Chereads / Swallowed Star (Tagalog) / Chapter 22 - Kabayaran

Chapter 22 - Kabayaran

"Zhou Hua Yang?" biglang nagising si Luo Feng nang marinig niya ito, "Ito pala yung lokong iyon!"

Natatandaan niya yung sinabi ng military officer na inutusan ni Zhang Hao Bai si Zhou Hua Yang para simulan ang pagatakeng iyon sa kanya sa loob ng kulungan.

"Ikaw si Zhou Hua Yang?" napangiti si Luo Feng.

Nagkagoose bumps si Zhou Hua Yang mula sa sobrang panic nang makita niya ang titig ni Luo Feng sa kanya. Wala na siyang ibang magagawa kundi magpanic. At alam niya na ilang sandali lang ang kailangan para sa kanyang katapusan kung pipiliin pa rin ni Luo Feng na gumanti dahil sa ginawa nito sa kanya. Pero nagawa paring ngumiti ni Zhou Hua Yang at sinabi, "Oo, ako nga iyon Kuya Luo, pwede ba tayo maghanap ng lugar para makapagusap?"

"Wala namang problema," tumatangong sagot ni Luo Feng, "May mga gusto rin naman akong sabihin sa'yo eh."

������������

Sa isang kalyeng hindi malayo sa Southern Shore region ay makikita ang 'Yang Zhou Spa Hotel.' Napakamahal ng mga serbisyo sa lugar na ito, kahit ang isang maliit na suite ng hotel ay may halaga na ng 1,000 dollars. Narinig na ni Luo Feng ang lugar na ito ngunit hindi pa siya nakakapasok dito sa buong buhay niya. Ngayon pa lang siya nakakapasok dito kasama si Zhou Hua Yang at ng kanyang kapatid.

Ang Yang Zhou Spa Hotel ay isang lugar kung saan pwede kang maligo, maghugas ng paa at malibang sa iba't ibang uri ng serbisyo nito sa loob.

"Sige, pwede ka nang umalis. Tatawag na lang ako kung may kailangan ako," utos ni Zhou Hua Yang sa isang waiter sa loob ng isang kuwarto sa spa hotel.

"Opo sir," sagot ng waiter bago ito umalis.

May tatlong kuwarto sa suite na ito: isang bathroom na dinesenyo para pagliguan, isang resting room kung saan puwede kang magrelax at makipagusap, at isang entertainment room kung saan puwede kang manood ng TV, magsurf sa internet at kumanta.

"Hua, maglibang ka muna dito sa entertainment room ah. May paguusapan lang kami ni Zhou Hua Yang," nakangiting sabi ni Luo Feng sa kanyang kapatid.

"Sige lang kuya."

Pinaandar ni Luo Hua ang kanyang wheelchair at sabik na pumuwesto sa harapan ng isang computer. "Wow! Isang 46 inch na flat screen na may voice recognition system, awesome!"

Namangha rin si Luo Feng nang makita niya ito, ang kaniyang laptop ay isa sa mga pinakapangit na model dahil ginagamitan pa ito ng kamay. Pero ito rin ang dahilan kung bakit nabili nila ito sa halaga ng ilang daang dolyar lamang. Sa panahong ito, lahat ng mga modernong laptop ay mayroon nang Voice Recognition Technology, at ang mga pinakamahal na model naman ay mayroon na ring '3D Hologram Projection System.'

Natural na sa mga bagay na ginagamitan ng pinakabagong teknolohiya ay magkaroon ng presyo na sobrang taas. Pero sa sobrang mahal ng device na ito, magiging bankrupt ang isang mayaman na pamilya dahil lang sa pagbili ng isang model na katulad nito.

Sabik na sabik na si Luo Hua na gamitin ang voice recognition feature ng computer na nasa harapan niya. Sina Luo Feng at Zhou Hua Yang naman ay pumasok sa resting room para magusap.

[KA] Pagsarado ng pinto ay agad nang umupo sa magkabilang dulo ng upuan sina Luo Feng at Zhou Hua Yang sa loob ng resting room.

"Magtsaa ka muna Kuya Luo," sabi ni Zhou Hua Yang at kinuha niya ang takuri para ipagsalin ng tsaa si Luo Feng. Matapos nito ay nagsimula na siyang magsalita habang bakas sa kanyang mukha ang sobrang kahihiyan, "Narito ako Kuya Luo para humingi ng tawad sa inyo dahil sa mga pangyayari sa loob ng kulungan… pinagsisisihan ko lahat ng mga ginawa ko sa inyo Kuya Luo!"

Nakinig lang si Luo Feng habang hawak hawak niya ang kanyang tasa ng tsaa.

Itong si Zhou Hua Yang…

Maraming uri ng tao sa lipunan. Karamihan dito ay kayang gawin ang lahat kapalit lang ng malaking halaga ng pera. Isa na rito si Zhou Hua Yang na nagawang magorganisa ng pagatake kay Luo Feng kapalit ang malaking halaga ng pera; Wala siyang hinanakit kay Luo Feng. Alam ni Luo Feng ang lahat ng ito kaya hindi siya nagalit kay Zhou Hua Yang kundi kay Zhang Hao Bai.

'Kahit na hindi mahanap ni Zhang Hao Bai si Zhou Hua Yang, nakasisiguro ako na makakakahanap din siya ng ibang tao para gawin iyon sa'kin,' tugon ni Luo Feng sa kaniyang sarili, 'Isang tauhan lang itong si Zhou Hua Yang. Pero dahil nagpunta siya rito para lang kausapin ako...tingnan na lang natin.'

Nakita ni Zhou Hua Yang kung gaanong katahimik si Luo Feng habang patuloy siya sa pagpapaliwanag, "Wala akong alam sa mga bagay tungkol sa iyo nang pinaplano ko ang pagatake. Kung hindi lang kay Zhang Hao Bai ay hindi man lang papasok sa isipan ko na gawin iyon! Sana ay maawa ka at mapatawad mo ako Kuya Luo…"

"Maawa?" pasinghal na tanong ni Luo Feng.

"Mayroon akong maliit na regalo para sa iyo Kuya Luo, sana ay matanggap mo ito," naglabas ng isang envelope si Zhou Hua Yang at itinulak ito sa lamesa papunta kay Luo Feng, "Isa itong cheke na nakapangalan sa inyo Kuya Luo. Tanging ikaw lang ang makakuha ng halagang nakalagay sa cheke na 'to. Pwede mong makuha ang pera sa kahit anong bangko."

Binuksan ni Luo Feng ang envelope at nakita niya ang isang cheke sa loob. Mayroon itong 10 day expiration date at nakasulat din doon ang kanyang pangalan pati na rin ang kanyang identification number.

Pero nagulat siya ng husto nang makita niya kung magkano ang halaga ng nakalagay sa tsekeng iyon---

One million Chinese dollars!

"Isang milyon?" Bahagyang napatigil si Luo Feng nang makita niya ito, sa dahilan na napakalaking halaga ang inaalok sa kanya ni Zhou Hua Yang. Sa buong buhay ni Luo Feng ay hindi pa siya nakakapagipon ng halagang lumalagpas sa 100,000 Chinese dollars. At ngayon na mas malaki ang halaga ng Chinese dollars, ang isang milyon ay napakalaking halaga pati na rin sa mga CEO.

"Sana ay mapatawad mo ako at mapalampas ang aking katarantaduhan Kuya Luo," sabi ni Zhou Hua Yang.

Isang milyon…

Hindi pa nakakatanggap ng ganitong kalaking halaga ang buong pamilya ni Luo Feng; Sayang talaga kung palalampasin niya ang pagkakataong ito at huwag tanggapin ang inaalok na pera sa kanya ni Zhou Hua Yang.

"Alam kong tauhan ka lang kaya hindi na kita pahihirapan. Sige, tatanggapin ko na itong inaalok mong pera sa akin," tumatangong sagot ni Luo Feng. Nakahinga na rin ng maluwag nang tuluyan si Zhou Hua Yang matapos niyang marinig ito.

"Pero napakahirap para sa akin na kumuha ng pera gamit ang tseke kaya ganito na lang. Ipasa mo na lang sa account ko yung binibigay mong pera through the internet," dagdag ni Luo Feng.

"Walang problema," diretsong sagot ni Zhou Hua Yang.

Tumango si Luo Feng at kumuha ng ballpen at papel sa gilid ng lamesa. Matapos nito ay isinulat niya ang bank account niya at ang address ng bangko, "Ito ang bank account ko at ang address ng bangko. Ako mismo ang gumawa ng account na iyan."

"Okay," kinuha ni Zhou Hua Yang pabalik ang envelope at kinuha ang kaniyang cellphone. Sa pamamagitan nito ay mabilis siyang nagonline at pumasok sa system ng bangko. Matapos ng ilang sandali ay nakita niya ang salitang Transfer Success.

Naramdaman ni Luo Feng na nagvibrate ang kanyang cellphone. Nang tinignan niya ito ay nakita niya na ang message galing sa bangko na nakuha na niya ang 1,000,000 Chinese dollars na ibinigay sa kanya ni Zhou Hua Yang.

"Nakuha mo na ba yung pera?" nakangiting tanong ni Zhou Hua Yang.

"Oo," tumatangong sagot ni Luo Feng.

Nakangiti si Zhou Hua Yang,"Napakadali mo talagang kausap Kuya Luo. Tawagin mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong dito sa Yang Zhou City. Kung kailangan mo ng tulong, tutulungan kita agad. Alam kong malapit ka nang maging isang fighter pero malay mo. May mga bagay pa rin na kinakailangan mo ng tulong ng ibang tao."

"Sige. Tatawagan kita kung kailangan ko ng tulong mo," sagot ni Luo Feng habang tumatayo sa kanyang kinauupuan.

Mabilis ding tumayo si Zhou Hua Yang at nakipagshake hands kay Luo Feng.

"Kung ganoon, mauuna na ako," nakangiting sabi ni Zhou Hua Yang, "Binayaran ko na rin ang suite na ito para makapaglaro ang kapatid mo hanggang bukas ng umaga," binati rin ni Zhou Hua Yang ang kapatid ni Luo Feng na si Luo Hua bago ito lumabas ng suite.

Sa loob ng entertainment room ng suite.

"Kuya, ano hinahanap niya sa'yo?" tumatawang tanong ni Luo Hua, "Mukhang mapera siya ah."

"Pumunta siya rito para bigyan tayo ng pera," tumatawa ring sagot ni Luo Feng.

"Magbigay ng pera?" gulat na tanong ni Luo Hua.

Hindi na kinuwento ni Luo Feng ang mga bagay na nangyari sa loob ng kulungan dahil ayaw niyang mag-alala silang lahat sa kanya. Pinag-isipan ni Luo Feng na kasama sa buhay ng isang fighter ang problema, panganib at paghihirap kaya mas mainam na huwag nang ikuwento pa sa kanila ang mga pangyayaring iyon.

"Oo nga pala, Luo Hua," tumatawang sabi ni Luo Feng, "Kumusta na yung stock mo?"

Dahil nakapirme sa bahay si Luo Hua, itinuon niya ang sarili niya sa economics lalong lalo na sa stock. At kahit na batang bata pa ito ay nagawa niyang ipagpatuloy ito ng tatlong taon.

"Hindi ako masyadong kumita noong unang taon, pero medyo tumaas ito noong pangalawang taon. Naging apat na beses na mas mataas ang principal ko kaya kung susumahin, kumita ako ng humigit-kumulang 20,000 Chinese dollars," sabi ni Luo Hua.

"Ganyang kalaki?" gulat na tanong ni Luo Feng.

Hindi siya nagulat sa kinita na 20,000 Chinese dollars, nagulat siya noong malaman niya na apat na beses na tumaas ang napakaliit na pera ng kaniyang kapatid! Apat na beses! Maganda na itong rate!

"Hindi naman mahirap," tumatawang sabi ni Luo Hua, "Kung papasok ka sa stocks ay kinakailangan mong makipaglaro sa mga isipan ng iba at magplano gamit ang math. At eto ay maganda kung makokontrol mo ng maigi ang posisyon mo at bumili ng mga stock sa tamang lugar. Madali mong makokontrol ang mga tao sa likod nito… pero may mga pagkakataon na bumabagsak ang stock market na nakakaapekto sa isipan ng mga investors nito. Kaya maraming tao ang natatakot at umaalis kapag nakita nila na hindi sila kumikita ng husto sa unang taon ng pagiinvest nila sa stock market."

Blangko ang isipan ni Luo Feng habang nakikinig siya sa paliwanag ng kanyang kapatid.

"Hindi naman malaki ang kinita ko ngayon. Ang mga totoong professionals ay kayang kumita ng 10 hanggang 20 beses na mas mataas sa pamamagitan ng kontrata. Pero malaki rin ang risk dito dahil kapag may maling nangyari, sa isang iglap ay pwedeng mawala ang lahat ng perang ininvest mo," sabi ni Luo Hua habang nagkakamot ng kaniyang ulo.

At kahit na hindi ito naiintindihan ni Luo Feng…

Mayroon naman siyang isang punto na naiintindihan: Nakadepende ang stock sa compounding interest.

Halimbawa, umabot ng tatlong taon para magawa ni Luo Hua ang ilang libo na maging dalawampung libo. Kung nagsimula siya sa isang milyon, pwede iyon maging apat na milyon. Kung apat na milyon naman, pwede iyon maging labing-anim na milyon.

At dahil nagcocompound ang pera, puwede itong mawala sa proportion.

"Hua, bibigyan kita mamaya ng 500,000," tumatawang sinabi ni Luo Feng "Tuloy mo lang iyan."

"500,000?" biglang kumislap ang mga mata ni Luo Hua, "Mababa ang presyo ng mga stock ngayon kaya maganda ang panahong ito para kumita ng malaki," Sa tinagal nilang magkasama ng kapatid niya ay alam ni Luo Feng na matagal nang hinihintay ni Luo Hua na bumaba ang halaga ng mga stock… habang ang kapitbahay naman nilang si Uncle Wang ay humihiling nang kabaliktaran nito.

Sinusubukan ng kanyang kapatid na kumita ng malaking pera habang si Uncle Wang naman ay sinusubukang kunin ang kinita niya sa mga stocks na binili niya.

"Gustong gusto ng mga professional na palaging mababa ang presyo ng stock?" tanong ni Luo Feng sa kanyang sarili."

"Oo nga pala kuya, kanino mo nakuha yung pera na iyan?" tanong ni Luo Hua.

"Galing yan sa Zhou Hua Yang na kausap ko kanina," tumatawang sagot ni Luo Feng, "Gamitin mo ang perang ito. Sigurado akong malaki ang kikitain natin pag naging fighter na ako." Ang isang regular na fighter ay hindi kumikita ng ganung kalaki pero alam ni Luo Feng na hindi pangkaraniwan ang mga kakayahan niya, lalo na at nadiskubre na niya ang kakayanan niyang pagtetelekinesis na mas nakakamangha kaysa sa isang heavy machine gun!

Lumilipad ang mga bala ng diretso habang ang mga bagay na kinokontrol ni Luo Feng ay pwedeng baguhin ang direksyon gamit ang kanyang utak.

"Pagkatapos kong maipasa ang fighter combat exam ko sa August 1 ay magsisimula na ako sa career ko bilang fighter," kinuha ni Luo Feng ang tasa gamit ang kanyang kanang kamay at di sinasadyang nabasag ito, natapon ang laman na tsaa sa sahig.

Nasurpresa naman si Luo Hua na nasa tabi niya at tinanong, "Anong problema kuya?"

"Wala lang Hua," nagkamot ng ulo si Luo Feng at tumawa.

Pero napaisip siya na: 'Napakalaki ng inilakas ng genetic energy ko sa loob ng kulungan. At lalo pa itong lumakas noong lumabas ang kapangyarihan ko! Napakalaki na ng inilakas at ibinilis ko kaysa sa dati. Pero hindi nagiging maganda ang napakalaking pagbabagong ito sa akin. Hindi ko makontrol ng maayos yung kapangyarihan ko."

Ang di sinasadyang pagbasag niya sa tasa ay ebidensya na hindi pa niya makontrol ng maayos ang kapangyarihan niya.

"Pupunta ako bukas sa Dojo of Limits para magsanay ng 20 days bago ang pinakahihintay kong Fighter Combat Exam sa August 1. Magsasanay akong maigi para lalo ko pang mailabas ang tunay na lakas ko." tugon ni Luo Feng sa kanyang sarili.