Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 214 - Chapter 214

Chapter 214 - Chapter 214

Nang oras na iyon, kahit na mapoprotektahan ni Li Ce si Chu Qiao, imposible na maprotektahan niya ang hukbo ng Xiuli maliban nalang kung nais niyang ganap na makasira ang imperyo ng Xia. Nang oras na iyon, biglang nagtaas ang Hari ng Qinghai ng watawat ng imperyo ng Xia. Nagpadala ng mga misyonaryo, naglakbay siya ng higit 4000 kilometro upang dumipekto sa imperyo. Noon lang nalaman ng mundo na ang sikat na Hari ng Qinghai ay ang Fourth Master na dapat ay namatay sa Yan Bei dalawang taon ang nakalilipas.

Napaka natural ng mga resulta. Matapos makabalik sa royal capital, sa di-masukat niyang kapangyarihang militar at ang suporta sa pamilya Zhuge, nagawa niyang palitan si Wei Guang bilang pinuno ng konseho ng Grand Elder, at naging Grand Marshal ng imperyo ng Xia. Doon, natural lamang na tinanggihan niya ang mga plano ng militar na ginawa laban sa imperyo ng Tang.

Ayaw isipin ni Chu Qao kung gaano karaming dugo ang inilagay sa ganoong pampulitikang pagbabago. Matapos magkawkaw sa landas ng pulitika, alam na alam niya kung gaano kalalim ang tubig. Kahit na mukha itong kalmado sa ibabaw, mayroong hindi mabilang na alon na nagwawalis sa ilalim.

Sa hindi mabilang na parol na lumulutang sa lawa, tila isa itong dagat ng gintong ilaw. Inangat ang kanyang ulo, ang tingin ni Chu Qiao ay puno ng bakas ng kalungkutan. Tumingin kay Zhuge Yue, mahina siyang nagtanong, "Narinig ko na banal ang puno ng Elm, at mas matanda ang puno, mas malakas ang kabanalan nito. Basta't ibinigay mo ang pakaingat-ingatan mong pag-aari bilang sakripisyo, makakapagbigay ito ng proteksyon para sa mga kaibiganat pamilya mo. Iniisip ko kung totoo ito."

Hindi nagsalita si Zhuge Yue at tahimik na tumayo lang doon.

"Naniniwala ka ba?" tahimik na tanong ni Chu Qiao.

Naningkit ang mahabang mata ni Zhuge Yue. Magaan siyang sumagot, "Hindi."

Tumingin si Chu Qiao sa lalaki, malumanay na nakangiti. Imposibleng masabi kung masaya o malungkot siya mula sa tugon ng lalaki. Dahan-dahan niyang inunat ang kamay, tapos ang kutis porselana niyang mga kamay ay nagbukas na may kumikinang na mga mata tulad ng sa mga bituin. Gayumpaman, sumakit ng kaunti ang puso niya tapos ay malambot na nagtanong, "Hindi ka ba talaga naniniwala?"

Itinungo ang kanyang ulo, agad nakita ni Zhuge Yue ang pares ng palamuting jade na kumikinang sa ilaw. Agad siyang natigalgal.

"Zhuge Yue, akala ko hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makita ka." Malumanay na ngumiti si Chu Qiao, gayumpaman ay parang makakakita ng kislap ng butil ng luha sa mga mata niya. Sa kanyang labi na naginginig, nagpatuloy siya, "Akala ko ay hindi na kita mababayaran sa buhay na ito."

Sa masidhing kadiliman ng gabi, tila napakabigat ng pigura ni Zhuge Yue, na para bang nagbibigay siya ng napakalaking awra na piniga palabas ang hininga ni Chu Qiao. Sa kanyang itim na mga matang diretsong nakatingin sa babae, hindi siya nagsalita at tumingin lang, bago inunat ang kanyang mga braso upang yakapin ang babae, bago kalmadong sumagot dito, "Sino nagsabi sayo na magbayad?"

Ganoon lang, tumulo ang luha ni Chu Qiao. Masunurin siyang yumukyok sa yakap nito, na may hindi mabilang na emosyong umiikot-ikot sa kanyang puso. Nakasandal sa dibdib ng lalaki, naaamoy niya ang pamilyar na amoy sa katawan nito, habang pinuno ng init ang buo niyang katawan. Tahimik niyang ipinikit ang kanyang mata, habang hinahaplos ng hangin ng gabi ang kanilang mga katawan. Unang beses sa kanyang buhay, naramdaman niya na ang masayang atmospera ay napakalapit sa kanya, para bang nararamdaman niya ang kasayahan sa paghinga lang.

Nag-angat ng kanyang ulo, malambot na ngumiti si Chu Qiao, "Zhuge Yue, napakasarap mabuhay."

Nang marinig iyon, nakaramdam ng sakit si Zhuge Yue sa kanyang puso. Gayumpaman, walang iba bukod sa kanya ang makakaintindi sa ibig sabihin ng sinabing iyon. Marahang itinungo ang kanyang ulo, hinalikan niya ang noo ng babae at inusal, "Tama, napakasarap mabuhay."

Sa parol na nagliliwanag kahit saan, nalalapit na ang bagong taon. Sa bagong taon na ito, tila bago ang lahat. Halos tila ang mga araw na sila ay nabubuhay ay ninakaw mula sa langit.

Kapag mag-isa, paminsan-minsan na makakidlip si Chu Qiao, habang tahimik siyang titingin sa araw na sumisikat sa silangan at lulubog sa kanluran. Sa kadiliman na tumatama sa lupain na ito, paulit-ulit, dumating ang bagong taon, at di nagtagal ay lumipas. Tumagos ang oras sa pagitan ng mga daliri niya, tulad ng tubig ng ilog na dumadaan sa kanyang nakadaop na kamay. Naglaho ang naunang kasabikan habang nagsimula ang panibagong buhay. Nakatingin sa mga ibon na lumilipad pabalik mula sa Hilaga, nakita niya itong lumilipad sa kalangitan, nag-iiwan ng bakas dito. Napaisip siya, "Siguro uuwi na sila."

Lumipat siya sa pag-aari ni Zhuge Yue sa syudad ng Xianyang. Walang mga rason o dahilan. Nagtanong lang si Zhuge Yue kung nais niyang palipasin ang bagong taon kasama siya. matapos itong pag-isipan, pumayag siya.

Isa itong medyo pangkaraniwang bagong taon. Walang mga maluhong mananayaw, walang melodikong musikal, walang matangyang piging, ngunit mayroong bihirang kapayapaan, katahimikan na nagmula sa kaibuturan ng puso nila.

Sa nakalipas na mga araw, maraming lugar siyang napuntahan kasama si Zhuge Yue. Dumaan sila sa tahimik na mga eskinita, sira-sirang mosque, at kumain sa mga tindahan sa tabi ng kalsada, magkasamang namili sa mataong karnabal, at nagpaputok ng mga paputok noong araw ng bagong taon.

Sa pagputok ng mga paputok, para bang bumalik ang oras sa dalawang taon ang nakakaraan, habang nakatayo siya sa mataong kalye, kaharap ang maraming ilaw sa harap niya. Isang nakakapanabik na mapayapang kaluguran ang pumuno sa kanya habang napapaligiran siya ng ilaw. Nakatayo sa harap niya, hinarangan siya nito sa paparating na trapiko, kahit na paminsan-minsan ay tatalikod ito upang pagalitan siya tulad ng bata. Sa magagandang mga paputok na namumukadkad sa itaas ng kanilang mga ulo, inilawan ng sinalamin na mga ilaw ang kaibig-ibig na mukha ng lalaki. Tama, maganda ang mga paputok.

Hindi makahanap ng ibang salita ang limitadong bokabularyo ni Chu Qiao upang ilarawan ang tanawin na nakikita niya. tila nadala siya ng isang bugso ng hangin mula sa pinaglalabanan tungo sa kakaibang mundo na ito. Nakakita siya ng malumanay na sikat ng araw na humahaplos sa mga sibilyan, mainit na tubig ng lawa, masasayang mga tao, at si Zhuge Yue, na kung saan ay ibinaba na ang pagbabantay sa harap niya. Ito ang lalaking nagalit sa kanya ng hindi mabilang na beses, isang tao na tinignan niya bilang isang mortal na kaaway ng mahabang panahon, gayumpaman ay maraming beses siya nitong tinulungan na hindi na niya nabilang kung ilan, at naglakbay pa papunta at pabalik mula sa impyerno para sa kanya. Ngayon, nakatayo ito sa harap niya, pinagsasabihan siya sa kakulangan niya ng sentido komun. Bigla, pakiramdam niya ay ninakaw mula sa kalangitan ang mga oras na ito. Bawat sandali ay biglang nagmukhang napaka halaga. Kahit sa lahat ng karangyaan ng mundo, ang kanyang mata ay tila napuno ng pagkahumaling para sa lalaki lamang.

Tulad ng malaking dami ng tubig-alat na nakawala na sa wakas mula sa loob ng kanyang puso matapos matunaw ang nakabarang yelo, nakaramdam siya ng masidhing init na para bang ang nagyelo niyang binti ay nabibigyan ng sustansya. Sa dulo ng kawalang pag-asa niya, nakakita siya ng magandang bulaklak na namukadkad sa nabubulok na troso ng kagubatan sa kanyang puso. Nakatingin sa pampang ng ilog sa kabilang-buhay, iniisip niya, "Siguro, maituturing itong bagong buhay." Kahit na nakatingin siya sa tanawin na iyon, tila ang kawalan ng pag-asa ay isa na lamang alaala ng malayong nakaraan.

Sa pintong medyo nakabukas, nakatayo siya sa bakuran, suot ang maasul na lilang kasuotan na puno ng burda ng gintong mga bulaklak. Ang malapilak na buwan ay suminag sa kanyang katawan, kumukutitap mula sa mga ulap, halos nakakasilaw ito. Nakatingin sa babae, tila ba may gusto siyang sabihin, ngunit hindi siya nagsalita kahit matapos ang mahabang sandali.

Tila mahina ang liwanag ng buwan. Gayumpaman, maririnig ang tunog ng pista mula sa malayo, nagpapalaki ng mapalad na kakoponya. Kahit na hindi niya makita ang pangyayari, nararamdaman na ni Chu Qiao ang kasayahan ng mga sibilyan habang maligaya silang sumasayaw.

Matapos ang mahabang sandali na parang saglit lang, nagsalita na sa wakas si Zhuge Yue, "Matulog ka na."

Tumango si Chu Qiao tapos ay kalmadong ngumiti. "Ikaw din."

Habang marahan na sumasara ang pinto, hinaharangan din nito ang liwanag ng buwan. Ang dagat ng liwanag ng buwan ay naging isang puting sinturon, bago naging hibla ng puting buhok, at di nagtagal ay naparaya sa kadiliman. Nakatayo sa pinto, nanatiling hawak niya ito. Masasabi niya na ang tao sa kabila ng pinto ay hindi pa umaalis. Umungal ang malamig na hangin, habang ang mga puno sa labas ng bintana ay umugoy, gumawa ng mabangis na anino sa may bintana. Habang pumapatak ang orasan, sa wakas, mayroong maririnig na mga yabag. Napaka dahan itong naglaho sa malayo.

Biglang lumakas ang hangin. Napakalakas na kahit ang pinto ay hindi na ito kayang pigilan, habang tumagos ang hangin sa mga siwang ng pinto dala ang makapanindig balahibong lamig. Isinandal ni Chu Qiao ang kanyang ulo sa pinto, at ipinikit ang mata sa dilim.

Nang oras na nakabalik si Zhuge Yue sa sambahayan niya, kakatanggap lang ni Yue Qi ng sulat mula kay Xiaofei. Ang batang tagasilbi na ito na naging heneral na ay ngiting-ngiti na itinatabi ang sulat sa kanyang manggas habang binabati si Zhuge Yue.

Tumayo si Yue Qi sa may pinto na may lubos na magandang pakiramdam, at kahit na nakita na niya si Zhuge Yue, hindi niya maitago ang galak niya.

"Nagpadala ng mga sulat si Xiaofei?"

"Oo," saad ni Yue Qi. "Isang buwang gulang na si Hai'er."

Matapos ang mga taong magkasama silang lumalaban, bagaman sa pangalan lamang ay amo at tagasilbi sila, sila ay para nang magkapatid. Naalalang nanganak muli si Xiaofei ng panibagong lalaking anak. Nang makitang masayang-masaya si Yue Qi, hindi maiwasang mapangiti ni Zhuge Yue. "Kapag nakabalik tayo, maghahanda ako ng regalo para sa anak mo."

Ngumiti si Yue Qi at sumagot, "Salamat, Master."

"Kamusta si Mo'er?"

"Ayos naman siya." malutong na sagot ni Yue Qi. Si Ouyang Mo na dinala pabalik ni Zhuge Yue ay kasalukuyang pinapalaki ni Xiaofei. Sa batang ito na nawala lahat ng myembro ng pamilya, siguro ito na ang pinakamagandang pagpipilian.

"Nag-aaral siya ng acupunture mula kay Ginoong Bai. Mukhang napaka talentado niya."

"Master," pumasok si Fang Chu at sinabi, "sulat mula kay Heneral Feng." Simula nang naging heneral si Yue Qi, si Fang Chu ang naging gwardya ni Zhuge Yue. Pinanganak ito sa Qinghai at ang mga ninuno nito ang mga kriminal na ipinatapon. Matapos mangako ng katapatan kay Zhuge Yue, sumama siya sa imperyo ng Xia. Tahimik at hindi palasalita, isang determinadong tao si Fang Chu, at siguradong hindi karaniwang tao. Kahit si Yue Qi ay bilib sa lalaki.

Hindi nagalaw ang selyo. Binuksan ni Zhuge Yue ang sulat at binasa ito, bago ipinasa kay Yue Qi at nagtanong, "Ano sa tingin mo?"

"Hindi madaling susuko si Zhao Yang. Oras na bumalik sa bansa ang ikapitong kamahalan at bumuo ng alyansa kay Master, lahat ng pagsisikap ni Zhao Yang sa nakalipas na dalawang taon ay masasayang. Kahit na matanda na si Wei Guang, puno ng ambisyon si Wei Shuye. Dapat siyang mabantayan."

Tumango si Zhuge Yue tapos ay sumagot, "Matalino ang taong ito, at alam ang dapat gawin sa tamang oras. Gayumpaman ay maulap ang mga hatol niya nitong mga nakaraan, at may ganoon pa rin siyang plano sa puntong ito."

"Anong dapat nating gawin?"

"Susundan natin ang orihinal na plano. Sabihan si Xu Yang na mas mag-ingat pa. Sa puntong ito, wala masyadong makakamit si Wei Shuye. Mas dapat tayong mag-alala sa mga kilos ng Yan Bei."

Tumango si Yue Qi. Nagtanong si Zhuge Yue, "Paano ang mga problema tungkol sa paglilipat?"

"Master, huwag ka mag-alala. Lahat ng negosyo ni Chen Yue ay kasalukuyang nasa emerhensiyang operasyon. Si Panginoong Zhao Ming at Ginoong Liang ay maingat na humimok ng malaking bilang ng mga talentado mula sa lahat ng klase. Ang emperador ng Tang ay partikular na nag-aalala sa mga bagay na iminungkahi natin, at personal na ipinadala si Master Sun upang tulungan tayo. Sa una palang, ang produksyon ng pagkain ng taon na ito ay maganda, at hindi na natin kailangan pang umasa sa mga loob na lupain."

Tumango si Zhuge Yue, tumalikod at nagtanong, "Kamusta doon?"

Ang taong nag-aasikaso sa mga bagay-bagay sa Qinghai ngayon ay si Fang Guangqian, tiyo ni Fang Chu, saka tauhan din ni Zhuge Yue sa Qinghai. Walang emosyon na sumagot si Fang Chu, "Kakapadala lang ni tiyo ng sulat kahapon na sinasabing ayos lang ang lahat, at naghihintay ang lahat sa iyong pagbabalik."

"Sige." Kalmadong tumango si Zhuge Yue. "Sabihan ang lahat na bilisan ang kanilang kilos. Oras na maayos natin ang mga problema dito, tutungo tayo doon."

Tumango si Fang Chu, sa kanyang ulo na nakatungo, umatras siya. Nang makitang umalis si Fang Chu, napasimangot si Yue Qi at nagtanong, "Master, hindi naiintindihan ng tauhan na ito."

"Alam ko kung anong iniisip mo." Sa malinaw na liwanag ng buwan, ang malinis na liwanag ng buwan ay mahinay na tumatagos sa kanyang kasuotan. May bahid na kawalan ng awa, ang mga mata ng lalaki ay makitid. Nawala niya ang kayabangan niya noong kabataan niya, at mukhang kalmado tulad ng tubig sa isang balon na puno ng kaalaman.

"Nais mong tanungin, nang ako ay mabigyan ng gintong pagkakataon na ito na ang imperyo ay nasa mahinang kalagayan, na may mga pangkat na nakikipagbuno ng kapangyarihan sa isa't-isa, kasama ang malaking kaaway sa may hangganan nito, bakit hindi ko kinuha ang tsansang ito na mamuno sa pamilya, at kasunod noon, palitan ko ang pamilya Zhao bilang namumuno?"

Natigilan si Yue Qi, at agad na lumuhod sa lupa, gayumpaman ay hindi niya tinadtad ang kanyang mga salita. "Bastos ang tauhan na ito, ngunit ganoon talaga ang naiisip ko. Hindi naging mabait sa atin ang imperyo ng Xia, at inabandona tayo ng ating pamilya nang puntong nagmukha na tayong pabigat. Tiniis ng Master ang ganoong hirap sa nakalipas na dalawang taon. Bakit kailangan natin silang tulungan ngayon? Kahit na kailangan natin, pwede naman tayong bumalik nalang sa Qinghai. Nandito naman na sa atin ang Binibini, at hindi natin kailangan mag-alala tungkol sa mga pag-abante nila. Malaki ang Qinghai, at kahit na magkaisa sa ilalim ng isang pamumuno ang kontinente ng West Meng, hindi kinakailangan na matakot tayo sa kanila." Tinapos ni Yue Qi ang kanyang sasabihin ngunit matagal siyang hindi nakarinig ng tugon mula kay Zhuge Yue. Mapangahas siyang nag-angat ng ulo at tinignan si Zhuge Yue, para lang makita na nakatingin sa kalangitan si Zhuge Yue, sa orihinal nitong gwapong mukha na nababalot ng manipis na tabing ng pagkapagod. Nakasimangot, ang kanyang eskpresyon ay puno ng malaking pagbabago ng lumilipas na panahon.