Chereads / Swallowed Star (Tagalog) / Chapter 23 - Ghost Blade

Chapter 23 - Ghost Blade

5am ng sumunod na araw.

Habang papasikat pa lang ang araw, makikitang nagmamadali si Luo Feng papunta sa Dojo of Limits.

At dahil hindi niya pa nakukuha ang kaniyang prospective fighter certificate ay ginamit niya muna ang kanyang 'dojo elite member' ID para makapasok sa dojo.

"Kuya!"

"Magandang umaga po, Kuya!"

Makikita na may mga miyembro nang nagtetraining sa loob ng Dojo of Limits. Ngumiti ng kunti si Luo Feng at tumango bago siya tumakbo papunta sa elite member's building. Hindi niya pa nakukuha ang kaniyang prospective fighter certificate kaya hanggang 3rd floor lang ang pwede niyang puntahan. Wala pa siyang karapatan para umakyat sa 4th floor, ang lugar na tinatawag nilang 'the instructor's region.'

"HA!" nanggagaling ito sa training hall.

Tiningnan ni Luo Feng ang pinanggalingan nito at nakita niya ang isang teenager na nakasuot ng puting robe na may hawak na iron spear.

"Kuya Tie*," malakas na tawag ni Luo Feng sa teenager, "Ang aga mong pumunta rito para lang magpractice? Bihira kitang makita ganyan ah."

Note mula sa TL: Ang ibig sabihin ng Tie ay Iron.

"Crazy," tumigil ang teenager na naka white robes at tumingin kay Luo Feng ng buong tuwa, "Paano ka nakapunta rito? Hahaha oo nga pala, congratulations nga pala Crazy sa pagpasa mo sa prospective fighter exam."

"Paano mo nalaman?" surpresang tanong ni Luo Feng.

Kunting tao lang ang nakakaalam na pumasa siya sa prospective fighter exam.

"Sinabi iyon ng guro namin kagabi habang nagtuturo. Sinabi niya na pumasa kayo ni Kuya Yang sa prospective fighter exam," sabi ng teenager habang nagkakamot ng kanyang noo. "At noong malaman ko na pumasa kayo ay di na ako nag-aksaya ng oras para makapagsanay. Kaya ayun, pumunta ako ng ganitong kaaga para magsanay."

Tumango na lang si Luo Feng.

Yung guro pala ang nagsabi sa kanila tungkol sa prospective fighter exam. Kahit na umaabot na ng 30,000 ang bilang ng mga miyembro ng Dojo of Limits, mayroon lang itong 6 na guro! At isang instructor! At saka kung nagtuturo sila, pinipili ng mga guro ang mga malalaking training halls para maturuan ang libo-libong mga miyembro nito.

Siyempre, hindi na kailangang turuan ang mga elite member dahil kakaunti lang ang bilang ng mga ito kung ikukumpara sa mga natitirang miyembro ng dojo.

"Crazy, pumasa ka na sa exam mo ah. Ano pang ginagawa mo ng ganitong kaaga rito?" tumatawang tanong ng teenager na naka white robe.

"Sa August 1 na ang fighter combat exam ko, kaya kailangan ko magsanay," tumatawang sagot ni Luo Feng. Matapos nito ay pumunta siya sa weapons room na makikita sa gilid ng training hall na kabubukas pa lang.

Matapos niyang pumasok sa weapons room ay nakita niya ang iba't ibang klase ng mga sandata na nakalagay sa mga shelves: mga patalim, sibat, rod, bar, palakol, espada, pikes at iba pa. Makikita rin ang mga division sa bawat kategorya ng mga sandatang nakadisplay. Halimbawa sa mga patalim ay nabibilang ang mga one handed knives at two handed knives. At nasa ilalim ng mga one handed knives ang marami pang mga divisions.

"Ang Ghost series," binuksan ni Luo Feng ang isang cabinet kung saan makikita ang napakaraming bilang ng identical blades. Ang mga blades na ito ay replica lang ng iisang eksaktong model, bigat at center of gravity ng tunay na blade. Ang tanging pinagkaiba lang nito ay ang quality na ginamit sa paggawa. Ang tunay na blade na kayang pumatay ng mga totoong halimaw ay nagkakahalaga ng ilang daang libo habang ang mga replicang ito ay nagkakahalaga lamang ng iilang daan kaya malaki ang pinagkaiba ng material nito sa totoong blade.

Pumili si Luo Feng ng isang blade: isang 2nd series Ghost Blade. May haba itong 78cm at kapal na 101cm. May lapad itong 5.2cm at napakakapal ng likuran ng blade na ito. Napakatalim din ng dulo ng blade na tamang tama para ipangsaksak sa mga halimaw.

"Huh?" sinwing niya ng dalawang beses ang blade na ito at napansin niya na, "Matagal ko nang ginagamit ang blade na ito pero parang napakagaan nito ngayon..."

Naramdaman niya na parang wala nang timbang ang blade na palagi niyang ginagamit noon bago pa man siya naging isang prospective fighter.

"Mukhang kailangan kong kumuha ng mas mabigat na blade para bumagay sa lakas ng katawan ko," kumuha ulit siya ng isang 2nd series Ghost Blade at isinwing niya ulit, "Masyado pa ring magaan."

"Kulang 'to sa bigat."

"Ang gaan, sobrang gaan."

Kinuha ni Luo Feng ang pinakamabigat na 2nd series Ghost Blade at nagkamot ng ulo "Mukhang napakalaki talaga ng inilakas ko kaya hindi na ako makahanap ng blade rito na babagay sa akin." Ang paraan na lang para sa kanya ay umakyat sa 4th floor para makapaghanap ng blade na babagay sa kaniya.

"Ang 4th floor ay ang lugar na kung saan pumupunta ang mga guro at mga instructor para magsanay," alam ni Luo Feng na isa rin itong training hall at mayroon din itong weapons room sa loob, "May karapatang pumasok ang mga prospective fighters dito pero hindi ko pa nakukuha ang prospective fighter certificate ko. Baka di ako papapasukin sa loob."

Sa gilid ng hagdan, mapapansin mo na may isang beteranong nakabantay sa maliit na kuwartong iyon.

"Hm? Anong ginagawa mo? Hindi ito lugar para sa mga estudyante," tumayo ang nakaduty na beterano at nagulat ito nang makita niya ang mukha ni Luo Feng at tumawang sinabi na, "Ay! Luo Feng, ikaw pala iyan. Narinig ko kay Instructor Jiang na pumasa ka raw sa prospective fighter exam. Hahaha, pasok lang."

"Maraming salamat po, Uncle Li," Nakahinga nang maluwag si Luo Feng bago ito pumasok sa Limit Hall.

Siguradong hindi makakapasok si Luo Feng sa training hall na ito kung mahigpit si Uncle Li sa pagpapakita ng prospective fighter certificate ng bawat papasok dito. At kung titingnan ayon sa batas, hindi pa isang ganap na prospective fighter si Luo Feng.

Maraming dekorasyon sa loob ng training hall ng 4th floor, kasama na rin ang mga matataas na kalidad na gamit sa pagsasanay.

Sa mga oras na ito, si Luo Feng lang ang makikitang nagsasanay sa training hall.

"Sayang na sayang talaga 'tong training hall na 'to," Wala nang magawa si Luo Feng kundi mapakamot sa kanyang ulo habang siya'y nagbuntong-hininga, "Mayroon lang anim na guro sa dojo na ito. At maliban sa pagtuturo ay nagsasanay din sila sa Limit Hall na ito. Napakaganda ng lugar na ito ngunit madalas na wala kang madadatnan na nagsasanay dito."

Umiiling si Luo Feng noong papasok na siya sa weapons room sa gilid nito.

Mga replica lang rin ang mga sandata rito, pero mas magaganda ang mga ito kaysa sa mga sandatang nakalagay sa 3rd floor.

"2nd series Ghost Blade. Oo nga, mas mabibigat nga ang mga blade rito kaysa doon sa baba," kumuha ng isa si Luo Feng at sinwing ito bago pa siya pumili ng isa. Matapos ang limang subok ay nahanap na rin niya ang tamang blade para sa kanya. Nakita niya ang label at nakita niyang mayroon itong bigat na 101kg! ��

"Eh? 101 kg?" Nabigla si Luo Feng, "Napakadaling kontrolin para sa akin kahit na mabigat ang blade na 'to?"

Ang mga Ghost Blades ay isang uri ng blade na nakapokus sa bilis kaya natural na mas magaan ito kaysa sa ibang mga sandata.

Para mangailangan ng sandata na may bigat na 101kg, gaanong kalaki ang inilakas niya?

"Kagulat gulat ang itinaas ng lakas at bilis ko ngayon. Matingnan nga mamaya ang fist strength at bilis ko," sabik na sinabi ni Luo Feng, "Pero sa ngayon ay sasanayin ko muna ang mga basics." Matapos niyang kumuha ng tamang blade para sa kanya ay kumuha siya ng isang shield na hugis hexagon.

...

Sa loob ng training hall, makikita si Luo Feng na may dalang shield sa kanyang kaliwang braso at Ghost Blade naman sa kanyang kanang kamay.

[HE!]

[HA!]

Sinanay ni Luo Feng ang basics sa paggamit ng blade na sandata—paghiwa ng pahalang, pataas na paghiwa, pagswing, at mabilisang paghiwa…. Lahat na iyon ay precise as in. At sa bawat pagswing ni Luo Feng ng blade, hindi naaapektuhan ang center of gravity niya. Paulit-ulit niyang sinanay ito hanggang sa magimprove siya.

"Napakalakas ko na kaya nahihirapan na akong kontrolin ang swinging power ko," alam ni Luo Feng ang mga problema niya.

"Malakas nga ako pero kinakailangan ko pa ring matutunan ang tamang paggamit nito," malinaw na sinabi ni Luo Feng.

Even if your fitness level is greater than your opponent's, that doesn't mean your skill is.

Kahit na mas mataas ang fitness level mo kaysa sa iyong kalaban, hindi ibig sabihin nito na mas magaling ka kaysa sa kanya.

Mayroong mga tao na kayang maglabas lang ng 30% ng kanilang buong lakas.

Ang iba naman ay kayang maglabas ng 50%, 60%, 70%, kahit 100%. Ang iilan sa mga grandmaster class bladesman ay gumagamit lamang ng kakaunting lakas para pumatay ng halimaw na mas malakas ng sampung beses kaysa sa kanya. Ang pinakaimportante pa rin ay ang abilidad at experience.

At siyempre--

Hindi na kakayanin ng abilidad mo kung napakalaki na ng diperensiya sa fitness level kaya kinakailangan mo pa ring pagsanayin ang iyong pangangatawan para mailabas ang tunay na lakas ng iyong katawan.

������������

"Instructor," malakas na bati ng nakaduti na si Uncle Li sa 4th floor ng dojo.

"Sinong nasa loob?" tanong ng instructor na si Jiang Nian. Naririnig niya ang ilang mahihinang tunog sa labas ng training hall, mga tunog ng blade na lumilikha ng mga shockwaves sa ere sa sobrang bilis nito. Malalaman pa lang sa tunog nito na ang taong gumagamit nito ay isang fighter.

"Si Luo Feng po," tumatawang sagot ni Uncle Li.

"Si Luo Feng?" tumawa si instructor Jiang Nian at naglakad papasok sa training hall.

Habang nakatayo siya sa pasukan ng training hall ay pinanood niya ang mga galaw ni Luo Feng. Nakita niya na ang mga galaw nito ay pawang mga basic movements na tila nanggaling sa libro. Minsan ay itutusok niya ang kanyang sandata sa harapan niya, biglang magdadash paabante, iilag, magbabackstep, at iba pa. Ang lahat ng mga galaw niya ay maayos at konektado.

"Hm, napakatibay ng pundasyon niya," wala nang magawa si Jiang Nian kundi tumango nang may buong pagmamalaki sa kanyang puso, "Sa pamamagitan ng pagmamaster ng basics ay doon ka magiimprove. Wala akong nakikitang kahinaan, mahusay talaga."

Habang tumatagal ang kanyang panonood ay lalo siyang naaliw sa kanyang nakikita.

"Ah, instructor," lumingon si Luo Feng at nakita niyang naroon si instructor Jiang Nian kaya agad siyang tumigil.

Instructor Jiang Nian laughed and walked in: "Luo Feng, nice skill. You've been training since you were young?"

Tumatawang naglakad papasok sa training hall si Jiang Nian at tinanong: "Napakahusay ng ipinakita mo Luo Feng. Nagsasanay ka na ba noong bata ka pa lang?"

"Opo, nagsasanay na po ako ng mag-isa sa bahay bago pa man po ako pumasok sa dojo," tumatawang sagot ni Luo Feng. Tumango naman si Jiang Nian noong marinig niya ito pero natigilan ng husto at nanlaki ang mga mata nito nang makita niya ang blade na hawak hawak ni Luo Feng.

"Instructor? Hello?" Nabigla si Luo Feng nang makita niya ang mukha ni instructor Jiang Nian.

"I-Ikaw..." Buong surpresang tumingin si Jiang Nian kay Luo Feng, "Iyang 101kg Ghost Blade ba ang ginagamit mo ngayon sa pagsasanay?"

"O-Opo," Takot na takot na sagot ni Luo Feng.

Umiiling ang ulo ni Jiang Nian nang sabihin niya:"Imposible, napakaimposible…. Paano?" Pero pagkatapos nito ay kumislap ang mga mata ni Jiang Nian at tiningnan niya si Luo Feng na parang isang diyamante at sinabing, "Bilisan mo at pumunta ka sa fist strength tester machine at ipakita mo sa akin ang iyong resulta Luo Feng! Gusto kong makita kung gaanong kalakas ka na talaga ngayon!"