Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 202 - Crimson Cross

Chapter 202 - Crimson Cross

Dahan-dahang umakyat sa burol ang karwahe.

Hinila ng isang Knight ang Renda ng mamahaling kabayo at agad naman itong tumigil.

"Oren, anong nangyari dyan?"

Si Daniela na bagot na bagot an ay sinusubukang makita kung ano ang nangyayari sa taniman ng kalabas ng White River Valley.

"Mukhang may mga adventurer na nagkakagulo," seryosong sabi ng Head Knight na si Oren.

"Noong papunta pa lang tayo rito ay nabalitaan naming na nagpalabas raw ng wilderness clearing order at kumuha ng maraming mga adventurersi Baron Marvin."

"Pero madalas talagang makapukaw ng atensyon ng napakaraming adventurer ang mga ganitong sitwasyon, at hindi rin madaling pakalmahin ang mga ito."

"Ibig mong sabihin may mga naghahanap ng gulo?" Nasasabik na tanong ni Daniela.

"Parang ganoon na nga," walang magawang sagot ni Oren.

"Mukhang kulang sa tauhan si Baron Marvin, kaunti lang ang mga gwardyang nasa likuran niya. Kahit na mahusay siya, mag-isa pa rin siya."

"Young Miss, paano kung…"

Suminghal si Daniela, "Pinaghintay niya ako sa labas ng teritoryo niya nang napakatagal at wala mang lang enggrandeng seremonyas para salubungin ko. Hindi ko pa siya napapatawad! Gusto mo siyang tulungan?"

"Magkapamilya kayo," nanindigang sagot ni Oren. "Nalimutan niyo na baa ng mga alituntunin ng Cridland clan?"

Nagbago ang mukha ni Daniela. "Oren, parang mas nakakabiwist ka pa kesa sa ama ko."

Tumawa si Oren at sinabing, "Hindi naman ako mangangahas, kayo pa rin ang magdedesisyon."

Tiningnan mabuti ni Daniela ang nangyayari sa malayo.

Mag-isa lang si Marvin sa bukid na iyon, at tila pinagagalitan nito ang mga adventurer.

Hindi umatras ang mga adventurer, at mula sa pwesto nila, kitang-kita na ang ilang adventurer na nakatago sa bandang likuran ay naglabas na ng mga sandata nila.

"Gusto nilang saktan si Baron Marvin," seryosong sabi ni Oren.

"Young Miss, iutos niyo na pong tulungan ko siya at agad akong pupunta doon. Hindi pa huli ang lahat."

Mga mahuhusay na Knight na nagmula sa Norte ang mga ito. Siguradong kaya nilang sindakin ang mga adventurer na ito sa pamamagitan ng kanialng pagsugod.

Napagtanto rin ito ni Daniela.

Kinagat niya ang labi niya at bumulong na may sama ng loob, "Hmm, mukhang malaking problema nga naman kapag napatay siya ng mga adventurer na iyon."

"Magiging byuda agad ako."

"Oren, magsama ka ng sampung tauhan mo. Paatrasin moa ng mga adventurer na 'yan."

Tumango si Oren at pipili n asana ng sampung tauhan.

Pero hindi niya inaasahanan ang nakakatakot na kabagsikan na nagmula sa bukid!

"Klang!"

Hindi mapigilang bunutin ng mga Knight ang kanilang mga esapada!

Isa itong natural na reaksyon kapag nakakaramdam ng panganib ang mga ito!

"Anong nangyayari? Oren?"

Nagulat si Daniela.

Nabigla rin si Oren. "Ang mga taong ito… Sino sila?"

Labing-siyang na Dark Knight ang biglang lumitaw mula sa kawalan.

Bawat isa sa kanila ay may dalang two-handed greatsword. Parehong-pareho ang mga kilos nito sa kanila, at sinusugod ng mga ito ang mga adventurer!

Sa isang iglap ay bigla na lang silang lumitaw. Isang hindi maipaliwanag na takot ang naramdaman ng lahat sa paligid.

Kahit ang mga Knight na nasa burol ay naapektuhan kaya naging ganoon ang kanilang reaksyon.

Pero sa katunayan, hindi sila ang pinupunterya ng kapangyarihan ng mga mandirigmang ito.

Ang mga bastos na adventurer ang pakay ng mga Dark Knight na ito!

"Damang-dama hanggang dito ang kagustuhan nilang pumatay…" nakatulalang tiningnan ni Oren ang mga Dark Knight na tila isang matalim na espadang humihiwa sa mga adventurer, parang napakadali lang sa kanila ang patayin ang mga ito. Bumulong ito, "Ang ganitong presensya… gaano na ba karami ang napatay nila!"

At si Daniela naman ay natuliro sa nakita.

Malinaw naman na mayroong lang labing-siyam na tauhan si Marvin pero parang isang buong hukbo ang mga ito.

Bawat Dark Knight ay bitbit ang matatapang na kaluluwa ng mga kapwa nila sundalong namatay sa labanan noong mga panahong iyon.

Kaya naman, sa tuwing sila'y aatake, nararamdaman din nila ang presensya ng mga namatay na kasamahan ng mga ito.

Mas malakas man ang presensya ng isang Dragon kumpara dito, pero sapat na ito para masindak ang mga pangkaraniwang tao.

Hindi sila tumitigil.

Natural na sa kanila ang pagiging isang makinarya ng pagpatay!

Tuloy-tuloy ang paghiwa ng mga Dark Greatsword sa mga adventurer, walang habas na pinapatay ng mga ito ang lahat ng kanilang makita.

Natigilan sina Gru at ang mga gwardya.

Sinong mag-aakalang may tinatago pa lang ganitong hukbo ang misteryosong Lord Marvin?

Ang mga adventurer naman, halos 80% ang nawalan na agad ng kontrol sa kanilang mga katawan, noong simula pa lang!

[Brave Soul Pressure]: Ang mga kalaban ay dadaan sa isang malakas na willpower test kada tatlong minuto. Kapag hindi sila nakalagpas sa willpower test na ito ay matataranta sila at mawawalan sila ng kontrol sa kanilang mga katawan.

Ito ang kapangyarihan ng mga Dark Knight!

Walang emosyon naman pinanuod ni Marvin ang mga pangyayari.

Umaatungal sa sakit at hinagpis ang mga adventurer, pilit na humihingi ng tawad ang mga ito, pero walang pakielam ang mga Dark Knights rito.

Marunong lang silang pumtay.

Tila pinangnak ang mga ito para pumatay nang pumatay!

Kahit pa lumuhod sa upa ang mga adventurer, at ibaba nila ang kanilang mga sandata, hindi pa rin magdadawalang isip ang Dark Knight na patayin ang mga ito.

Balot na balot na sila ng dugo.

Wala silang konsepto nang pagtigil

Dahil ang utos ni Marvin, – Walang ititirang buhay! –

Walang kalaban-laban ang mga adventurer.

Labing-siyam na tao laban sa higit isang-daan. Pero walang kahit anong pinsalang natamo ang labing-siyam na sundalo, habang ang isang-daang adventurer ay walang habas na pinagpapatay.

Nang magsimula ang laban na ito, alam na agad ang kahahantungan!

At dahil ito sa makapangyarihang [Brave Soul Pressure].

Ang labing-siyam na taong ito ay malinaw na mga 2nd rank Armored Fighter, pero mayroon silang dexterity na kapareho ng mga Ranger, Strength na kapareho ng mga high level fighter, at likas na husay sa pagpatay.

Ang istilo nila sa pakikipaglaban ay simple at mabagsik. At ito ay patayin ang kalaban ano man ang mangyari.

Nagkagulo ang mga adventurer nasinusubukang tumakas.

Wala silang magagawa kundi tumakas.

Anong mang ginagawa nila bago ito, sa harap ng ganito kalalakas na kalaban, halos mabaliw sila sa takot.

Hindi rin nila maunawaan kung saan nakuha ni Marvin ang grupong ito ng mahuhusay pumatay na tao!

Pero tanging si Marvin lang ang nakaka-alam na ang mga tila 2nd rank na mga warrior ay mga dating Legend!

Sinundan nila ang Night Monarch sa pagtulong sa mga tao, at iba pang nilalang, na dispatyahin ang mga makapangyarihang halimaw sa kasualan.

Noong mga una ay pulu-pulutong ang mga ito na personal na itinatag ng Night Monarch.

Pinanganak na mayroong isang layunin, at iyon ay ang pumatay!

Pinapatay nila ang lahat ng uri ng halimaw noong panahon ng Eternal Night.

Noong mga panahong iyon, wala pang malinaw napagkakahati-hati ng mga lugar. Madalas magkakaroon ng mga nakakatakot na Celestial Beast sa Feinan. Pumupunta rin rito ang mga Beholder at iba pang mga halimaw!

Kaya naman nabuo ang mga Dark Knight na ito para protekahan ang Feinan.

Pero ang pamamaraan nila ng pagtatanggol ay iba. Mas pinili nila ang landas ng pagpatay.

Ang patayin ang lahat ng kanilang kalaban at protektahan ang mga tao. Ito ang layunin ng mga Dark Knight.

Noong una, nasa sampung-libo ang bilang ng mga kasapi sa Dark Knights Corps.

Noong walang humpay ang pakikipaglaban noong Eternal Night, marami ang namatay.

Namatay man ang kanilang katawan, pero habang-buhay na nanatili ang matatapang nilang kaluluwa. Ito ang huling batas na ginawa ng Night Monarch.

Sa tuwing mamamatay ang isang Dark Knight, kakabit ang kaluluwa nito sa kasamahan nito, sa katawan ng kapwa niya sundalo!

Magpapatuloy sila sa labang kasama ng kanilang mga kasamahan.

At habang buhay nilang proprotektahan ang Feinan.

Habang tuloy-tuloy ang laban, paunti nang paunti ang bilang ng mga Dark Knight.

Sa huli, nang matapos na ang labanan, tangin labing-siyam na lang ang natira.

Bitbit pa rin ng labing-siyam na ito ang sampung-libong matatapang nakaluluwa magmula pa noong sinaunang panahon.

Kaya naman, walang makakatalo sa kanila.

Pero nang matapos ang laban, umalis na sa mundong ito ang Night Monarch.

Ang mga Dark Knight na ang tanging layunin lang ay ang pumatay, ay mawawalan ng control sa kanilang mga abilidad kapag wala ang Night Monarch. Magiging grupo ito ng mga nilalang na pumapatay!

Para maprotektahan ang kanilang mga pamilya, isinakripisyo nila ang kanilang mga sarili

Puasok sila sa Eternal Night Kingdom pagkatapos ng labanan.

Inilagak nila ang kanilang mga sarili sa ilalim ng Sea of Darkness, at natulog hanggang sa magpawalang hanggan.

Nanumpa sila, na sa panahon lang na may hinaharap nang nakakatakot na sakuna ang mundo at kapag dumating na ang tagapagmana ng Night Monarch, saka lang sila muling babangon mula sa pagkakahimlay.

Sinundan ng natitirang labing-siyam na Dark Knight ang tagapagmana!

Pinanganak sila para protektahan ang Feinan, humilay para mag-ipon ng lakas, at ngayon, muli silang bumangon na mayroon lang iisang layunin.

Ang muling protektahan ang kontinenteng pinrotektahan nila noon.

At para gawin ito, hindi sila nag-atubiling gawin ang kahit ano.

Kahit pa, bahagyang nabawasan ang kanilang lakas noong mga nagdaang panahon.

Ang mga dating Legend ay mga 2nd rank na lang ngayon.

Pero alam naman ni Marvin, na sa paglipas ng panahon, muling manunumbalik ang kanilang lakas.

Sa loob lang ng limang buwan, maaaring bumalik na ang mga ito sa pagiging mga Half-Legens.

Wala namang makakapagsabi kung kailan manunumbalik ang pagiging Legend ng mga ito.

Maaari niyang pamahalaan ang mga ito mula sa Eternal Night Imprint.

Magkakaroon na ng tunay na pundasyon ang teritoryong ito nang dahil sa mga Dark Knight!

Malaya silang makakatawin mula Eternal Kingdom patungo kay Marvin.

Kaya kaya niya ring i-summong ang mga ito kahit pa mula sa void.

Sa loob lang ng walong minuto, higit sa isang-daang adventurer na ang walang hirap na napatay.

Umagos ang dugo na parang ilog sa buong bukid.

Ang iilang mga pamilyar na pamilya ay takot na takot. Mabuti na lang, si Marvin ang pumuprotekta sa kanila dahil hindi kakayanin ng isang pagnkaraniwang tao ang ganito kalupit na pamamaraan.

"Kayo na ang maglinis ng mga bangkay," sabi ni Marvin sa mga gwardya.

"Gru, pumunta ka sa natatanging daan na pwedeng daanan ng mga tao mula Spider Crypt patungong White River Valley at magtayo ka ng checkpoint."

"Magmula ngayon, ang bawat adventurer na gustong pumasok sa White River Valley ay kailangan suriin."

"Kung mayroong manggulo."

"Patayin niyo."

Walang emosyong sabi ni Marvin.

Pero natakot dito si Gru pati na ang ibang nakikinig.

"Lord, hindi ho ba masyadong marahas 'to?" Maingat na tanong ni Gru.

Tinuro ni Marvin ang lupa. "Teritoryo ko ito."

"Ito ang lugar na gusto kong protektahan. Kung sino man ang mangahas na manggulo at mamamatay. Ganoon lang kasimple."

"Sige na, manghiram kayo ng mga karitela at dalhin niyo ang higit isang-daang bangkay na ito sa tabi ng checkpoint nagagawin niyo."

"Gusto kong gumawa ng [Crimson Cross]."

Desididong-desidido ang tono ni Marvin habang dinedeklara na, "Magmula ngayon, ayoko nang magkaroon ng kahit sino adventurer na mangangahas na manggulo sa mahal kong White River Valley."