Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 65 - Ang Panganay na Prinsipe (Unang Bahagi)

Chapter 65 - Ang Panganay na Prinsipe (Unang Bahagi)

Tahimik lang na nakaupo si Jun Wu Xie ng nakatingin sa sahig, walang tinitignang iba at nakaupo lang na parang wala siyang kinalaman sa kaguluhan. Tila nasa loob siya ng sarili niyang mundo.

Magarbo, dalisay, at higit pang ganda ang mga salitang agad na pumasok sa kanilang mga isipan.

Ang mga salitang iyon na nung una ay para kay Bai Yun Xian, ngayon ay mas bagay na sa kanya.

Ang kanyang katahimikan ay naging hadlang para siya'y lapitan ngunit mas nakakapag-patingin sa kanya.

Bagaman ayaw nilang aminin, ang tahimik na Jun Wu Xie ay mas kaakit-akit.

Naging tahimik siya, masyadong tahimik na muntikan na siyang makalimutan ng mga tao ngunit matapos siyang ipaalala sa mga tao, hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili sa pagtingin sa kanya.

Sumilip sila kay Jun Wu Xie at tumingin kay Bai Yun Xian…

Mali ang kanilang pagiisip na magarbo si Nai Yun Xian dahil hindi naman pala ngayong nakita nila si Jun Wu Xie.

Mukhang ang posisyong Malamig-Elegante-Dyosa ay ibibigay kay Jun Wi Xue. Oras na para bumaba si Bai Yun Xian.

Qing Yuan, lasing ka na." Sumimangot ang Emperador, hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagsalita para kay Jun Wu Xie ang tahimik na prinsipe. Naalala niya na pangalawang beses palang nilang magkita at nung huling pagkakataon, hindi maganda ang impresyon niya kay Mo Qian Yuan.

"Ah, oo nga, lasing ako. Sobra-sobra na ang nainom ng iyong anak, may napakita akong nakakatawa sa aking Imperyal na Tatay. Hayaan niyo akong bumalik at magpahinga muna." Ngumiti ng kaunti si Mo Qian Yuan.

"Sige." Pumayag ang Emperador.

Hindi na nagatubili pa si Mo Qian Yuan at tumayo agad, pinaalis ang mga alagad na nagbalak na alalayan siya. Nanliit ang kanyang mga mata: "Kaya ko pang maglakad, walang pwedeng humawak sa akin!"

Marami ang nalungkot sa pamamaraan ng kanyang pag-alis.

Tinignan ni Jun Wu Xie ang kanyang likod at nagisip sa gitna ng mga pagtagay na nangyayari sa kapaligiran, kinausap niya ang kanyang tiyuhin: "Tito, gusto kong lumabas para sa preskong hangin."

Panandaliang nagulat si Jun Qing, inalala niya kung gaano kamahal ng kanyang pamangkin si Mo Xuan Fei dati at sa kung gaano katamis ang pag-iibigan nila ni Bai Yun Xian, naisip niyang baka miserable ang kanyang pamangkin. Nagbuntong-hininga siya at sinabing: "Sige maglakad-lakad ka pero wag kang aalis sa parteng ito ng palasyo. Wag kang masyadong magtatagal sa labas."

"Sige."

"Wu Xie."

"Ano yun?"

"Wag kang malungkot dahil kay Mo Xuan Fei. Hindi siya karapat-dapat para sa iyo."

"....." Saglit na tumigil si Jun Wu Xie sa paglalakad.

Paano niya naisip yun? Anong mata ang ginamit niya para makitang nalulungkot siya dahil sa basurang Mo Xuan Fei?

Dumaloy ang ilaw ng buwan sa hardin at inilawan ang pabilyon kung nasaan si Mo Qian Yuan na tumutungga derekta galing sa pitsel. Nakaupo siya sa upuang bato at nakangiti ng mag-isa.

"Kung gusto mong mamatay ng maaga, sige, uminom ka pa!" Isang malumanay na boses na may lamig ang bumasag sa katahimikan ng gabi.

Gulat na gulat si Mo Qian Yuan. Sa ilalim ng buwan, isang magandang dalagang may suot na magandang dilaw na sedang brokeid na may hawak hawak na maliit na itim na pusa, ang nakatayo roon. Napapalibutan ng mga bulaklak at ng ilaw ng buwan na nagniningning sa kanyang katawan, nagmukha siyang diwatang tumawid sa mundo ng mga mortal.

"Jun Wu Xie?" Ngumiti si Mo Qian Yuan habang tinitignan siya ng may pagkalasing.

"Nagtataka parin ako kung sino ang may lakas ng loob na sumpain ako, ang prinsipeng tagapagmana na mamatay ng maaga?"

Lumapit si Jun Wu Xie sa pabilyon, at ng atakihin siya ng amoy ng alak, tumigil siya bago pumasok sa pabilyon.

Kahit hindi ko sabihin, mamamatay ka parin… higit pa rito… gaano ka pa katagal makakapanatili bilang prinsipeng tagapagmana?" Malamig niyang sinabi.