Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 205 - Chapter 205

Chapter 205 - Chapter 205

Isang matalas na sigaw ang nanggaling sa kabilang kampo. Pagkatapos, hilera ng hukbong-lakad ang tumakbo sa harap ng mga kabalyero at kalahating lumuhod sa lupa, handang tumira.

"Tira!"

Swoosh! Tumagos ang mahahabang sibat sa kalangitan, tinatamaan ang grupo ng mga ibon na lumilipad. Tumilamsik ang dugo sa ere habang nilipad kahit saan ang mga pakpak. Bago pa man magkaroon ng oras ang mga sibilyan na ibuka ang kanilang bibig upang sumigaw, maraming sibat ang mabilis na parating sa kanilang direksyon. Makabasag-taingang mga sigaw ang umalingawngaw sa hangin, tulad ng nakapanlulumong kanta ng kawalan ng pag-asa. Nababaliw na humalinghing ang mga kabayo na para bang sinapian sila.

"Iayos ang mga pormasyon niyo! Sugod!" umupo si Chu Qiao sa kanyang kabayo habang nakatayo sa gitna ng labanan. Itinaas niya ang pilak niyang espada at tumakbo. 5,000 sundalo mula sa hukbo ng Xiuli ang maayos na nakasunod sa likod niya; wala sa kanila ang nagdalawang-isip o umatras kahit na ilan sa kanila ay nakaramdam ng takot.

Ipinagtanggol ni He Xiao si Chu Qiao habang tumayo siya sa tabi nito. Malakas siyang sumigaw, "Mga kapatid, wag niyo silang hayaan na makalapit sa mga sibilyan!"

"Sugod!" isang utos na pumatay ang narinig, pinupukaw ang simbuyo ng damdamin na nasa ugat ng mga sundalo.

Ang kabilang panig ay parang malawak na karagatan. Habang silang 5,000 ay tumatakbo, tila isa silang maliit na alon, tumatakbo tungo sa kamatayan nila.

Lahat ng naroroon ay natigalgal, kasama ang mga sibilyan ng Yan Bei na desperadong nagmamakaawa para sa kanilang buhay, ang mga sundalo ng Yan Bei na nanonood mula sa tuktok ng Longyin Pass, ang piling mga sundalo ng Xia, kasama mismo si Zhao Yang. Hindi nila inaasahan na si Chu Qiao, na lubos na nalalamangan ng bilang, ay harapang makikipagsalpukan sa hukbo ni Zhao Yang ng 100,000. Ang kabilang panig ay tila nabubuhay na impyerno, na may mga sandatang hawak ang mga sundalo ng Xia. Sa iglap na iyon, napagtanto ng lahat ang intensyon ni Chu Qiao. Ang piraso ng lupang ito ay patag at walang pagtatanggulan na piraso ng lupain; walang kahit anong kagamitan si Chu Qiao para ipangdepensa. Kapag nakarating sa daanan ang mga sundalo ng Xia, mahihila sa labanan ang mga sibilyan. Sa paggawa nito, nais niyang protektahan ang mga inosenteng tao sa likod niya.

Nagulat si Zhao Yang habang natulala siya. Nakatingin kay Chu Qiao at sa mga sundalo ng hukbo ng XIuli, na mabilis na papalapit hawak ang kanilang espada, nagsimulang kumulo ang kanyang dugo.

"Mga sundalo! Mas matapang pa ba ang babae sa inyo?" malakas na sigaw ng marshal ng Xia, humimok ng malakas at sabay-sabay na sigaw pandigma mula sa hukbo ng itim.

"Lahat ng pwersa, maghandang sumugod!"

"Patayin ang kalaban!" panibagong sigaw pandigma ang mabilis na narinig. Ang dagat ng grey na mga baluti ay nagsimulang gumalaw habang pinirmi ng mga sundalo ang pandigmang kabayo nila para sa laban. Dumaluhong sila tungo sa pwersa ni Chu Qiao tulad ng hindi mapipigil na baha.

"Maghiwalay! Ihanda ang mga pormasyon!" utos ni Chu Qiao. Gayumpaman, ang buong hukbo ng Xiuliay bumuo ng isang mahabang linya para salubungin ang mga sundalo ng Xia. 5,000 sundalo ang magkatabing tumayo, ipinagtatanggol ang Longyin Pass na nasa likod nila. Ang mga mandirigma ay nakabihis ng itim na baluti, habang ang pula nilang bandila ay marilag na nililipad-lipad sa ibabaw ng kanilang ulo sa ilalim ng sikat ng araw. Dalawang kamay nilang itinaas ang kanilang mga espada at inilagay ito sa harap nila, gamit ang dalawang binti para kontrolin ang kanilang kabayo. Nang makita nilang pasulong sa kanila ang malaking hukbo, ang kanilang ekspresyon ay kalmado, tulad ng mga bato. Ito ang pinakabaliw na paraan para magpakamatay.

Habang lumilipad sa ere ang alikabok, bawat hakbang na nakakalapit ang hukbo ng Xia, halos maramdaman na ang hinga ng pangdigmang kabayo nila. Boom! Sa wakas, nagsalpukan na ang dalawang hukbo habang bumagyo na. Nagsimulang tumama ang mga espada sa laman ng tao at iba pang espada, habang nangyari na ang labanan. Nag-umpisa na sa wakas ang pagdanak ng dugo.

Bawat sundalo ay nakaranas ng buhay na bangungot habang malapitan silang nakipaglaban sa pwersa ng kaaway. Ang kanilang mata ay mapula habang bundok ng bangkay ang nagkapatong-patong sa lupa. Ang kapaligiran ay nakakabingi. Tunog ng mga paa ng mga kabayo, mga sigaw, iyak ng paghihirap, pagmumura, sigaw para pumatay – lahat, nakabuo sila ng bagong tono. Habang nagtatama ang mga espada, lumilipad sa ere ang kislap. Hindi sumigaw ang mga sugatan habang nagmanhid dahil sa labanan ang pagkaramdam nila ng sakit.

Magulong tanawin ang kalupaan. Habang natutunaw ang nyebe kagabi, isang ilog ng pula ang nagsimulang mabuo. Nasisira ang mga espada; napuputol ang mga sibat. Ang mga mata ay ipinikit ng mantsa ng dugo, dahilan para mawalan ng oryentasyon ang mga sundalo. Sa kabila nito, isang bagay lang ang naiisip nila—ang pumatay! Patayin ang lahat ng nakaharang sa daan nila, hiwain ang lahat, hanggang magamit ang huling hibla ng lakas!

Ang mga salita ng dalaga bago sila umalis ay umalingawngaw muli sa tainga ng mga mandirigma: Ang sundalong hahayaan na mapasok ang kanilang pormasyon ay magiging makasalanan sa hukbo ng Xiuli! Kaya, kahit na walang sandata, dumamba sila sa kalaban, pinipilas ang mga leeg ng kaaway gamit ang kanilang bibig; kahit walang mga kabayo, kumapit sila sa paa ng mga kabayo ng kaaway, hinihila pababa ang mga ito.

Masidhi ang labanan, nagbibigay ng ginaw pataas sa likod ng mga tao. Tinanggal ni He Xiao ang kanyang baluti, na nagpatunay na nakaaabala. Ang kanyang mata ay mapula habang hinahanap niya ang susunod niyang pupuntiryahin. Natakot ang mga sundalo ng Xia sa walang takot niyang itsura, umaatras at kumaripas ng takbo paalis sa makikita niya.

Ang kakayahan ng hukbong Xiuli na isa sa isang makipaglaban ay hindi mapapantayan. Matatag na tumayo doon ang mga sundalo na katulad ng makinarya na hindi napapagod. Sa kabila ng mayroong braso o binting sugatan, kaya pa rin nilang patuloy na makipaglaban at patayin ang kaaway. Gulat ang mga sundalo ng Xia. Hindi sila mga tao. Oo, hindi na sila mga tao. Isa silang grupo ng mga baliw, isang grupo ng mga demonyo.

Nagtiim-bagang si Zhao Yang sa galit. Lagi nalang ganito. Hindi niya naiintindihan ang kahima-himalang kapangyarihan na tila mayroon ang babaeng iyon, para ipangako ng mga sundalo ang di-mamamatay na katapatan sa kanya. Ang magkaroon ng hukbo na ganitong kalibre ay pangarap ng bawat heneral. Walang dami ng salapi, kapangyarihan o pananakot ang maipapalit para dito. Gayumpaman, tila nakakamit niya ito ng may kaunting pagsisikap.

Bawat pintig na umalingawngaw ang tambol pandigma habang sunod-sunod na hukbo ang tumakbo tungo sa madugong lugar ng labanan. Ang mga opisyales ng Xia ay nalito. Kahit na gawa sa bakal ang pader ng kabilang parte, dapat ay nakagawa na sila ng butas doon ngayon. Bakit hindi bumabagsak ang depensang linya sa kabilang panig, sa kabila na mukhang mangyayari na iyon kahit anong oras?

Tatlong pangkat ng pang-unahang hanay ng mabigat na kabalyero ang nalipol, kasama ang limang batalyon. Bundok ng bangkay na may tatlong talampakan ang taas ang nagkapatong-patong sa harap ng linya ng depensa, bumubuo ng mababang pader sa harap nila. Mula bukang-liwayway hanggang tanghali, hindi nagpapakita ang labanan ng paghupa. Ang linya ng depensa, na mukhang mahina sa umpisa ng labanan, ay unti-unting naging matatag. Alam ni Zhao Yang na mga sundalo niya ang nanghina ang kalooban. Kaharap ang nagpapakamatay na pagsalakay na ito, naramdaman niyang pumipintig ang sentido niya.

Maulap na maulap ang kalangitan; ang araw ay unti-unting nilalamon ng madilim na mga ulap, nagmumukhang tila ayaw nang masaksihan pa ang maramihang pagpatay na ito.

Napaisip si Zhao Yang sa sarili niya, isa ba itong plano ng Yan Bei? Ipadala ang pili nilang pwersa para ibaling palayo ang atensyon niya sa landas, tapos ay sirain ang mabigat na kabalyerong pwersa niya? Kung ganoon nga, bakit hindi pa sila nagpapadala ng dagdag na kawal mula sa loob ng landas?

Hindi maintindihan ni Zhao Yang ang sitwasyon habang unti-unting nawawalan ng kagustuhang lumaban ang mga sundalo niya. Kaharap ang hukbo ng Xiuli, na hindi kapani-paniwalang determinado, nagsimulang matakot si Zhao Yang sa masamang mangyayari. Kahit na maipanalo niya ang laban na ito, anong mapapala niya? 5,000 bangkay mula sa hukbo ng Xiuli? Hindi ito magiging madaling laban. Ang kaisipan na patayin si Chu Qiao, ang hepeng banta sa pwersa ng Yan Bei, ay hindi na nakakaakit pa sa kanya.

Nang maglaho ang huling bakas ng sikat ng araw, ang senyales para umatrasay ibinigay ng hukbo ng Xia. Nagsaya ang mga sundalo ng Xia, at tapos ay naglaho na parang umaatras na alon. Ang mga sundalo ng hukbo ng Xiuli ay wala nang lakas pa na tugisin sila. Pagkaalis na pagkaalis ng mga sundalo ng Xia, bumagsak sila sa lupa, bawat hibla ng lakas sa kanilang katawan ay nagamit na.

Nang makita ito ni Zhao Yang, desidido siyang tumalikod at inutusan ang mensahero na ibigay muli ang senyales upang sumugod. Sa kanyang likod na nakaharap sa mga sundalo ng Xia, malakas siyang sumigaw, "Mga sundalo, sugod!"

Natatarantang tumalikod ang mga sundalo ng Xia, para lang makita na ang pinalakas na pangdepensang linya ay wala na doon. Ang ilang sundalo, na mas matalino, ay naintindihan ang sitwasyon nang oras na iyon. Ang hukbo ng Xiuli, nalalamangan ng 20 sundalo sa isa, ay naabot na ang hangganan nila. Sa puntong ito, habang umaatras ang mga sundalo ng Xia, bumagsak na sila. Kaya, tumalikod ang hukbo ng Xia at sumugod na pinangungunahan ni Zhao Yang.

"Lahat ng sundalo, magtipon!" isang malamig at kalmadong boses ang narinig sa malamig na hangin ng hilaga. Hindi ito malakas, ngunit malinaw itong narinig ng lahat.

Pagkatapos noon, isang milagro ang nangyari. Habang hindi makapaniwalang kinukusot ng mga sudnalo ng Xia ang kanilang mata, ang mga anino ng mga sundalo ng Xia sa likod ng pader ng mga bangkay ay nagsimula ulit tumayo, isa-isa. Ang kanilang kasuotan ay punit-punit at sira-sira, ang kanilang ekspresyon ay maputla. Magulo sila sa pagsasaayos nila, at may yupi ang kanilang mga espada. Kinaladkad nila ang kanilang mga katawan at marahang naglakad sa harap, pumunta sa orihinal nilang posisyon. Magkabalikat silang tumayo. Isa, dalawa, tatlo, sampu, isang daan, isang libo...

Ang tanawin kaninang bukang-liwayway ay tila umulit muli. Tumayo muli ang mga duguang mandirigma at madapa-dapang inayos ang kanilang pormasyon, habang mukhang babagsak sila kahit anong oras. Gayumpaman, nang sama-sama silang tumayo, naging diretso ang kanilang postura—tila isa silang gubat na gawa sa bato. Ang depensang linya ay nagmukhang mas malakas kaysa dati. Tumayo si He Xiao sa harap, hawak ang kanyang espada habang libong boses ang sabay-sabay na umalingawngaw, "Para sa kalayaan!" Dumagundong ang kanilang mga sigaw tulad ng kulog habang gulat ang lahat. Hindi na kailangan pa ng susunod na utos o ang pagtambol ng pandigmang tambol. Wala sa isip na napatigil ang mga sundalo ng Xia sa kanilang pagsugod habang isang ideya ng kawalan ng pag-asa ang nagsimulang maramdaman sa kanilang puso—hindi sila mananalo sa labanang ito.

Hindi alam kung saan nanggaling ang ideyang ito, habang dahan-dahan itong kumalat sa buong hukbo sa pamamagitan ng itsura ng mata ng mga sundalo. Habang nakatingin sila sa namamanglaw na kaaway na nakatayo sa harap nila, nagsimulang matakot ang hukbo ng Xia, nakalinang ng respeto para sa kanila sa proseso.

Tumayo si Zhao Yang sa harap ng hukbo na may taimtim na ekspresyon. Habang nakatingin siya sa namamantsahan ng dugong dalaga na napakadiretso pa rin ng tindig, nakaramdam siya ng respeto na dumaluhong sa kanyang puso. Sa wakas, tumalon siya pababa ng likod ng kanyang kabayo at tinanggal ang kanyang helmet. Hinarap ang hukbo niya ng 100,000, ang 5,000 sundalo ng hukbo ng Xiuli, buhay man o patay, ang hindi mabilang na mamamayan ng Yan Bei, at ang maraming pares ng mata sa loob ng Longyin Pass, malalim siyang yumukod.

Sinundan ng mga sundalo ng Xia ang kilos niya, yumuko tungo sa kaaway na minsan na nilang lubos na kinasuklaman. Kasunod noon, inulit nila ang sigaw pandigma ng kanilang kaaway, "Para sa kalayaan!" pagkatapos noon, nagsimula nang umatras ang hukbo ng Xia habang naging desyerto ang kapaligiran. Habang umiihip ang hangin ng taglagas sa duguang damo ng kapatagan, tila ba isang panaginip lang ang nangyari.

Tumayo sa kanilang posisyon ang mga mandirigma; wala sa kanila ang bumagsak sa takot na babalik ang mga sundalo ng Xia at papatayin sila.

Kinaladkad ni Chu Qiao ang kanyang espada at sumulong habang diretso ang kanyang tindig. Mabigat ang mga yabag niya; ang kanyang ekspresyon ay maputla habang sariwang dugo na pagmamay-ari ng hindi kilalang mga tao ay nagmamantsa sa kanyang berdeng manto. Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya ang mga sundalo habang sinusubukan nilang absorbahin ang katotohanan na umatras ang hukbo ng Xia. Tumayo siya doon habang ginulo ng hangin ang buhok sa harap ng kanyang noo at humaplos saa kanyang kilay at mukha. Namaos na ang kanyang boses habang naipon ang luha sa kanyang mga mata. Katulad ni Zhao Yang, yumukod siya tungo sa kanyang hukbo at bawat salitang inusal, "Mga mandirigma,nanalo tayo."

Isang pira-pirasong hikbi ang umalingawngaw mula sa likod, dahan-dahan na lumalakas. Ang mga tunog na iyon ay mula sa mga sibilyan na magiting nilang pinrotektahan kanina, habang tumakbo sila tungo sa mga sundalo.

Ang hukbo ng Xiuli, pinangungunahan ni He Xiao, ay sumaludo at yumuko tungo sa kanya habang sinabi nila, "Heneral, naging mahirap sa iyo."

"Naging mahirap para sa inyong lahat." Maulap na maulap ang kalangitan. Tumayo si Chu Qiao habang dalawang hanay ngh luha ang tahimik na tumulo sa kanyang mga mata.

Related Books

Popular novel hashtag