Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 59 - Ang Salu-salo (Unang Bahagi)

Chapter 59 - Ang Salu-salo (Unang Bahagi)

"Hindi ako magtatawag ng asong nangangagat." Sabi ni Jun Wu Xie habang hinahaplos ang balahibo ng maliit na itim na pusa.

Gusto mo siyang saksakin sa likod? Una , kailangan ka niyang bigyan ng pagkakataon para magawa iyon.

Dati, isang tao lang ang pinagkatiwalaan niya. Sa mundong ito, wala nang iba maliban kay Jun Xian at Jun Qing.

Nang nakita ni Jun Qing na naintindihan niya ang kanyang sinabi, tumawa siya.

Minsan nararamdaman niyang ang biglaan nalang lumaki ang kanyang pamangkin. Ang laki ng pinagbago ng pag-iisip niya matapos lamang ang isang gabi — mabuti nalang at maganda ang pagbabago.

Dumami ang mga karwaheng pumasok at nagbaba ng mga importanteng ministro ng estado at sumali ang mga tao sa pagdiwang ng kaarawan ng Panganay na Prinsipe. Habang hinihintay ang pagpasok sa salu-salo, lahat ng bisita ay dumaan sa kabilang pinto at pinaghintay sa isang malaking lugar ng pagtanggap.

Nang sila na ang papasok sa pintuan, naghanda ng wheelchair si Long Qi, inalalayan si Jun Qing, at tinakpan ang kanyang mga binti gamit ang isang manipis na kumot.

Sa pagdating ng tatlong henerasyon ng Pamilya ng Jun, nagkagulo ang mga tao at napunta sa kanila ang atensyon.

Parang tulog na tigre si Jun Xian, kahit na dumami na ang kulubot sa kanyang mukha, walang nagtangkang maliitin siya. Sa tabi niya ay isang dalagang tila gayuma ang ganda. Para siyang munting bulaklak na malapit nang mamulaklak. Paglipas ng panahon, ang ganda niya'y makakapagbagsak ng mga bayan! Parang mas gumaganda siya bawat pagkakataong makita siya.

Sa itsura, kaunti lang ang makakatumbas sa bulaklak na ito ng Palasyo ng Lin, gayunman, alam ng lahat na sa ilalim ng gandang ito ay may babaeng mainitin ang ulo na kaya silang sunugin at nagdadala ng gulo san man siya magpunta! Kilala si Jun Wu Xie ng lahat, walang may balak na magturing sa kanyang parang isang mabait na kuneho.

Gayunman, ang pinaka-inaalala nila ay ang guwapong nakaupo sa wheelchair.

Bagaman tahimik siyang nakaupo at maputla ang kanyang mukha, mapapansin agad na hirap siyang huminga. Naaawa ang lahat ng makarinig ng kanyang paghinga dahil mararamdaman na hirap siya sa paghinga.

Alam ng lahat na matagal nang masama ang kalagayan ni Jun Qing at nagbakasakali ang lahat na mamamatay siya ilang araw lang matapos dagsain ni Jun Qing ang palasyong naghahanap sa manggagamot ng hari. Isang tingin lang kay Jun Qing, hindi na kailangang maging aral sa medisina para makitang nakasabit nalang sa sinulid ang buhay niya. Kahit na ubusin ni Jun Xian ang mahahalagang mga damong-gamot, wala nang makakaligtas sa kanyang anak.

Nang makita si Jun Xiang alalang-alala, pinatibay nito ang kanilang mga pagbabakasakali.

Mayroong ilang ministrong lumapit upang palakasin ang loob niya, kunwaring marangal pero naglaho rin sa dagat ng mga tao pagkatapos.

Ang dayag na ito ay nagpatuloy habang nagkukunwaring nasalanta ang mag-ama at nagmukhang mahina. Si Jun Wu Xie naman, ay hindi pinansin.

Hindi maikukumpara sa nalalapit na pagkamatay ni Jun Qing ang pag-iwan ni Mo Xuan Fei.

Gayon pa man, malapit na ang pagbagsak ng Palasyo ng Lin, ano pa ba ang magagawa ng mapangahas at mapaniil na babaeng ito? Mukhang huminahon na siya kumpara sa naunang mga okasyon. Mabuti at alam niya ang kanyang lugar — iba't ibang pagiisip at mga bulong ang umikot na nakatago sa ilalim ng mga maliwanag na ngiti at masiglang tugtugan. Kahit ano pa ang nangyayari sa nakikita, ang tingin ng lahat sa Palasyo ng Lin ay isang biro lamang.

Matagal na silang may kapangyarihan, napakita ang kanilang lakas ng loob ngunit ang lahat ng iyon ay nasa nakaraan na. Honohontay nalang nila ngayon ang kanilang pagkabagsak.

Pagtawid nila sa tanggapan, ang mga bisita ay dinala sa kanilang mga upuan sa bulwagan ng saluhan. Mayamaya ay masigla itong puno ng musika, tawanan, at ilaw galing sa mga parol.