Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 201 - Dark Knights

Chapter 201 - Dark Knights

Kakatapos lang pabangunin ni Marvin nag mga natutulog na mandirigma sa Eternal Night Kingdom.

At sa halip na magpatulong sa matandang blacksmith, sinubukan niyang lumabas sa Eternal Night Kingdom gamit ang kanyang Eternal Night Imprint.

Pero ito ang unang beses niyang ginamit ito, kaya naman nagkaroon ng pagkakaiba noong sinusubukan niyang tuntunin ang White River Valley.

Inilabas na rin niya ang mga mandirigmang ito at napunta sa kagubatang nasa pagitan ng River Shore City at White River Valley.

Walang nagawa si Marvin kundi ibalik sila sa loob.

Hindi niya alam kung ilang oras ang katumbas ng oras sa Eternal Night Kingdom sa Feinan. Hindi naman siguro malaki ang pinagkaiba nito.

Pero noong napansin niyang tanghali na, pakiramdam niya ay may mali.

Mukhang mayroong pagkakaiba sa pagdalioy ng oras. Kaya naman nagmadali siya pabalik sa palasyo.

Pero nagulat siya nang makita mayroong na namang magarang karwahe sa hangganan ng kanyang teritoryo.

Naroon lang sila at mukhang noble ang mga ito.

At biglang may naalala si Marvin tungkol sa banderang may kalahating buwan.

Pero nang tiningnan niya ito. Isang malupit na babae ang sinigawan siya mula sa karwahe nito.

Nainis si Marvin dahil ditto kaya naman sumagot siya pabalik.

"Teritoryo mo ito? Ikaw ang lagalag na si Marvin?" Gulat na gulat na tiningnan ng babae si Marvin.

"Nandito ka naman pala sa teritoryo mo. Pero niloko mo ang mga tauhan mo at sinabi mong wala ka rito?!"

Naguguluhan si Marvin. "Anong pinagsasasabi mo?"

Noong mga oras na iyon, agad na bumaba sa kabayo ang isang Knight at nagpunta sa harap ni Marvin.

Sinunod niya ang mga alituntunin ng mga Knight. "Mawalang galang nap o Lord Mavin, nagmula po kami sa Lavis Dukedom."

"Ako si Oren, ang Head Knight. Hayaan niyong magpakilala kami. Ang dalagang ito na nasa karwahe ay ang kagalang-galang na si Lady Daniela, siya ang pinsan niyo."

"Siya rin ang mapapangasawa niyo. Nagpunta kami bilang kinatawan ng Royal Family ng Lavis Kingdom. Noong nagpunta kami sa inyong palasyo, sinabi sa amin na wala raw kayo sa inyong teritoryo, kaya naman naghintay na lang kami ditto."

"Mukhang nanggaling kayong River Shore City. Hindi namin alam kung ito ba ay kaugalian niyo."

Palakaibigan at pino ang pag-uugali ni Oren, mga katangian ng isang tunay na Knight.

Si Daniela naman na naka-upo sa karwahe ay tila mas makitid ang utak kumpara sa kanya.

Agad na sumimangot si Marvin matapos making, at hinilot niya ang kanyang sintido. "Sandali, Anong sabi mo?"

"Mapapangasawa na naman? At pinsan?"

Bago pa makasagot ang Knight, hindi napigilang magtanong ni Daniela nang pabalang, "Anong ibig mong sabihin sa 'mapapangasawa na naman'?"

"Mayroon ka na bang ibang babae?"

Nanatiling tahimik si Marvin. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang kausapin ang bastos na babaeng ito.

Tiningnan niya si Oren.

Bahagyang nahihiya naman ito at nagtanong, "Lord Marvin, kailangan niyo po bang kumpirmahin ko kung sino kami?"

Sa wakas ay napansin na ni Marvin kung ano ang nakaligtaan niya.

Naalala na niya ngayon na ang banderang may kalahating buwan ay pag-aari ng royal family ng Lavis Dukedom.

Noong nasa teritoryo niya si Bamboo, wala itong kahit anong bandera at sinabing pirbado lang itong dumalaw.

Binusising mabuti ni Marvin ang grupong ito.

Mukhang mahusay ang mga Knight na ito, pati na si Oren.

Siguradong hindi kakayanin ng mga gwardya ng White River Valley ang mga ito.

Kung dati, marami pa siyang pagdududa, pero hindi naman na niya kailangan maging masyadong maingat at mahigpit.

Saglit siyang nag-isip at sinabing, "Kung ganoon, maaari na kayong tumuloy sa aking palasyo."

"Wala ako sa White River Valley noong nakaraan. Pero kung may kailangan pag-usapan maaari nating pag-usapan iyan."

Tumango si Oren, nagdalawang isip ito bago niya inalik, "Gusto niyo bang humiram ng kabayo…"

Tumawa si Marvin, at pinasalamatan ito. "Hindi na kailangan."

Pagkatapos niyang sabihin ito, hindi na nito pinansin pa ang tingin ni Daniela, at agad na bnilisan ang pagbalik sa palasyo.

Nakakatakot ang bilis nito, nawala na ito sa isang iglap.

"Ang galing niya, namamanghang sabi ni Oren.

"Ano. Eh bata lang naman 'yon," inis na sinabi ni Daniela. "Tara na, Knight Oren."

"Opo, Young Miss."

Dahan-dahang umabante ang karwahe, at sa wakas ay nakapasok na ng White River Valley ang grupo ng Lavis Dukedom.

Mabilis namang bumalik si Marvin sa kanyang teritoryo.

Balak niyang mauna sa palayo para tanungin si Anna at Wayne kung ano ang nangyayari.

Pero noong mga oras na iyon, napansin niyang may nangyayari sa dakong hilgang-silangan ng White River Valley!

Tiningnan ni Marvin nag napakaraming mga adventurer at ang iilang gwardyang nasa harapan ng mga ito.

'Anong nangyayari? Bakit nag-aaway ang mga adventurer at mga gwardya?'

Nalungkot si Marvin.

Hindi niya inakalang may mangyayaring ganito.

Kung tutuusin, magmula nang magbantay si Constantine, alam na dapat ng mga adventurer kung saan sila lulugar.

'Anong nangyayari ngayong araw?'

Wala na siyang ras para mag-isip pa, dahil higit sa isang-daang adventurer ang nagtitipon-tipon!

Habang napakaunti naman ng mga gwardya. Nasa gitna si Gru, tila ba sinusubukan niyang kumbinsihin ang mga adventurer, pero hindi nakikinig sa paliwanag nito ang mga bastos na lalaki, at tinutulak-tulak pa ng mga ito ang mga gwardya!

Nagalit si Marvin, at agad na pinuntahan ang mga ito.

Sa dakong hilaga ng mga bahay ay isang malawak na bukid.

Puno ang bukid ng mga kalabasa, pero walang awing sinisira ng mga adventurer ang mga ito. Ilan sa mga naninirahan ditto ay nagulat sa kanilang nakita pero nang makita ang bastos na mga barbarian na ito na nagwawala ay hindi na sila nangahas umimik.

Hindi tumigil ang mga ito hanggang sa pigilan sila ng mga gwardya.

"Tigil niyo 'yan! Anong ginagawa niyo!"

Isang seryosong boses ang umalingawngaw habang papalapit si Marvin.

Tinitigan niya ang grupo ng mga adventurer na higit sa isangdaan ang dami. Malinaw na may masamang balak ang mga ito!

"Ako si Marvin, ang Overlord ng White River Valley. Anong ginagawa niyo!"

Hindi natatakot si Marvin kahit sa dami ng mga adventurer na ito. Direkta niyang tiningnan ang mga adventurer na namumuno sa grupong ito.

Nang makita ni Gru si Marvin, binulungan niya ito, "Kararatingko lang rin Lord Marvin. Baguhan lang ang mga taong ito. Mukhang sinadyang pumunta ng mga ito ditto para manggulo… Gusto niyo po bang tawagin ko si Sir Constantine?"

"Hindi na kailangan."

Itinaas ni Marvin ang kanyang kamay at humakbang nag malaki paharap.

"Malinaw ko naman na sinabi ito sa wilderness clearing order."

"Hindi ako magpapakita ng awa sa kahit na sinong adventurer na lalabag sa batas ng teritoryo ko."

"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon na magpaliwanag."

Mag-isa lang siyang tumindig, pero para bang may isang hukbo sa likuran niya.

Nagkatiningnan ang mga adventurer habang makikita naman panghahamak sa mga mata nito. "Ikaw si Marvin?"

"Wala namang kaming ginagawa. Gusto lang naming kumuha ng mga kalabasa, 'yun lang."

"Wala kami sa listahan mo. Nagpunta kami rito pero wala kaming makain. Kaya wala na kaming nagawa kundi gawin ito."

Pagkatapos sabihin ito ay humalalhak sa tawa ang mga adventurer.

Umiling si Marvin. "Binigyan ko na kayo ng pagkakataon."

Nang biglang nanlisik ang mga mata nito.

"Dark Knight, wala kayong ititirang buhay."

Labing-siyam na matatangkad na tao ang biglang lumitaw sa kanyang likuran!

Bawat isa sa kanila ay walang reaksyon sa mukha at may hawak na greatsword. Bigla nilang sinugod ang mga adventuer.