Sa likod Fierce Horse Inn.
Naghihikab na sa sobrang kabagutan ang batang Thief.
Ang kaniyang pakay ay isang half-elf fighter na pinatutugis ng kaniyang amo. Bagot na bagot na ang Thief dahil nais lang noong amo ay ibalita sa kaniya ang bawat kilos ng half-elf Fighter sa takadang oras.
"Ay… Sino ba naman ang gugustuhing lumabas ng dis oras ng gabi. Eh mapapahamak ka lang kapag mayroong nakasalubong na patrol." Ang sabi ng Thief sa kaniyang sarili habang nilalabanan ang antok.
Hindi na sapat para sa boss ng Acheron ang simpleng pangongolekta ng protection fees. Nais naman niyang umunlad sa underworld kung kaya naman alam ng bawat miyembro nito na maaring buhay ang maging kapalit kapag sila ay pumalpak.
'Ano yun? Anong ingay yun?'
Naka-ambang lumingon ang Thief ngunit walang tao at magisa lamang siya sa madilim na eskinitang iyon.
'Guni guni ko lang ba yun?' Panandaliang napa-isip ang thief at pagtapos ay bumalik na siya sa kaniyang pwesto.
...
'Malakas ang perception ng lalaking iyon ah'
Ikinagulat ni Marvin ang reaksyon ng Thief kaya napa-atras at nagdalawang isip siya ng bahagya.
Hindi kayang matumbasan ang [Stealth] ng isang Thief sa loob ng siyudad dahil nababawasan ng 40% ang [Stealth] ng isang Ranger sa lugar na ito. Kung tutuusin ay walang wala ang 24 SP ng kaniyang [Stealth] kapag itinapat sa perception ng isang Thief. At dahil wala sila sa kagubatan, hindi uubra si Marvin dito.
Mabuti na lang at tama ang hinala niya patungkol sa perception range ng Thief.
Kabadong kabado si Marvin dahil kaunting lapit pa ay siguradong nahuli na siya ng Thief. Kung nangyari iyon ay mas hihirap ang kaniyang sitwasyon dahil siguradong malalaman na ng iba pang kasamahan ng Thief na naroon siya.
Nagtago muna ulit siya at nag isip. Sa wakas ay naisip niyang gamitin ang itinabi niyang 20 SP para idagdag sa kaniyang [Stealth]. Kahit na hindi ito umabot sa 50 para makaangat sa susunod na level ay sapat na sa ngayon ang 44 upang magawa ang kaniyang plano.
Nang matapos ang pag-u-upgrade ng kaniyang skill ay sinubukan niya muling lumapit sa Thief.
At tulad ng inaasahan ay hindi na siya napansin ng Thief at nanatiling nakabantay sa pinto ng inn.
Ang mga sumunod niyang ginawa ay naging madali na lang
Mala-pusang naglakad si Marvin papunta sa likod ng Thief at dinamba ito. Tinakpan niya ang bibig nito at ginamit ang [cutthroat] na dahilan ng pagsirit ng dugo nito.
Bukod sa amoy ng dugo ay walang kahit anong bakas ng pag sugod ang naiwan.
Agad na tinago ni Marvin ang katawan ng level 2 na Thief, at nakakuha pa siya ng ilang gamit para sa patibong at 30 na pilak. Hindi ganoon kayaman ang mga gansters dahil mas panget pa ang mga gamit ng mga ito kumpara sa curved dagger ni Marvin. Siguro'y pinananakot lang nila ito subalit wala itong silbi sa labanan.
Hinila ni Marvin ang katawan sa patungo sa kanal kung saan may nakikitang bangkay araw araw. Wala namang may pakielam dito kundi ang mga sadyang naghahanap ng mga bangkay.
Gamit ang [Stealth] ay pumasok si Marvin sa inn at umakyat sa hagdan at papasok na sana ng kwarto.
Subalit biglang bumukas ang pinto at may liwanag na lumabas rito.
"Punyetang bata to! Anong ginagawa niyo?" Sabi ng isang babae.
Agad sumagot si Marvin ng "Ate Anna, ako ito!" habang pilit na ngumingiti.
"Master Marvin?"
Mayroong nakasinding kandila at ang madilim at tahimik na kwarto ay lumiwanag ng kaunti.
Hawak ni Anna ang kandila sa kaniyang kaliwang kamay habang hawak ang espada sa kanan. Kitang kita ang gulat sa kaniyang mukha.
"Hindi ba sabi mo ay hindi ka makababalik ngayong gabi? Akala ko ay sa Silver Church ka magpapalipas ng gabi?"
Umiling si Marvin. Mayroon mang pahingahan para sa mga traveller sa Silver Church pero mas mahal ang upa doon.
"Anna, Makinig ka, mayroon lang tayong 15 minuto" Nagmamadaling sinabi ni Marvin. Inilibot ni Marvin ang tingin at nakitang nakasara ang mga kurtina.
"May nalaman ka ba?" Tiningnan niya si Anna.
Nag aalangan si Anna sumagot pero itinuro niya ang bintana gamit ang kaniyang espada at sinabing: "Dahil sa sinabi mo ay naalala kong nag scout ako at may nakitang mga tao sa labas na nakatingin sa kwarto natin."
"Mga Acheron" Tumango si Marvin at sinabing: "May dalawa sa harap at isa sa likod."
"Master Marvin! Paanong mo biglang.." Gulat na gulat na tiningnan ni Anna si Marvin na parang bang nagbago ito.
"Wala nang oras para magpaliwanag," determinadong sinabi ni Marvin. "kailangan mong magtiwala sa akin Anna, mas naging maayos ang aking pag-iisip at mas naging malinaw kung ano ang dapat kong gawin noong gumaling ako. Nagkaroon na rin ako ng patnubay."
"Patnubay?" Mas nalito si Anna sa ipinapakita at sinasabi ni Marvin.
Gumawa ng kwento si Marvin at sinabing: "Noong nawalan ako ng malay, marami ang napanaginipan, isa na rito ang isang lalaki na sinabing guro ko siya. Sa panaginip kong iyon ay tinuruan niya ako ng napakaraming bagay. At noong nakaraan ay sinubukan ko ang isa sa mga itunuro niya kaya nakagawa ako ng mga kakaibang bagay. Tingnan mo!"
Matapos magsalita ay agad niyang ipinakita ang sika deer badge.
"Ranger badge? Master Marvin, paano ka naging Ranger bigla? Paano mo ginawa iyon?"
Gulat na gulat si Anna at napaisip, 'Kailangan ng maraming taon ng pagte-training kung gusto ng isang tao maging adventurer, pero si Master Marvin, kailanman ay hindi nakapag battle training. Hindi kaya peke ang Ranger badge na ito? Naloko na naman kaya siya ng mang gagantso?'
Mas naniniwala si Anna na naloko si Marvin ng isang mang gagantso kesa maniwalang nakuha ni Marvin ang badge gamit ang sariling kakayanan.
Kitang kita ni Marvin sa mukha ni Anna na hindi ito naniniwala sa kaniya. Kaya naman ay agad niyang sinabing, "Iiwan na natin ang ibang gamit, kunin mo lang ang mga kailangan natin. Magiwan ka rin ng sulat para sa manager at sabihing babalikan din natin ang mga ito"
"Kailangan ko ang tulong mo, ngayon na!"
Hindi makapaniwala si Anna sa nakikita niya kay Marvin. Nangako siyang kapag nakita niya ang nanloko kay Marvin ay tatagain niya ito ng libong beses.
Pero sa ngayon, ang tangi niya lang magagawa ay sumunod. Handa siya sa kahit na anong sitwasyon dahil sa training na natanggap niya, para maging mahusay na bodyguard at butler, mula noong bata pa siya. Kung kaya't siya pinakamahalagang assistant ng Lord ng White River Valley. Kapag nagdesisyon si Marvin ay wala siyang magagawa kundi suportahan ito.
Agarang nag alsa balutan ang dalawa at tahimik na dumaan sa likod para tumakas.
...
Pagkalabas ay bumulong si Marvin, "Pinanuod ko ang mga kilos nila kanina. Ang mga Sentries ng Acheron ay gumagamit ng chinese francolin chirps para mag-usap kada 20 minuto. 3 chirp ay nangangahulugan na maayos pa ang lahat. Kaso nga lang ay wala tayong kahit ano para magaya ang chirp na iyon. Kaya kailangan nating magmadali."
"Hindi kita maintindihan." pabulong ring nagtanong si Anna, "Sabi mo mayroon ding sentry sa likod na daan, nasaan siya?"
Naubo si Marvin at mas mahinang binulong na: "Andiyan lang sa may kanal"
Di makapagsalita si Anna, gulong-gulo ang isip niya. Napagtanto niyang ang Master Marvin na may mabuting puso na kilala niya ay nakapatay na.
Hindi pa rin niya maintindihan ang kakaibang kilos ni Marvin
Ika nga nila ay walang hanggan ang potensyal ng tao. Kapag nagigipit ang tao ay may mga pagbabagong magaganap, mabuti man o masama, at kahit ano pa man ang magbago ay patuloy na mamumuhay ang tao.
Malaki ang nawala sa White River Valley at sa batang si Marvin noong mga nakaraang araw na maaring gumulantang sa kaniyang murang isipan. Kung kaya hindi malayo na ang dating mabait at may mabuting pusong si Marvin at maging matigas at malupit.
Nag-aalala lamang siya na baka lamunin ng kadiliman si Marvin.
At dahil nadispatya na ang bantay sa likod ng inn, gaano na lang kaya katagal bago mapansin ng mga kasamahan nito ang pagkawala niya.
Iyon ang dahilan kung bakit nasabi ni Marvin na wala na silang oras.
"Papatayin ko sila" sabi ni Anna. Kanina lang ay ipinaliwanah ni Marvin na sinubukan siyang patayin ng Acheron Gang. at kung hindi dahil sa patnubay ng kaniyang guro sa kaniyang panaginip ay maaring hindi na siya nakabalik ng inn ng buhay.
Nagalit si Anna sa kaniyang narinig. Kung sino man ang nagtangka si buhay ni Marvin ay siguradong hindi niya mapapatawad.
"Hindi, Anna! Hindi ko na hihingin ang tulong mo kung ang pagpatay lang sa kanila ang kailangan kong gawin"
Kalmado sinabi ni Marvin na: "Kailangan nating magtira ng isang buhay sa kanila"
"Buhay?" Sumimangot si Anna
"Oo, dahil gusto kong malaman sinong nagpapapatay sa akin. Hindi naman ako basta basta aatakihin ng Acheron Gang ng walang dahilan. Kaya sigurado akong mayroong nag utos sa kanila.
Sabi pa ni Mavin, "Sa tingin ko, wala naman sigurong kahit na sino sa River Shore City ang galit sa Pamilya ko."
"Hindi!" Biglang nagbago ang mukha ni Anna, na tila may naalala at unti-unting naging galit ang gulat sa mukha niya.
"Anong nangyayari? Anna?" Tanong nig Marvin.
"Master, parang alam ko na kung sinong gustong magpapatay sayo."
Habang nag-ngangalit ang kaniyang ngipin ay sinabi ni Anna na, "Napilitan akong mag trabaho para sa Tiyuhin mong si Miller, noong mga nakaraang araw. Noong huling beses akong nandoon ay narinig kong malapit siya sa Acheron Gang"
"Ang pinuno ng Acheron Gang na si Diapheis ay bumisita mismo sa mansion ng tiyuhin mo, at may dala na siyang mga jewel noong paalis na siya. Ang tagalutong si Tina ang nagsabi sa akin noon pero hindi ko pinansin dahil parang wala naman itong ibig sabihin"
"Pero ngayon ay masasabi na nating ang nag utos na patayin ka ay ang iyong tiyuhin!!!"
"Si Tito Miller?" Hindi makapaniwala si Marvin, at nagsimula uli siyang tumingin sa kaniyang mga alaala.