Chereads / Swallowed Star (Tagalog) / Chapter 27 - Ang Paglilipat

Chapter 27 - Ang Paglilipat

Note mula sa TL: Kung maaalala niyo, ang sukat ng isang ping ay umaabot sa 3.3 sq meters.

Noong tanghaling iyon ay niyaya si Luo Feng ng kaniyang guro na si Jiang Nian para magtanghalian kasama ang ilang mga fighters mula sa headquarters. Kaya noong kinagabihan lang noong makauwi si Luo Feng sa kanilang tirahan sa Yang-Zhou city.

������������

Makikita sa gabi ang napakaliwanag pag ilaw ng mga streetlights sa southern shore.

Sa isang tabi makikitang naglalakad ang tatlong middle aged na lalaki na naliligo sa kanikanilang mga pawis habang naguusap at nagtatawanan. At kung lalapitan mo sila ay maamoy mo ang amoy ng kahoy at pintura galing sa kanilang mga katawan.

"Grabe na ang sakit ng baywang ko ngayon. Nakadapa na lang siguro akong matutulog mamaya" nangingiwing sinabi ng matipunong lalaki habang hawak hawak ang kaniyang baywang. "Napakasakit din ng prostate ko. Kailangan ko na sigurong magpacheckup bukas. Napakalaki nanaman ng magagastos ko rito bwiset."

"Bakit hindi ka muna magpaalam kay boss na magleleave ka ng dalawang araw pareng Tian? Pumasok ka nalang pag bumuti na yung pakiramdam mo" sabi ng tatay ni Luo Feng na si Luo Hong Guo.

"Oo nga pareng Tian, Hindi magandang abusuhin mo yung katawan ko" sabi ng medyo matabang lalaki sa tabi nila.

"Sige. Mauuna na akong umuwi kung gayon" sabi ng matipunong lalaki. Matapos nito ay agad siyang lumiko at pumunta sa isang cone shaped na apartment. Nag paalam naman ang medyo matabang lalaki at ang tatay ni Luo Feng habang naglalakad papunta sa isa pang cone shaped apartment.

Mabagal na naglakad si Luo Hong Guo papunta sa kaniyang bahay sa ilalim ng nagdidilim na mga streetlights.

"32nd floor!" Tumayo si Luo Hong Guo sa first floor at tumingin sa hagdanan. Napakadali sa nakararami ang pagakyat ng 32 floors mula sa ibaba. Pero mahirap ito para kay Luo Hong Guo na pagod na pagod sa maghapong trabaho. Maging ang paglalakad pauwi ay napakahirap na para sa kaniya. "Nananakit na ang leeg at baywang ko. Kailangan ko na muna sigurong magpahinga muna rito"

Matapos nito ay matiyagang inakyat ni Luo Hong Guo ang hagdanan paakyat sa 32nd floor!

[DING DONG] [DING DONG] Tumayo sa tapat ng kanilang pintuan si Luo Hong Guo at pinindot ang doorbell. Tinatamad na siya sa sobrang pagod na kunin ang mga susi sa kaniyang bulsa.

[KA!]

Noong bumukas ang pinto ay tumambad sa kaniya ang dose dosenang napakasasarap na mga pagkaing nakahain sa lamesa. Hindi pa nakapaghanda ng ganito kagarbo ang buong pamilya nila kahit na sa New Year.

"Anong nangyayari, saan nanggaling ang mga pagkaing ito" Kahit na hindi masaya sa naging araw niya si Luo Hong Guo ay nakangiti pa rin itong naglakad papasok sa kanilang bahay.

[DAN DAN DAN DAN~~~] Sigaw ni Luo Hua na nakaupo sa kaniyang wheelchair "Welcome home pa!"

"Pa!" magalang na dinalhan ng tsaa ni Luo Feng ang kaniyang ama at sinabing "Mula po ngayon ay hindi niyo na kinakailangang isuot ang unipormeng iyan!"

"Ano?" Gulat na gulat na tanong ni Luo Hong Guo.

"Luo" nakangiting tawag ng nanay ni Luo Feng na may hawak na mga mangkok ng kanin "Pumirma na ng kontrata sa dojo of limits ang anak nating si Luo Feng. At kapag naipasa na niya ang kaniyang fighter combat exam ay makakatanggap siya ng 20 million dollars. Kasama ng isang private villa; dala dala na nga niya ngayon pauwi ang mga susi nito Luo eh"

"Ano?" kinikilabutang sabi ni Luo Hong Guo "Anong sinabi mo sa aking Xin Lan?"

"Tingnan mo po ito pa" ibinigay ni Luo Feng ang pinirmahan niyang kontrata sa kaniyang ama.

Kinuha iyon ni Luo Hong Gua at binasa itong maigi mula sa simula hanggang sa huli, wala siyang pinalampas na kahit anong letra….. Tiningnan niya iyon na para bang isang wedding certificate. Napakalinaw na nakasaad ang mga nilalaman ng kontrata dahil direkta ang pagkakabanggit ng mga ito.

"Ito, Ito ay… Hindi ba bawal ka pang pumirma sa kontrata sa dojo of limits hanggat hindi mo pa naipapasa ang iyong fighter combat exam?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luo Hong Guo "At paanong naging 20 million dollars ang nakalagay dito?"

Noong pumasa si Luo Feng sa prospective fighter exam ay chineck maigi ni Luo Hong Guo ang mga benepisyong matatanggap nito sa mga pagpipilian niya. At doon nakita niya na….

Kapag sumali ang isang fighter sa dojo ay makakakuha lamang ito ng 1 million dollars.

"Kasi nga pa isang henyo si kuya!" sabi ni Luo Hua habang weird na tumatawa "At ano ang pinakaimportanteng bagay sa panahon ngayon? Ang mga henyong mga fighter"

"Lahat ba tayo ay puwedeng tumira sa villa na iyan?" tanong ni Luo Hong Guo habang nakatingin sa kaniyang anak na si Luo Feng.

Tumatawang sagot naman sa kaniya ng kaniyang asawa na si Gong Xin Lina na "Kung gusto mo eh pumunta ka na doon ngayon!"

"Hahaha…" Hindi na makontrol ni Luo Hong Guo ang kaniyang sarili. Malapit nang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. At kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi niya pa rin mabago bago ang trabahong pinapasukan niya at magpapatuloy sana ito habangbuhay. Masikap siyang nagtrabaho para mabuhay ang kaniyang pamilya. At ngayon na ang pagkakataon na makakapagpabago sa buhay nilang lahat! Sa isang iglap lang ay puwede na silang tumira sa isang legendary private villa!

Napakahirap makakuha ng ganitong prebilehiyo ngayon para sa isang pangkaraniwang tao. Pagkatapos ng Grand Nirvana Period ay kinakailangan ng city na pagkasiyahin ang 200 million na mga tao nito kaya napakahalaga ng lupa sa panahong ito! At dahil napakalalaki ng sinasakop na lupain ng mga villa, hindi mo ito mabibili sa kahit anong halaga!

At kahit ang kakaunting populasyon ng mga napakayayamang mga tao na nakatira sa ibang mga villa ay kinakailangang magbayad ng napakalaking tax para rito.

"Kahit na ako, si Luo Hong Guo ay mayroong oportunidad para makatira sa isang villa!!!" Hindi makontrol ni Luo Hong Guo ang saya niya noong mga panahong iyon. "Hahaha, kahit na ang boss ko ngayon ay hindi makakapantay sa bahay na titirhan namin ngayon"

"Opo opo" nagsimula na ring masabik ni Luo Hua sa bago nilang titirhan "Magkakaroon ang bahay natin ng napakalalaking mga bintana at napakalaking bathroom! Mayroon din itong napakalaking sala! Ang mga bagong TV na may lapad na 200 inches at laptop din natin ay mayroon nang voice recognition feature sa wakas. At magagawa na rin nating rumolyo rolyo sab ago nating malalaking mga kama!"

"Matagal ko nang hinihiling na magkaroon ng isang kamang mapagrorolyohan!" sabik na sabik na sinabi ni Luo Hua.

Tuwang tuwa si Luo Feng sa loob niya nang makita niya kung gaano kasaya ang kaniyang kapatid at ama sa magandang balita na iniuwi niya.

Bakit siya nagsikap ng todo?

Hindi ba para rin sa araw na ito?

"Ma, Pa, umupo na po tayo para kumain" tumatawang sabi ni Luo Feng.

"Maliligo lang ako anak" sabi ni Luo Hong Guo habang tumatawa nang may pagkalakas lakas "Hindi ko na kailangang magsuot ng ganitong uniporme mula ngayon kaya tatawagan ko na ang boss ko tungkol dito.

������������

Ngayong gabi ay hindi mapapantayan ang saya ng buong pamilya ni Luo Feng. Hindi pa sila kailanman naging ganito kasaya.

Ang bahay na ito na may sukat na 36 ping ay tinirhan ng pamilyang may apat na miyembro sa loob ng maraming taon. Kahit na hindi nila ginustong manirahan dito dahil sa sobrang hirap ng pamumuhay dito, halimbawa na rito ang pagtulog ng kanilang mga magulang sa sofa habang nagkakasya ang magkapatid sa kama sa kanilang kuwarto, ang madalang na pagpasok sa kanila ng sinag ng araw, ang napakaliit nilang banyo at iba pa.

Pero noong aalis na sila ay hindi pa rin maiwasan ng pamilya ni Luo Feng na magdalawang isip dahil sa dami ng mga memories nilang maiiwan sa bahay na ito.

Pero kailangan nilang tanggapin na mawawala na ang mga iyon para umangat sa lipunan!

Kinaumagahan noong makalawa, isang malaking trak ang pumarada sa harapan ng kanilang apartment. Nagsimula nang maghakot ng gamit sila Luo Feng papunta sa truck.

"Mang Luo anong nangyayari? Paanong nangyari na maglilipat kayo?"

"Eh mareng Lan, anong ginagawa niyo ng ganito kaaga?"

…..

Marami sa kanilang mga kaibigan at kapitbahay sa maliit na sector na ito ang nagtanong kay Luo Hong Guo at Gong Xin Lan.

"Hahaha sumali na kasi ang anak kong si Feng sa dojo of limits kaya kinakailangan na naming lumipat sa Ming-Yue sector!" buong pagmamalaking sagot ni Luo Hong Guo "Mas mabuti kung pupunta ka sa salo salong gaganapin sa bago naming tahanan pagkatapos naming maglipat at magayos doon."

Sa lahat ng mga taong nakatira sa apartment na iyon, sino ba naman ang hindi humihiling ng pagbabago sa kanilang buhay balang araw?

Agad na nagbago si Luo Hong Guo! At nagsimula na itong dumepende sa kaniyang anak!

"Napakagaling siguro ng anak ni Mang Luo kasi nakasali siya sa dojo of limits"

"Oo nga, Kailan kaya magiging katulad niya ang anak ko. Talagang napakaswerte ni mang Luo sa anak niya na nakapagpabago sa buhay nilang pamilya."

Mabilis na kumalat ang mga usap usapan mula sa isang tao hanggang sa naging sampu, at mula sa sampu hanggang naging isang daan at patuloy itong kumalat.

Makalipas ang ilang araw ay patuloy na kumalat ang balita sa buong southern shore region hanggang sa mga apartments sa iba pang mga region. Alam nilang lahat na sumali sa dojo of limits ang anak ni Luo Hong Guo at lilipat ang kanilang buong pamilya papunta sa Ming-Yue sector! Napakasaya ng pangyayaring ito dahil nagkaroon din ng inspirasyon ang iba pang mga kabataan na tulungan ang kani kanilang mga pamilya para umahon sa hirap"

"Kung pupuntahan moko Wen dumeretso ka sa Ming-Yue sector. Pero tawagan mo muna ako kung pupunta ka para masabihan ko ang mga guwardiya" sabi ni Luo Feng sa kaniyang malapit na kaibigang si Wei Wen.

"Sige!"sabik na pabirong sinuntok ni Wei Wen ang dibdib ni Luo Feng "Alam kong magagawa mo ang lahat ng ito Luo Feng. Sino bang may pakialam sa high school exams. Kaya ba ng isa sa sampunglibong mga graduates o mga graduates ng military academy na tumira sa isang pribadong villa? Jeez, Sinisiguro kong pupuntahan kita sa inyo sa mga susunod na araw. Hindi pa ako nakakatungtong sa isang villa kahit kailan"

Makalipas ang ilang sandali---

Sumakay sa isang sasakyan at umalis kasabay ng isang malaking trak na puno ng kanilang mga hindi matapon tapong gamit ang pamilya ni Luo Feng, Pinapanood sila ng mga nakatira sa apartment at sa mga katabing bahay habang papalayo sa dati nilang tirahan.

Lumabas sina Luo Feng at ang kaniyang pamilya sa southern shore at pumasok sa Ming Yue sector na tinitirhan ng mga fighters.

������������

Tanghaling tapat sa entrance sa harap ng Ming -Yue sector makikita ang anim na sundalong may hawak ng mga totong baril na nakabantay sa magkabilang dulo ng gate. Umiikot ang kanilang mga mata para magmatiyag sa paligid.

"Tigil!" Isa sa mga guwardiya ang nagtaas ng kaniyang hawak na assault rifle at itinutok sa paparating na sasakyan.

[CHI!] Gumamit ng emergency brake ang kotseng sinasakyan nila Luo Feng.

Bumaba si Luo Feng at ang kaniyang pamilya sa sasakyan at nakita nila ang isang matanda at kalbong lalaki mula sa guardsman's lounge. Tumatawa niyang sinabi na "Hindi ba ikaw si Luo Feng? Noong huli kitang makita ay noong kumuha ka ng iyong prospective fighter exam dito. Alam kong malayo ang mararating mo bata. Pero hindi ko inaasahang titira ka na agad sa sector na ito ng ganito kaaga. Kahapon lang nila ako nasabihan. Halikayo rito at tumulong sa paglilipat ng mga gamit nila"

"May mga tao ako rito na tutulong sa inyo sa mga gamit nito. Bawal kasing pumasok ang mga moving companies dito" tumatawang sabi ng matandang lalaki.

"Naiintindihan po namin" sabi ng ama niyang si Luo Hong Guo habang tumatango.

Sa isang sandali lang ay pitong sundalo ang lumabas sa sector para at mabilis na inilipat ang mga gamit. Takot na takot silang pinanood lamang sila ng mga tao mula sa moving company. Matapos nito ay pumasok na si Luo Feng at ang kaniyang pamilya sa loob ng Ming-Yue sector.

Tiningnan ni Luo Feng ang Limit Hall sa gitna ng sector at pagkatapos nito ay patuloy siyang tumingin sa kaniyang paligid. Mayroong mga maliliit na tulay, dumadaloy na mga ilog, mga artipisyal na mga bundok at lawa, at isang villa na napapalibutan ng tubig "Ito na ang magiging bahay natin mula ngayon". Matapos nito ay lumingon siya papunta sa kaniyang pamilya. Kitang kita niya ang sabik at tuwa sa mga mukha nito nang makapasok sila sa sector.

"Mr. Luo Feng, itong villa na makikita ninyo sa inyong harapan ay ang bago ninyong tirahan" sabi ng isang dalaga habang hawak hawak niya ang ilang mga papel. Ang mga sundalo naman ang nagpasok ng mga gamit nila sa loob ng villa. "#199 po ang bagong tirahan ni Mr. Luo Feng. Ang villang ito ay may tatlong palapag at isang basement. Mayroon pong malaking terrace na makikita sa 3rd floor. Ang total area po nito ay umaabot sa 512 ping at kung bibilangin kasama ang basement, garden at terrace ay aabot po ito sa kulang kulang 800 ping"

Nagtinginan sila Luo Feng at ang kaniyang pamilya.

At pagkatapos ay tiningnan nilang maigi ang magarbong villang ito na may red at white na mga dingding. Ito na ang magiging bago nilang tirahan!

"mula 36 ping? Papunta sa kulang kulang 800 ping?" Wala nang magawa si Luo Hua sa kaniyang wheelchair kundi mapabulong.