Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 60 - Ang Salu-salo (Pangalawang Bahagi)

Chapter 60 - Ang Salu-salo (Pangalawang Bahagi)

Maraming nagulat sa laki ng salu-salo. Ginanap ito sa Palasyo ng Panganay na Prinsipe at makikita na importante sa Emperador ang kaarawan ng prinsipe. Labis-labis ang palamuti sa bulwagan at ang pista ay marangya. Makikita ang sedang mga brokeid na may mainam na burda kahit saan habang ang magagandang iniukit na mga kopa mula sa mga mamahaling kagamitan ang nasa kanilang presensya. Linabas ang pinakamainam na mga ulam gawa sa kakaibang mga sangkap na nakaayos, at ipinresenta sa mga bisita.

Magkano kaya ang gintong ginamit para lang dito sa salu-salong ito?

Tinutulak ni Jun Wu Xie si Jun Qing na naka-wheelchair, na tahimik na sumusunod kay Jun Xian habang papasok sa bulwagan ng saluhan. May munting alaala na bumalik sa kanya, sa nakaraan, ang naunang Wu Xie ay nakadalo na sa kaarawan ng Panganay na Prinsipe at ito ay nung nakilala niya si Mo Xuan Fei at nahulog sa kanya.

"Hindi rin ito madali para sa Prinsipe." Tinignan ni Jun Wu Xie ang kapaligiran habang malamig na sinasabi ang nasa kanyang isipan.

Nanigas ang mga mukha ni Jun Xian at Jun Qing.

May sasabihin sana si Jun Qing nang singitan siya ni Jun Xian at sinabing: "Bakit mo nasabi iyon, Wu Xie?"

"Pag mahal talaga ng hari ang Prinsipe, imahe ng isang mabuting haring hindi ginagamit ang pera ng tao sa ganitong pamamaraan ang kanyang ipapakita. Sa nakikita ko, hindi ganun ang nangyayari."

"Napakarangya ng tirahan ng prinsipe at para lang sa salu-salo ganito na ang ibinuhos? Hindi ba parang nagpapakitang tao lang sila?" Sinabi niya lahat ng parang katotohanan, sa harapan niya, ang napagandang eksenang ito ay isa lamang gapos na hindi nakikita.

Nanlaki ang mga mata ni Jun Xian sa gulat, hindi niya inakalang makikita ni Wu Xie ang katotohanan.

Sinulyapan ni Jun Xian ang mga lingkod na naglalakad sa harap nila at binulong: "Aang prinsipe ay anak sa Reyna, at ang pamilya ng Reyna ay makapangyarihan, rason kung paano siya naging reyna. Ilang taon matapos siyang mamatay, nakaranas rin ang kanyang pamilya ng matinding kalamidad at bumagsak ang kanilang kapangyarihan."

Naintindihan na ni Jun Wu Xie, ang natatanging rason kung bakit prinsipe pa ang Panganay na Prinsipe ay dahil sa kanyang ina, hindi dahil kinalulugdan siya ng hari. Sa mga nangyayari, ang pagbagsak ng suporta sa prinsipe, kumikilos na ang Emperador.

Sa madaling salita, halos magkaparehas ng suliranin ang prinsipe at ang Palasyo ng Lin.

Kahit walang suporta, ang Emperador na dati'y walang kayang gawin ay may mga sariling plano.

Gayunman, malalim ang kanyang mga panukala, kahit ang kanyang pakikitungo sa Panganay na Prinsipe, pinapakita niyang mahal na mahal niya ang anak niya.

"Kung gayon, sino ba talaga ang gusto ng hari?" Binulong ni Jun Wu Xie.

"Ang Pangalawang Prinsipe." Malamig na sinabi ni Jun Xian.

Napagtanto bigla ni Jun Wu Xie kung paano nagkadugtong ang lahat. Kaya pala patuloy na hinahabol ni Mo Xuan Fei sa Bai Yun Xian. Pangalan niya palang, makakaya na niyang angkinin ang pagiging prinsipeng tagapagmana. Pag sila'y kinasal, pagkakataon ito upang maging ang napaboran na anak ang maging prinsipeng tagapgmana.

"Mayroon siyang mata ngunit hindi siya makikita. Mangmang." Kinantiyaw niya.

Bagaman hindi niya kilala ang Panganay na Prinsipe, sa mga mata ni Jun Wu Xie, ang pagkatao ni Mo Xuan Fei ay ubod ng bulok.

Mas mahalaga pa ang isang tipak ng tae kaaysa kay Mo Xuan Fei.

Tumawa si Jun Xian, bagaman ang kanyang prinsesa ay hindi masyadong nagsasalita, talagang may pagka-lason ang kaniyang mga salita.

Matapos dumating at umupo ang lahat ng ministro, may binulong ang Emperador sa guwapong binatang nasa kanyang kanan.