Walang hangganan ang [Zombie Feast] na spell. Kapag na-cast na ito, matitigil lang ito kapag patay na ang lahat ng zombie, kung hindi magpapatuloy lang ito.
At wala ring magbabago sa sitwasyon kahit na napatay na ni Marvin ang caster na si Heiss.
Sa loob lang ng ilang minuto, nagsama-sama na ang mga anino na nasa labas ng kwarto.
Umalis kaagad sila Marvin sa kwarto at dumeretso sa sala dahil mayroong malaking butas sa pader ng kwarto dahil sa corrosive fire na pinakawalan ni Heiss.
Tinakpan at hinarangan na ng dalawa ang mga pinto bago pa man makapasok ang mga zombie. Maari silang maging ligtas sila sa ngayon pero hindi rin ito magtatagal.
Dama pa rin ang tensyon sa paligid habang nakahandusay pa rin ang bangkay ni Heiss sa lapag.
Napayuko sa hiya si Anna dahil masyado niyang minaliit si Heiss, at kung hindi dahil kay Marvin, napatay na siguro siya nito.
Sinisi niya ang kanyang sarili dahil hindi niya napigilan ang [Zombie Feast] ni Heiss.
"Wala kang kasalanan dahil wala ka naman talagang laban sa spells ng Conjurer. Sadyang handa siya dahil nailagay na niya ang mga zombie sa palibot ng bahay para mas madali niya itong ma-summon.
"Mas mahalagang maka-isip tayo ng paraan para mawala ang mga zombie na 'to"
Tumango na lang si Anna. "Mahihirapan tayong talunin ang mga 'to ng walang holy water dahil mga cursed ang mga 'to."
Napangiti si Marvin at sinabing, "Sinong nagsabing wala tayong holy water?"
Inilabas niya ang dalawang bote ng holy water, na may nakasulat na: "Made by the Silver Church", mula sa kanyang bag.
"Isa sa mga bagay na gustong-gusto ko sa Silver Church ay pagbebentahan ka nila ng kahit ano basta may pera ka/"
Binuhusan ng holy water ni Marving ang curved dagger niya bilang paghahanda sa pagpasok ng mga zombie.
Mula noong pagdating pa lang nila, nagmasid na siya sa sala.
Ang mysterio ng lugar na 'yon ang isa sa mga rason kung bakit gustong mahanap ni Marvin ang Grave Robber na si Heiss.
Nabalitaan niyang mayroon itong baul na may lamang kayamanan.
...
Masayang tinanggap ni Marvin ang lahat ng 220 exp nang mapatay niya si Heiss na isang Conjurer. Naabot niya ang level 3 at may natira pa sa dami ng exp na ito.
Ginalugad niya ang bahay para sa baul na may kayamanan habang hinahati niya sa kanyang Ranger Class ang 118 na battle exp niya.
Agad siyang umangat sa level 3 at muling naramdaman ang init na dumadaloy sa katawan niya.
Kailangan ng isang Ranger ng 800 exp para maabot ang level 4. Kaya ang natirang 102 exp ay itinabi na ni Marvin.
Agarang dinagdag ni Marvin sa dexterity ang libreng attribute point. Dahil para magamit ang [Wall Climb] Kailangan ng 20 attribute points ng Dexterity, at sa ngayon nasa 18 na puntos na ito kaya malabong ilagay pa niya ito sa ibang attribute.
Nakakuha rin siya ng 24 na puntos para sa skill dahil sa kanyang pag-le-level up. Dinagdag niya ang 6 sa [Stealth] para makuha ang 50 point Stealth effect na, [Sneak Attack]. Matapos ito ay itinabi muli ang 18 na puntos na natira.
[Sneak Attack]: Doble ang damage kapag inatake ang kalaban habang naka stealth.
Nakadagdag sa thief skill na [Backstab] ang epekto nito. Kaya nitong maka-damage ng 4x kumpara sa karaniwang damage. Pinahihintulutan rin nito ang mga Thief na magkaroon na burst damage na hindi makikita sa ibang class. Kaso nga lang, Ranger si Marvin at hindi Thief, kaya malakas man ang kanyang mga direct ability pero hindi ito ganoon kalakas sa mga sneak attacks.
Inasahan ni Marvin na magkakaroon siya ng class specialty nang umabot siya sa level 3.
Mayroong tatlong specialty para sa isang level 3 na Ranger, at ito ang: [Precise Shot], [Two-Weapon Fighting], at ang [Nature Affinity].
Nagpapataas ng accuracy at stability ang [Precise Shot].
Habang ang [Two-Weapon Fighting] ay pwede kang gumamit ng dalawang curved dagger ng sabay.
At pinatataas naman [Nature Affinity] ang Taming ability nito.
Tatlong magkakaibang specialty para sa tatlong magkakaibang fighting style na: Ranged Archery, Dual wielding close combat, at ang Beast taming.
At dahil sa pagma-malaki niya sa kanyang close combat battle experience at ability, hindi niya isusuko basta-basta ang alas niya. Kumpara sa pagtatago at pag-tira sa malayo, malaki ang tiwala niya sa kanyang blade.
Kaya pinili niya ang [Two-weapon Fighting]!
Mas malakas o kapantay lang ng burst damage ng mga Thief o ng mga advanced class Assasins ang burst damage ng isang Ranger.
Sayang lang dahil hindi niya masusulit ang mga curved dagger na hawak niya, dahil masyadong magaan ang nasa kanan at hindi naman kagandahan ang kalidad ng nasa kaliwa.
Dahil level 3 Ranger na siya mas naging panatag din ang loob ni Marvin dahil sa pagtaas ng resistance niya sa attacks at pagtaas sa 68 ng kaniyang HP.
...
"Ano bang hinahanap mo?"
Ginaya ni Anna ang ginawa ni Marvin at nilagyan rin ng holy water ang kanyang longsword.
Dinig na dinig ang ingay na dulot ng nagbabadyang pagpasok ng mga zombie pero patuloy pa rin si Marvin sa paghahanap.
"Mayroon daw kasing isang malaking baul na si Heiss na pinagtataguan niya ng lahat ng ninakaw niya sa mga puntod," paliwanag ni Marvin.
"Daw?" gulong-gulo si Anna.
Hindi siya tanga.
"Nung lumabas ka kanina, nagtanong-tanong ako sa mga tao. Narinig kong nagnanakaw daw si Heiss ng mga mahahalagang gamit sa puntod ng mga inililibing dito."
"Pero hindi ba sinabi mo rin na maganda ang bahay niya?" Pagtatakang tanong ni Anna. "Parang imposible naman atang sa kanila mo rin 'yon nalaman, hindi ba?"
"Ah .. eh nalaman ko rin kasing nagbebenta siya ng mga bangkay sa Necromancer." ika ni Marvin. "Kaya naisip kong baka ginamit na niya yun sa pagpapagawa ng bahay."
"Mag-tiwala ka sa akin Anna, marami akong nakukuhang kaalaman at impormasyon sa mga panaginip ko. Maraming naituro sa akin ang guro ko. Hindi ako gagawa ng kahit anong ikapapahamak mo."
Panandaliang matitigilan si Anna bago tuluyang sumang-ayon kay Marvin.
Nagpamalas ng mga bagay si Marvin na ikinamangha ni Anna mula noong gumaling ito sa kanyang sakit. Tulad na lang nang walang kahirap-hirap nitong napaslang ang Conjurer na muntik na siyang mapatay. At kahit na sabihing mayroon siyang mga class stat bonus, hindi siya pwedeng maliitin.
"Nahanap ko na! Nandito lang pala!"
Walang takot at daliang binuksan ni Marvin ang kahadeyerong nakakubli sa ilalim ng karpet.
Isang matandang ermitanyo lang naman si Heiss na hindi marunong maglagay ng mga patibong gaya ng isang Thief kaya naman hindi na niya kailangan pang matakot.
Tulad ng inaasahan mayroong isang baul sa loob nito.
Bang!
Biglang bumigay ang isa sa mga trosong nasa pader at nabitak.
Isang na-a-agnas na kamay ng isang zombie ang pumasok mula sa bitak na pader.
"Marvin!"
Sigaw ng kabadong Anna.
"Hindi sila makakapasok, 'wag kag mag-alala." Tiningnan ni Marvin ang bitak at nakitang hindi kakasya ang mga zombie doon.
May kaunting oras pa silang natitira.
Inilapag ni Marvin ang baul sa sahig. Walang kandado ang baul dahil hindi siguro akalain ni Heiss na may makaka-isa sa kanya.
Pagbukas ni Marvin, sandamakmak na pilak ang bumungad sa kanila. Hindi makapaniwala si Anna sa dami ng salapi ng grave robber na 'yon.
"Kunin mo yung mga pilak, bilis!" hinakot ni Marvin ang mga pilak at iniabot kay Anna, na inilagay naman ang mga ito sa malilit na supot na gawa sa katsa.
Kasunod ng mga pilak ay mga personal na pag-aari ni Heiss. Mayroong [Advanced Conjurer Handbook], isang libro na maaring nakuha niya sa Necormancer, at isang [Casting Notebook]. Idagdag pa rito ang spellbook na hawak ni Heiss at buo na ang isang low level foundation kit ng isang Conjurer. Pwede nila itong mabenta para sa malaki-laking halaga sa black market basta wag lang silang mahuli ng mga Wizard Alliance Enforcer
Dahil alam naman ng lahat na naka-blacklist Wizard Union ang mga Necromancer at iba pang ka-uring mga class.
Binalot ni marvin ng ang dalawang magic book at spell book gamit ang isang mantel at itinabi.
Pero mas gusto niya ang nasa ilalim pa.
Tatlong bagay na nababalot ng alikabok lang ang naroon.
'Sabi ko na nga ba. Hindi talaga matatalino ang mga Conjurer. Marami silang kagamit na hindi nila alam paano gamitin ng tama.
Nangingiting tiningnan ni Marvin ang dalawa sa mga gamit na naroon.
Kapaki-pakinabang man ang singsing ni Heiss dahil mabilis 'tong mag-cast ng spell, Napakarami rin namang hindi pwedeng gawin gamit 'yon.
Pero ang dalawang narito ay ang tunay na kayamanan! Ito'y mga tunay na Uncommon Items!
'Bukod sa diamanteng singsing ni Heiss, mayroon pa siyang tatlong Uncommon items. At ang pagpatay sa mga taong Elite Monsters ang isa sa pinakamabilis na paraan para kumita ng pera!' Masayang kinuha ni Marvin ang isang pares ng gwantes at isang regular na singsing.
Hindi na kinailangan na mag-Inspect ni Marvin para lang malaman ang mga katangian ng mga gamit na ito, dahil alam na alam na niya kung ano ang mga ito.
[Ghastly Gloves]
Quality: Uncommon
Effect:
Ice Resistance +5
Fire Resistance +5
Requirements: 11 Intelligence
[Ring of Prayers (?)]
Quality: Uncommon
Effect: Additional Spell – Rainbow Jet. Usable once per day.
Requirement: 13 intelligence
...
Puro Common ang mga kagamitan sa mundong ito. Wala gaanong dulot ang mga ito. Habang ang karamihan naman ng mga [Uncommon] ay mayroong kapaki-pakinabang na katangian. Ang mga [Magic] item naman ay gawa ng mga high-level wizards at bihirang makita ng mga tao. At tanging mga high-level wizard lang ang mayroong ganoon dahil masyadong komplikado ang proseso ng paggawa nito.
Meron ding mga Legendary, Epic, At Demi-God item na mahirap rin makuha. Nakakuha na dati si Marvin ng God title dahil sa pagiging isa Ruler of the Night. Ngunit, sa kabila nito, [Kingdom of Eternal Night] na isang Demi-God item lang ang mayroon sya.
Puro Common lang din ang mga hand weapons gn mga low-evel na adventurer kaya hindi na rin masama, kung mayroon kang isang Uncommon na kagamitan
Tuwang-tuwa si Marvin dahil nakakuha agad siya ng tatlong item noong napatay niya si Heiss.
Agad niyang sinuot ang Ghastly Gloves at isinuot rin sa kantang kanang hintuturo ang singsing.
Umabot sa 49 na singsing ang ginawa ng Fairy Turin. Bawat isa nito ay nagtataglay ng kapangyarihan at bawat isa rin ay isang tunay na Magic item. Marahil peke ang nakuhang singsing ni Marvin.
Ngunit kahit na peke, pinalakas pa rin nito si Marvin.
Marahil hindi alam ni Heiss kung paano gamiting ang ring effect na [Rainbow Jet], pero alam ni Marvin kung paano.
"Marvin! Nakapasok na sila!"
Tinabi ni Anna ang mga pilak at takot na takot na sumigaw.
"Kaya ko 'to!"
Hawak ang isang curved dagger sa kaliwang kamay at isang straight dagger sa kanan, tumayo si Marvin at sumagot.
"Akong bahala sa kanila!"