi)

Chapter 63 - Ang Salu-salo (Panglimang Bahagi)

"Nagpunta rin si Jun Qing? Kamusta ang iyong kalagayan?" Ngumiti ang Emperador kay Jun Qing.

Nakaupo lang si Jun Qing sa kanyang wheelchair at nang sinubukan niyang magsalita, ang kanyang paghinga ay naging magulo at siya'y hiningal.

Nagulat ang Emperador at agad na sinabi: "Dali! Mga manggagamot! Atupagin niyo siya!"

Sa utos ng Emperador, agad na nagpunta ang dalawang manggagamot ng hari kay Jun Qing at tinignan siya.

Habang nangyayari ito, namumutla ang mukha ni Jun Qing at humihina ang kanyang paghinga.

Nakaupo lang at umiinom ng tsaa si Jun Wu Xie habang pinapanood ang dalawang manggagamot na sukatin ang pulso ng kanyang tiyuhin.

Magaling itong tito niya, mautak ang idinagdag. Ang dahilan ng pag-imbita ng Emperador kay Jun Qing ay napakalinaw. Nang nagsimulang mangamusta ng Emperador, binigyan agad siya ng pagkakataon ni Jun Qing.

Walang gaanong pinagkaiba ang sitwasyon ni Jun Qing sa kung kailan huli siyang sinukatan ng pulso. Mahinang-mahina ang kanyang pulso at mahina ang kanyang paghinga… parang marupok ang kanyang buhay at pwedeng biglaang mawala.

Matapos atupagin ng dalawang manggagamot si Jun Qing, nag-usap silang pabulong at humarap sa Emperador: "Patawad, dahil hindi po namin malutasan ito para sa kamahalan. Ang masasabi lang po namin ay magpahinga ang kamahalan at wag gumawa ng kahit anong pwedeng maging sanhi ng pagod sa kanyang puso."

Walang pag-asa sa dalawang manggagamot at dahil sa kanilang pagsusuri, itinuring nang patay si Jun Qing.

Bumigat ang hangin, at ang mga ministro ay nagpakita ng pagsisisi, ngunit ibang-iba ang kanilang totoong nararamdaman.

"Maghanda kayo ng Ginseng." Inutos ng Emperador habang nagbuntong-hininga, pinakita ang imahe ng isang tagapamunong nagaalala, tumingin siya kay Jun Xian: "Kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi. Dahil nandito si Bai Yun Xian, bakit hindi natin ipatingin sa kanya?"

Tumayo ng may galang si Jun Xian: "Malaki ang pasasalamat ng mababang-loob na ito sa grasya ng kamahalan!"

Tumango ang Emperador at si Bai Yun Xian na nakaupo sa tabi ni Mo Xuan Fei ay tumayo at lumapit upang kunin ang pulso ni Jun Qing.

Pinatong ni Jun Wu Xie ang kanyang baba sa kanyang kamay at tumingin sa papalapit na Bai Yun Xian, nagpakita ang kanyang mga mata ng malamig na kislap.

"Meow."

[Kadiri 'tong matandang mangmang, kung ninais talaga niyang iligtas ang iyong tiyuhin, si Bai Yun Xian na agad ang inutusan niyang tumingin sa kanya kanina. Ano pa ang silbi ng kanyang paglapit ngayon?] Kinutya ng maliit na itim na pusa. Kumampi ito sa pamilya ni Jun Wu Xie at sumama ang loob sa hindi patas na pagtratong natanggap nila.

"Hindi siya nagpunta dito para tignan kung maliligtas niya siya ngunit para tignan kung namamatay talaga siya." Kalmadong sinabi ni Jun Wu Xie. Akala siguro ng Emperador ay matalino siya ngunit para kay Jun Wu Xie, wala na siyang pag-asa sa katangahan niya.

Gusto niyang gamitin si Bai Yun Xian para tignan si Jun Qing? Mataas talaga ang tingin niya sa babaeng iyon.

Disipulo ng Angkan ng Qing Yun? Ano naman? Sa kanyang mga mata, isa lang silang biro.

Halatang walang pakialam si Bai Yun Xian ng takpan ang kanyang galanggalangan gamit ang isang manipis na tela at kinuha ang kanyang pulso.

Kabado si Jun Xian habang tinitignan si Bai Yun Xian.

Sa bagay, hindi siya ordinaryong manggagamot ngunit galing siya sa bansag na Angkan ng Qing Yun. Hindi siya sigurado sa mga kakayanan niya dahil hindi pa niya ito nakikita ngunit alam niyang kailangan niyang itaya lahat rito.

Puno ng kaba ang kanyang puso ngunit nang tumingin siya kay Jun Wu Xie, nagulat siya dahil mas abala pa ang kanyang apo sa tsaang hawak nito at hindi ito nakatingin kay Bai Yun Xian.

Dahill dito, gumaan rin ang loob nu Jun Xian.

Matapos ito, inayos ni Bai Yun Xian ang kanyang sarili at nakita ang isang malamig at walang pakialam na ekspresyon: "Hindi nagkamali ang mga manggagamot ng hari, ginawa na ng aking panginoon ang lahat para labanan ang lason, ngunot kung ang aking panginoon ay hindi kayang alisin ang lason, wala na tayong magagawa. Isa nang malaking himala na nalabanan niya ang lason ng ganito katagal." Matapos niyang purihin ang kanyang panginoon, tumingin siya ng may yabang sa bulwagan.

Related Books

Popular novel hashtag