Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 249 - Chapter 249

Chapter 249 - Chapter 249

Makalipas ang isang oras, nagsimulang lumaki ang tunggalian. Ang mga sundalo ng Hari ng Ling ay isinangkot ang kanilang sarili sa tunggalian, habang ang mga lokal na piket ay nanonood. Hindi alintana kung paano ang mga sibilyan sa kanlurang bahagi ng syudad ay humihingi ng tulong, nanatili silang walang pakialam, sinasabi na naghihintay sila ng utos mula sa nakakataas. Nakatayo sila sa labas ng paligid, tumatangging gumalaw, habang ang mga tao sa loob ay nagsimulang makipag-away sa isa't-isa.

Sa oras na ito, ang malalaki at maliliit na gang, nasasamahan ng ilang lumihis na mga bagabundo, ay nagsimulang lumikha ng kaguluhan. Matapos ang ilang maliliit na gulo sa isa't-isa, napagtanto nila na walang bumabawal sa kanila, dahilan upang mas tumapang. Ang syudad ng Zhen Huang ay magulo habang ang mga sibilyan ay nayumukyok sa takot sa loob ng kanilang mga tahanan, hindi nais na masangkot.

Inutusan ni Chu Qiao ang mga sundalo na pataasin ang kanilang seguridad sa loob ng mansyon habang sinarado nila ang mga pinto, hindi pinapayagan ang sinumang lumabas. Si He Xiao at ang gwardya ni Zhuge Yue, si Yue Liu, ay naatasan na siguraduhin ang panloob na seguridad ng mansyon. Ilang sandali pa, ang labas ng mansyon ay maliwanag na naiilawan; tila napapaligiran sila ng malalaking pangkat ng mga sundalo.

Si Yue Liu at ang natitira pang mga gwardya ng lalaki ay nagtiim-bagang at inilabas ang kanilang mga espada, handa lumaban hanggang kamatayan. Gayunpaman, naguguluhan si Chu Qiao at inutusan si He Xiao na kontrolin ang sitwasyon sa labas.

Mabilis na bumalik si He Xiao dala ang balita na ang inspektor mula sa tanggapan ng mahistrado ay nagpadala ng mga sundalo upang protektahan ang tirahan ng Chief Marshal, kumikilos ayon sa utos mula sa mga nakakataas. Mabilis na natahimik ang mga ingay sa paligid ng mansyon. Tinanong ni Chu Qiao si Yue Liu tungkol sa kung anong nangyayari, ngunit napakamot lamang ito ng kanyang ulo at sinabi na wala pa siyang naririnig na anumang inspektor dati.

Bandang 9 hanggang 11 ng gabi, may ilang mga ingay na nagsimulang umalilngawngaw sa labas ng pintuan. Kakalabas lang ni Chu Qiao sa kanyang silid, habang si Zhuge Yue ay nagmamadaling papunta sa kanya, nakasuot ng lila. Nang makita siya, nagtanong ito, "Natakot ka ba?"

Tumawa si Chu Qiao bilang sagot, "Sa palagay mo ba ay gawa ako sa pandikit? Nang pumapatay ako ng ibang tao sa labas, hindi pa kilala ang iyong eksistensya."

Kinuha ni Zhuge Yue ang kanyang tasa at humigop ng tsaa. Pilit siyang ngumiti bago umupo.

Nagtanong si Chu Qiao, "Ano ba talagang nangyayari?" Hindi siya masyadong nagtanong tungkol sa mga problema ng lalaki. Una, sa kanyang pagkakakilanlan at katayuan, hindi siya karapat-dapat na makaalam ng sobra. Pangalawa, wala na siyang lakas upang isangkot pa ang sarili sa mga bagay na ito. Gayunpaman, nag-aalala siya tungkol sa mga bagay ngayong gabi.

Tumingala si Zhuge Yue at nakonsensya nang makita ang nag-aalala niyang ekspresyon. Hinawakan nito ang malamig niyang mga kamay at sinabi, "Si Mu Yun at ang iba ay lumilikha ng problema. Ang tarangkahan sa timog ay nakuha na ng mga tao ni Zhao Yang. Nagmula ako sa hilagang tarangkahan, kaya medyo nahuli ako."

"Paano sila makikinabang sa paglikha ng problema? Kung sumobra sila, papalayasin ng Elder Clan ang lahat pabalik sa kanilang mga orihinal na lokasyon. Walang makakakuha ng bahagi nila."

Malamig na tumawa si Zhuge Yue at sumagot, "Iyon ang eksaktong ideya na mayroon sila."

Napasimangot si Chu Qiao habang sinimulang iugnay ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa kanyang isipan. Naglabas siya ng mahabang buntong-hininga at sinabi, "Muntik na iyon. Mabuti nalang mabilis kang nakapunta."

Hinaplos ni Zhuge Yue ang kanyang mukha at idinagdag, "Huwag kang mag-alala. Hindi ako malalamangan ng mga taktika na ito."

Sa kasalukuyan, ang salungatan sa pagitan nina Zhao Che at Zhao Yang ay katulad ng sa Southwestern Army na ipinapain ang kanilang sarili laban sa hukbo ng Donghu. Si Zhao Yang ay may suporta ng hari ng Ling at ni Young Master Mu, samantalang si Zhao Che ay may suporta ng Qinghai Army ni Zhuge Yue. Ngayon na malubha ang sakit ng Emperador ng Xia, ang iba't-ibang sundalo ng hangganan ay nanatili upang bantayan ang kabisera kasama ang kanilang pinuno. Ito ay labag sa patakaran; oras na may gumawa ng anumang gulo, ang mga sundalo sa hangganan ay aalisin sa kani-kanilang mga lokasyon. Si Zhao Che, Zhuge Yue, at ang mga tauhan ni Jinghan ay nabibilang sa hangganan, na tanging si Zhao Yang ang may hawak ng kapangyarihan sa kampong Xiaoqi, na kabilang sa kabisera. Bagaman ang hukbo na iyon ng 30,000 ay hindi gaanong mahalaga kapag nasa digmaan, sa sandaling inalis ang mga sundalo sa hangganan, agad silang magiging pinakapangunahing pwersa ng kabisera. Sa oras na iyon, kung hindi bumalik si Zhao Che sa hilaga kasama ang hukbong Donghu, tiyak na mahuhulog siya sa mga kamay ni Zhao Yang. Sa pag-alis ni Zhao Che, ang tagapagmana sa trono ng emperador ay magiging kumpirmado.

Sa nakaraang taon nang ang Emperador ng Xia ay nagkasakit, ang pulitika sa loob ng Xia ay nagsimulang mangyari. Dahil naranasan ni Chu Qiao na maging pinuno ng militar, natural na naintindihan niya ang mga pakinabang at bunga ng mga bagay na ito. Inalo niya si Zhuge Yue habang sinasabi, "Mag-ingat ka. Hindi na kailangang mag-alala tungkol sa akin. May sapat na sundalo sa mansyon. Kahit na 10,000 mga tao ang sumalakay sa lugar na ito, kaya namin itong ipagtanggol nang apat na oras. Hindi na kailangang maglaan ng mga sundalo dito."

Natigilan si Zhuge Yue habang nagtatanong, "Kailan ko ginawa iyon?"

Sumagot si Chu Qiao, "Ang inspektor mula sa tanggapan ng mahistrado ay narito lamang kanina. Ipinagtanggol nila kami ng higit apat na oras."

Mahigpit na napasimangot si Zhuge Yue at matagal na nag-isip bago umiling at idinagdag, "Hindi ko sundalo ang mga iyon."

Naghihinalang tumingin si Chu Qiao sa lalaki, isang seryosong itsura ang makikita sa kanyang mukha.

Tumawa si Zhuge Yue at hinawakan ang kamay niya. "Ayos lang. Hindi ko iniisip na mayroon silang masamang hangarin."

"Ang mga tauhan ba iyon ni Wei Shuye?"

"Kung tama ang hula ko, mga tao sila ni Zhao Song."

Nagsimulang maramdaman ni Chu Qiao na lumamig ang kanyang puso. Nagpatuloy si Zhuge Yue sa mababang tinig, "Ang emperador ay may sakit. Ang bawat pigura ng awtoridad sa Zhen Huang ay nasa palasyo. Ang tanging tao na wala nasa palasyo na may lakas na magpakilos ng mga sundalong ganoon ay siya." Isang mabigat na hitsura ang nakita sa mga mata ni Zhuge Yue habang marahan niyang sinabi, "Matagal rin. Nakalimutan ko na siya."

Mainit sa palasyo habang patuloy na nasusunog ang joss stick. Gayunpaman, nakatayo roon si Chu Qiao habang patuloy na nakakaramdam ng isang maginaw na sensasyong gumagapang sa buong katawan niya.

Ang ika-13 prinsipeng si Zhao Song, na may isang brasong pinutol ni Yan Xun, na ang kapatid ay personal niyang pinatay, na ang pamilya ng kanyang ina ay sinira nila mismo ni Yan Xun.

Hinagkan siya ng lalaki, naramdamang sumakit ang kanyang puso nang makita ang maputlang ekspresyon niya. Bumulong siya, "Xing'er, paano kung pauwiin muna kita sa Qinghai?"

Tulala pa rin si Chu Qiao habang hindi niya narehistro ang sinabi ng lalaki. Inulit muli ito ng lalaki, dahilan para malakas siyang mapailing. Hinila niya ang manggas nito habang paulit-ulit na binibigkas, "Ayaw ko!" Itinaas niya ang kanyang ulo at matigas ang ulong tumingin sa lalaki tulad ng isang hindi napaamong anak ng leon. Walang magawang napabuntong-hininga si Zhuge Yue at niyakap siya habang sinabi sa mababang tinig, "Malapit na itong matapos."

Oo, malapit na itong matapos. Tuwing nakikita ng mga opisyales at mga prinsipe ang estado ng emperador, uulitin nila ang pangungusap na ito sa kanilang mga tauhan at pamilya tuwing uuwi sila.

Oo, malapit na itong matapos. Bilang na ang mga araw ng emperador. Ang mga araw ng pamumuhay sa takot ay malapit na matapos...

Habang lumipas ang mga araw, parami nang paraming mga tsismis ang nagsisimulang pumaibabaw. Ang bibig ng emperador ay bumaliko na, wala nang malay ang emperador, hindi na makikilala ang emperador, hindi na makakain ng emperador...

Tila ang emperador ay kumakapit sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang huling hininga, at malapit na siyang mamatay anumang oras. Gayunpaman, habang papalapit ang taglamig at ang bagong taon, buhay pa rin ang emperador. Ipinagpalagay na kaya niyang paminsan-minsan na magsalita ng ilang magkakaugnay na mga pangungusap at magmulat ng mata upang uminom ng ilang sabaw na ginseng.

Wala nang nakakaalam kung bakit kumakapit pa rin siya. Tila may mga kahilingan pa siyang hindi pa natutupad, o may hinihintay pa siya. Sa pagdaan ng mga araw, tumanggi siyang ipikit ang mga mata.

Ang kapaligiran sa kabisera ay nanatiling malubha bilang resulta. Walang sinuman ang may buong kumpyansa na gumawa ng pag-aalsa. Ang syudad ng Zhen Huang ay natapon sa estado kung saan maaaring maganap ang isang salungatan kahit na sa kaunting kalabit. Kahit ang mga bagong panganak na sanggol ay hindi nangahas na umiyak nang malakas sa gabi.

Kaninang umaga, umalis si Zhuge Yue ng mansyon upang dumalo sa umagang pagpupulong, nang mayroong bisita. Isang dalaga na nakasuot ng puting manto ang nakatayo sa manyebeng lupa. Mayroon siyang itim na mga mata, mapula-pulang mga labi, at mukhang isang magandang guhit sa isang larawan.

Ang sinag ng araw ay malamig at malayo sa oras ng taglamig. Tumayo si Chu Qiao sa pintuan, hinaharap ang hangin, nakasuot ng berdeng manto. Nang makita ang binibini, natigilan siya. Tumitig siya rito, hindi gumagalaw nang matagal.

Ngumiti ng kaunti dalaga at lumapit kay Chu Qiao.

"Sixth Sister, hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Xiaoba."

Ang oras ay talagang dumaan sa isang kislap. Ang nakababatang niyang sarili ay lumuhod sa tabi ng katawan nito noon. Mahina siya at kulang sa nutrisyon. Mababa siyang yumukod sa ilalim sinag ng buwan, nanunumpa na ipaghihiganti ang pagkamatay ng kanyang mga kapatid. Sa isang kisapmata, 14 na taon ang lumipas.

Naalala ni Chu Qiao ang araw ng pagbitay, kung saan ay nagtago siya sa mga tao, naririnig ang bata na malakas na isinisigaw ang kanyang pangalan sa paghingi ng tulong. Sa huli, hindi lumabas si Chu Qiao. Maaari lamang niyang makuha ang katawan nito mula sa bibig ng mga mabangis na aso. Hindi tinatakpan ang katawan nito, maaari niya lamang hayaang lumubog ang katawan sa ilalim ng lawa.

14 na taon na rin. Palaging iniisip ni Chu Qiao na namatay siya. Hindi mabilang na beses niyang nakita ang matigas ang ulo at umiiyak na mukha nito sa kanyang mga panaginip. Palagi niyang pinagagalitan ang sarili sa 14 na taon na ito, at matagal na kinasuklaman si Zhuge Yue dahil dito.

Nagsimulang tumulo ang kanyang luha. Nakatayo siya sa may pintuan, inaabot ang kanyang kamay habang nagawa niyang ngumiti ng isang matamis na mapait.

Hinawakan ni Xiaoba ang kanyang kamay at simpleng ngumiti habang sinasabi, "Ayos ako, di ba? Buhay pa rin ako. Pusta ko hindi mo ito inaasahan." Ang kanyang boses ay napakapamilyar, magaan at malayong pakinggan.

Sabay silang naglakad papunta sa silid. Inikot ni Xiaoba ang silid at umupo sa malambot na banig. Huminga siya ng malalim sinabi na may ngiti, "Ang Zhuge na iyon ay may parehong ugali pa rin ng pagsisindi ng insenso sa silid na tulad nito." Luminga siya sa paligid na may postura ng pagkapamilyar, sinasabi ang mga gawi kung paano mabuhay si Zhuge Yue. Kumuha siya ng isang pomegranate at nagsimulang paglaruan ito.

Tumingin sa kanya si Chu Qiao. Marami siyang gustong sabihin, ngunit hindi alam kung saan magsisimula.

Natawa si Xiaoba tapos ay pinutol ang nakakaasiwang katahimikan, "Sixth Sister, hindi na kailangang mabigla. Ang taong namatay ng araw na iyon ay hindi ako. Sa huling minuto, pinalitan ako ng asawa mo ng ibang tao, at tinustusan ako ng maraming taon. Nakakaramdam ako ng pasasalamat at sama ng loob sa kanya, ngunit wala ako dito upang pilitin ka na igalang ang iyong pangako ng paghihiganti sa pagkamatay ng ating pamilya. Kahit na ako ay sumuko na sa paghihiganti."

Isang bugso ng hangin ang biglang wumalis sa buong silid, inaangat ang mga kurtina. Sa sikat ng araw, ang ilang mga alikabok ay makikitang lumulutang sa hangin. Ang nakabubulag na sikat ng araw ay naging sanhi ng pagsingkit ni Chu Qiao, ngunit hindi pa rin niya makita ng maayos ang mukha ni Xiaoba.

Tiningnan siya ni Chu Qiao, pakiramdam ay bahagyang malayo. Matagal siyang nag-isip bago sinabi sa banayad na tono, "Xiaoba, naging maayos ka ba sa mga taon na ito?"

"Naging ayos ako," kaswal na sagot ni Xiaoba. "Maganda ang pakikitungo ni Zhuge Yue sa akin. Siguro ang ilan sa iyong swerte ay kumiskis sa akin. Dinala niya ako kay Mister Wolong upang matuto. Natutunan kong magbasa. Gayunpaman, madalas niyang hinihigpitan ang aking kalayaan, hindi ako pinahihintulutan na umalis. Sinubukan ko makatakas ng ilang beses, ngunit lagi niya akong nahuhuli. Katulad nito, maraming taon na ang lumipas, hanggang sa..." Huminto siya rito at tumingin kay Chu Qiao. Marahan siyang napatawa bago nagpatuloy, "Hanggang sa kumalat ang balita na siya ay namatay sa Yan Bei, at siya ay pinalayas mula sa pamilya Zhuge. Ang mga tao ng Qingshan Courtyard ay pinalayas din, ibinalik sa akin ang aking kalayaan. Pagkatapos noon, napilitan akong manatili sa lansangan. Matapos ang lahat, isa akong batang babae na hindi marunong buhayin ang sarili. Napunta ako sa isang bahay-aliwan ng halos isang taon, hanggang sa nakilala ko ang ika-13 Royal Highness. Kailangan kong ipalagay na dahilan ang swerte ko sayo. Dahil kamukha kita, nahuli ko ang tingin niya. Ngayon, ako ang personal niyang tagasilbi. Hurhur, sa kabila ng maraming taon, isa pa rin akong alipin. Mas mabuti nga lang ako tinatrato ngayon."

Nakinig si Chu Qiao habang kinukwento nito si Zhao Song sa isang kaswal na tono. Naalala niya ang oras nang makita niya si Zhao Song sa kabundukan ng Xiangzhi, kasama ang dalagang nakabihis panglalaki. Napasimangot siya at nagtanong sa isang mababang tinig, "Alam mo na dumating ako ng Zhen Huang. Bakit hindi mo ako hinanap?"