Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 8 - Grave Robber

Chapter 8 - Grave Robber

Mayroong sementeryo ang bawat siyudad.

Magaganda ang pagkaka-gawa ang mosoleo ng mga Noble, at mahigpit na binabantayan ng mga espesyal na uri ng mga gwardya.

Kulang naman ang mga empleyado sa mga pampublikong sementeryo dahil, gobyerno naman ang nagmamay-ari rito, at kadalasang pinamumunuan pa ng mga tiwaling opisyal.

Kaya naman napakagulo roon. Nagkalat ang mga kriminal gaya ng mga magnanakaw.

...

Hating-gabi, nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mga puno.

Tahimik na tumungo sa pasukan ng sementeryo sina Marvin at Anna.

Hindi siya pumunta rito para nakawan ang mga puntod. Alam niyang hindi naging madali ang naging buhay ng mga nakahimlay rito. Kaya hindi niya ito magagawa kahit na kapos siya sa pera.

Ang gwardya ng pampublikong sementeryo na ito ang kanyang sadya.

Binabayaran lang ang gwardyang ito ng napakaliit na halaga ng munisipyo, dahil wala siyang ibang gagawin kundi ang rumonda sa sementeryo araw-araw.

Gamit ang kanyang alaala, nalaman niyang Heiss ang pangalan nito at isa siyang makasariling matandang lalaki

Tandang-tanda ni Marvin ang pangalan iyon.

'Ang pangalang 'yon.. Kapareho ng pangalan ng unang-unang napatay na 2nd rank elite boss noong kakalabas pa lang ng larong 'to..'

'Ang grave Robber na si Heiss. Ginamit niya lang ang pagiging gwardya niya para lang pag-nakawan at ibenta ang mga bangkay sa Necromancer na nagtatago sa Hopeless Hills na matatagpuan sa dakong hilaga ng River Shore City. Hindi nag-tagal ay nakakuha rin ito ng isang necromancer book. At mag-mula noon, naging lapastangang nilalang na kayang mag-pabangon ng patay, at isang magnanakaw na kinamumuhian ng kahit na sinong gods.

Ito ang taong pakay ni Marvins, ang Grave Robber na si Heiss.

Kung titingnan ang kasalukuyang panahon, anim na buwan pa bago mangyari iyon sa laro. Malamang sa malamang, hindi pa niya nakukuha ang grimoire ng Necromancer kaya hindi pa siya nagiging Evil Sorcerer na may 2nd rank, tulad ng nasa laro.

Wala namang mawawala kung susubukan!

Tahimik na kinalkula ni Marvin ang lakas nilang dalawa. Isang level 2 Ranger na mayroong alaala at karanasan ng isang dating Ruler of the Night, at isang half-elf na level 5 Fighter -- na ikinagulat ni Marvin noong tanungnin niya kung ano na ang status ni Anna.

Matagal na palang naabot ni Anna ang level 5. Sa kasamaang palad, nawalan siya ng oras para bumalik sa half-elf gathering grounds upang maghanap ng advanced teacher at para magpalit ng mas malakas na 2nd rank class, dahil lagi siyang abala sa mga gawain sa White River Valley. Dahil sa kakaibang lakas ni Anna kaya umabot sa puntong ito si Marvin!

'Kung level 5 half-elf Fighter nga siya, mayroon siyang hindi bababa sa 120 na HP. Mayroon rin siyang racial trait, isang class specialty at personal specialty, at iba pang malalakas na skill. Para siyang isang super bodyguard!'

Walang itinago si Anna kay Marvin. Sinabi niya lahat: Ang stats niya, specialties, at mga skills tulad ng mga common skills ng isang Fighter na [Cleave], [Parry], [Dual Strike], at marami pang iba. Dagdag pa rito ang nakama-manghang basic skills niya.

Ngunit may isang trait at dalawang specialty na kinainggitan si Marvin;

Ang [Racial Trait - Swordsmanship Proficiency] na itinataas ang iyong swordsmanship mastery ng isang puntos.

Ang [Class Specialty - Tenacity] na basta buhay ka pa o hindi pa baldado, bibigyan ka ng abilidad na kumilos ng normal kahit na sugatan ka.

At ang [Personal Ability] na nagbibigay ng abilidad na tuntunin at tutukan ang iyong espada ang mga kritical na bahagi ng katawan ng iyong kalaban.

Hindi pangkaraniwan ang racial trait ni Anna dahil kadalasan, sa isang pure-blooded elf lang ito makikita. Kaya naman napaka pambihira na nakuha niya ito. Taon kasi ang bibilangin para lang umangat ang mastery ng isang player sa kanyang sworsmanship. Nasa [Expert Swordswoman] na ang mastery ng swordsmanship ni Anna, at naging [Master Swordswoman] pa noong idinagdag na ang racial trait na bonus.

Alam rin naman ni Marvin na hindi ganoon karami ang mga 2nd rank classes na may ganoon kataas na mastery ng swordsmanship. Nangangahulugana nag Master Swordswoman ni Anna na hindi siya matatalo ng kahit na sino bukod na lang sa katulad niya.

Isama mo pa ang [Tenacity] at [Accuaracy] na parehong malaking tulog sa isang labanan. Dahil sa [Tenacity] nagagawa ng isang taong hindi maramdaman ang kahit anong sakit at ipagpatuloy ang laban. Habang sinisigurado naman ng [Accuracy] na lahat ng atake mo ay kritikal.

Dahil sa lakas ni Anna, mas nagkaroon ng kumpyansa si Marvin sa susunod nilang gagawin.

...

Sa isang bahay, sa loob ng pampublikong sementeryo.

Mayroong isang malamlam na apoy at maririning ang pagtunog ng sahig na gawa sa kahoy. Makikita ang isang matangkad na nilalang na nakikipagtalik.

Ngunit! Ang kasama nito'y isang maputalng babae na tila wala nang buhay.

Hindi ininda ng lalaki ang nana na lumalabas mula sa mata ng babae.

Walang masabi ang dalawa habang pinapanuod ang nagaganp sa binta.

Hindi inasahan nila Marvin at Anna na aabutan nila ang gwardyang si Heiss sa kanyang bahay ng ganoong oras. Hindi rin nila inaasahan na maabutan nilang may ginagawa itong kababuyan sa isang bangkay.

'Wala siyang konsiyensya!'

Namatay siguro ang babae dahil sa sakit dahil hindi pa gaanong na-a-agnas ang bangkay nito. Pero para sa Grave Robber na si Heiss, isa lang pamparaos ng libog ang bangkay na ito.

Blag!

Sinipa pabukas ni Anna ang pinto. Nalimutan na niya ang plano ni Marvin dahil sa galit.

Nilamon na siya ng poot.

Para sa isang napakalinis na tao tulad ni Anna, isa lang ang nararapat para sa isang taong binababoy ang isang bangkay.

Kamatayan!

Sa isang iglap, Tumakbo si Anna papalapit at inatake ito.

Cleave!

Tumalon mula sa kama si Heiss para lang makaiwas sa pagsugod.

Parehong galit at gulat ang mahihinuha mula sa mukha nito. Di niya alam kung bakit mayroong balak gumambala sa kanyang ritwal.

"Kawawang half-elf. Wala nang halaga ang katawang iyan dahil inistorbo mo ang ritwal ko! At dahil diyan, bangkay mo ang ipapalit ko!" Ani ni Heiss.

Bigla niyang itinaas ang kanyang mga kamay at nagpakawala maitim na bola ng apoy.

"Pucha! [Corrosive Fire] pala 'yon!"

Sa kabilang banda, ginamit ni Marvin ang [Stealth] para lumusot sa isang makipot na bintana. Pinanghinaan siya noong nakita ang maitim na bola ng apoy.

Dahil isang 2nd-Circle spell ang [Corrosive Fire], at napalabas niya ito ng walang hirap, nangangahulugan lang na isang advanced na Evil Spirit Sorcerer na si Heiss! At kahit na hindi pa ito ang ganap niyang kapangyarihan ay mahihirapana pa rin silang kalabanin ito.

Yumuko si Anna para maka-iwas sa spell. Tumama ito sa pader at natunaw ito.

Nakaiwas nga siya pero nakatakbo papalayo si Heiss sa kanya.

Malawak rin ang munting bahay dahil sa dami ng mga kwarto nito. Tumakbo si Heiss papunta sa sala at tumayo sa likod ng sofa.

Wala gaanong depensa sa close range battle ang mga low-level casters, kaya naman hindi dapat makalapit ang Fighters sa kanila. Subalit, pabor na sa kanila kapag nakalayo sila sa kalaban dahil sa daming ng nakamamatay na low-level circle spell na mayroon sila.

Walang ano-ano, bigla na lang lumitaw sa mga kamay niya ang isang makapal na spellbook.

Agad na tumakbo papalapit si Anna, ngunit walang nangyari.

Air Burst!

Tumalsik ang lahat ng gamit sa paligid dahil sa isang mala bolang pagsabog na nag-mula sa kinata-tayuan ni Heiss.

Tinangay nito pati si Anna na tumalsik rin at bumagsak sa sahig. Kahit na malakas si Anna, hindi uubra ito dahil wala siyang karanasan sa pakikipaglaban sa mga caster!

Kitang-kita ang dilaw na ipin ni Heiss habang tumatawa ito.

"Patay ka sa akin! Susulitin ko ang katawan mo."

Pero hindi niya napansin si Marvin na nag-aabang sa isang sulok para sunggaban ang singsing na suot niya.

Isang itim na diamanteng singsing. Kung tama ang pagkaka-alala ni Marvin, isa 'yong uncommon item. Kaya nitong magpalabas ng isang spell agad agad. Ngunit maari mo lang itong magamit ng isang beses sa loob ng tatlong araw.

'Kaya imposibleng makapagpalabas siya ng Corrosive Fire basta-basta!'

'Ring effect lang 'yon! Kinailangan niya lang ng oras para mag-cast ng mas malakas na spell!'

'Hindi pa siya 2nd rank Evil Spirit Sorcerer, isa lang siyang 1st rank Conjurer.'

Alam naman ng lahat na kaunti lang ang spells pang-depensa ng isang Conjurer.

Limitado lang ang spell slots ng isang low-level na wizard. Kaya lang nilang mag-cast ng hanggang tatlong life-saving spells. Dalawa na ang nagamit niya noong ginamit niya ang Corrosive Fire at Air Burst.

Huminga ang malalim si Marvin dahil alam niyang wala na siyang dapat ipag-alala pa.

Medyo nahirapan si Heiss kay Anna dahil sa lakas nito. Alam ni Marvin na pagkakataon na nila ito kaya hindi niya ito dapat palampasin.

Kailangan lang na magamit na ni Heis ang huling life-saving spell niya.

Gumapang mula sa lapag si Anna, sinugod niya si Heiss habang sumisigaw, at gamit ang kanyang longsword inasinta niya ang puso nito.

Eto ang tinatawag na all-out strike ng isang level 5 na Fighter. Hindi pa tapos ang spell ni Heiss at kung masasaksak siya, matitigil ang pag-cast nito.

Tila nawalan ng pag-asa si Heiss at napunta sa unang pahina ang libro.

Matapos ang maikling dasal, isang makapal na armor na kulay dilaw ang lumitaw sa katawan ni Heiss.

0-Circle spell [Inferior Mage Armor]!

Kumislap ang mga mata ni Marvin dahil eto na ang iniintay niyang ikatlong life-saving spell!

Bang!

Halos mabutas ang armor dahil sa pagsaksak ng longsword.

Muntik pang mabitawan ni Anna ang kanyang espada dahil nayanig ang kanyang mga kamay sa tibay ng mage armor.

Sinamantala ito ni Heiss at bahagyang umatras para tapusin ang kanyang naunang ritwal.

Sa isang iglap, umalingaw-ngaw ang ingay na tila mga ungol at sigaw na nagmumula sa labas.

"Tingnan natin kung kayanin ninyo ang Zombie Feast! Hihigupin ko ang kaluluwa niyo at hihimay-himayin ang mga katawan ninyo!" Aroganteng sabi ni Heiss abang unti-unting nauubos ang HP niya.

Kita ang galit at takot sa mukha ni Anna noong nasilip nito ang bintana dahil: nakita niya ang pagbangon ng sandamakmak na bangkay. Ito pala ang zombie summoning ni Heiss!

Kasabay nito ang isang malamig na boses na nagsabing, "Hindi ba itinuro sa'yo Heiss, na mahina ang mga Evil Spirit Sorcerers kapag sila's naka-[Void Shift]?

Isang curved dagger, na madaling nahiwa ang armor, ang nakatutok sa leeg ni Heiss. Di nag-tagal, dumanak na muli ang dugo mula sa leeg ni Heiss.

Saka tuluyang humandusay sa sahig.

Lumabas mula sa dilim si Marvin para tingnan ang bangkay at sumilip sa labas.

"Delikado tayo rito! Ang mga Cursed Zombie! Harangan mo ang mga pinto at bintana, dali!"