Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 62 - Ang Salu-salo (Pang-apat na Bahagi)

Chapter 62 - Ang Salu-salo (Pang-apat na Bahagi)

Nang natumba si Mo Qian, may naamoy siyang bulaklak na kilala niya. Sa naunang mundo, may isang klase ng bulaklak na ang katas nito ay pwedeng gawing droga. Pag nainom ang drogang ito, maaamoy ang bulaklak sa damit ng nakainom.

Matapos inumin ito, magiging lutang at masaya ang nakainom, tila mawawala lahat ng problema. Pag matagalang ininon, kaya nitong ibahin ang pag-iisip ng taong umiinom. Pag kinain ito ng matagal, magiging wasak ang taong iinom nito dahil hindi lang ang nerbiyo ang sinisira nito, pati rin ang mga laman loob. Bukod pa rito, Nakaka-adik ito at pag hindi nakainom, tila may daan-daang langgam na gumagapang sa balat ng umiinom at maaari itong maging dulot ng sakit sa ugali.

Hindi maisip ni Jun Wu Xie kung bakit mayroon ring ganitong droga sa mundong ito at mas nagulat siya na may bakas ng amoy nito mula sas Panganay na Prinsipe!

Pag tinignan ang kawalan ng kaayusan niya, mukhang hindi lang dahil sa pag-inom ng alak ang dahilan kundi dahil sa bulaklak na naamoy nila.

"Mukhang matagal na niyang iniinom ang droga." Sinabi niyang hawak ang kanyang baba habang inaalala ang kanyang mga karanasan. Mukhang ilang taon na siyang umiinom nito, hindi na niya ito pwedeng patagalin pa. Pag tinuloy pa niya ito, humigit-kumulang dalawang taon nalang ang matitira sa kanyang buhay.

Wala rin siyang pakealam kung siya'y mamatay o mabuhay.

"Hindi siya pwedeng mamatay." Napagpasiyahan niya. Maaari rin itong maging oportunidad para matulungan ang isang napabayaang prinsipe at pwede rin itong maging mahalaga para sa pagbabago sa Bansang Qi.

Sa bagay, basta hindi matuwa ang kanyang kaaway, masaya niyang gagawin ito.

"Lolo, niligtas ni itay ang prinsipe dati?" Tinanong niyang pabulong.

"Matagal na iyon, kapapalit lang ng iyong tatay bilang tagapamuno ng hukbo ng Rui Lin. Nung taong iyon pinanganak ang prinsipe at papunta ang reyna sa kanyang pamilya para ipakita siya sa kanila. May nakasalubong silang mga tulisan , ngunit sa kabutihang-palad, naroon ang iyong tatay at nailigtas niya sila." Kinwento ni Jun Xian.

"Maganda naman ang kalagayan ni Mo Qian, ngunit, sa nakaraang ilang mga taon, parang nagbago ang kanyang ugali. Pag siya nga ang naging hari ng Qi, baka hindi mahirapan ang Palasyo ng Lin." Nagbuntong-hininga si Jun Xian.

Marami nang nailigtass si Jun Xian at ang kanyang mga anak, kaya hindi na siya nagsalita pa.

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa prinsipe.

Mula sa mga alaala ng naunang Wu Xie, kaunti lang ang mga balita nniya tungkol sa kanya. Naunang ipanganak si Mo Qian Yuan kay Mo Xuan Fei ng anim na buwan, bilang panganay na anak ng Emperador, nang siya'y ipanganak, siya ang itinanghal na Prinsipeng Tagapamana. Nang siya'y bata pa, sinabi ng mga tao na siya'y talentado, mapagkumbaba, mapag-intindi, at magalang. Marami ang nagpuri sa kanya. Noong panahong iyon, mahal na mahal rin siya ng Emperador at pinuri siya ng lahat.

Ang lahat ng ito ay nang kasama pa nila ang Reyna at ang kanyang pamilya ay malaki at may kapangyarihan. Siya parin ang nangunguna sa lahat ng asawa ng hari.

Nang mamatay ang Reyna, nagluksa ang buong bayan at nagkaroon ng malubhang sakit si Mo Qian Yuan ng tatlong buwan. Matapos siyang gumaling, ang kanyang ugali ay nagkaroon ng malaking pagbabago.