Natigalgal si Zhao Yang sa dalawang pag-atake ni Yan Xun at Chu Qiao. Ang Timog-kanlurang hukbo, Hilagang pagsasanib, at ang hukbo ng Batuha ay lubos na natalo. Si Zhao Yang, ngayon ay nahiwalay, ay umatras tungo sa bundok ng Helan. Mahigpit na sinundan ni Yan Xun ang kanyang bakas, pinatay ang 200,000 kalaban sa proseso, tinanggal ang pinaka pwersa ng lahat ng hukbo bukod sa Timog-kanlurang Hukbo ni Zhao Yang. Pinangunahan ni Yan Xun ang kanyang pwersa hanggang sa hilagang-kanlurang malaking lupain ng Xia, tungo sa Yanming Pass. Pagkatapos, ang hukbo ng Black Eagle ay nagtayo ng kampo sa kampo ng Beian, matatagpuan malapit sa Yanming Pass. Tumingin si Zhao Yang sa kabila ng ilog, nakita na ang hilagang-kanlurang parte ng royal na kabisera ay inookupa ng mga sundalo ng Yan Bei, habang ang mga maharlika at opisyales doon ay sumuko na. Sa galit, dumura siya ng dugo sa nagyelong ilog.
Dahil dito, ang unang hilagang digmaan ay natapos. Ang hukbo ng Yan Bei ay nawalan ng higit sa 400,000 mga tao sa dalawang labanan sa Beishuo at Chidu. Ang syudad ng Chidu ay naging isang piraso ng tigang na lupain; hindi mabilang na mga biktima ang namatay sa proseso ng paglipat. Ang Yan Bei, kung saan ay hindi mayamang lugar, ay mas naghirap pa.
Kumpara sa Yan Bei, ang imperyo ng Xia ay nakaranas ng hindi kayang isipin na kawalan. Hindi lang nawala sa kanila ang karamihan ng kanilang hilagang hukbo, ngunit isang prinsipe ang namatay sa alitan. Idagdag pa, kalahati ng kanilang imperyo sa hilagang-kanluran ay nasakop ng kaaway. Kung hindi bumalik si Yan Xun para iligtas ang Beishuo, siguradong bumagsak na ang royal na kabisera.
Ang atensyon ng buong kontinente ng West Meng ay nakatuon sa pangyayaring ito. Nang lumubog ang araw sa kalangitan ng hilagang-kanluran, ang pangarap at kabantugan ng imperyo ng Xia nitong nakalipas na 300 taon ay bumagsak sa hindi makakasundong pagbagsak.
Matapos makabalik si Zhao Yang sa royal na kabisera, nakuha niya ang galit ng pamilya ng hari. Ang Elders Clan ay walang tutol na bumoto na ipatapon siya sa bilangguan. Tatlong araw ang makalipas, tinipon ng royal na kabisera ang 300,000 sundalo mula sa Timog-kanlurang Hukbo, Hilagang-kanlurang Hukbo, at ang ilang maharlikang sambahayan para bumalik sa hilagang labanan, pinangungunahan ng ika-pitong prinsipe ng Xia, si Zhao Che.
Si Zhuge Huai, bilang pinakamatandang batang amo ng pamilya ng Zhuge, ay orihinal na natalaga bilang taong namumuno sa pagpadala ng suportang pwersa sa labanan. Subalit, sa pagkatalong ito, ang pamilya ng Zhuge ay inilagan ng Elders Clan. Dahil sa desperasyon, walang pagpipilian si Zhuge Muqing kung hindi ay italaga ang ikaapat niyang anak na si Zhuge Yue para akuin ang posisyon ni Zhuge Huai at sundan si Zhao Che sa hilagang-kanluran.
Makikita na may napipinto ulit na malaking digmaan.
Tahimik ang kabahayan, na may paminsan-minsang tunog ng uwak na lumilipad sa bintana. Nagpatuloy sa pagngalit ang hangin, gumagawa ng mabuhangin na ingay kasama ang nyebe. Ang liwanag ng buwan ay suminag sa lupa mula sa bintana. Nasamahan ng ilaw ng kandila, mukha itong mahinang dilaw na butil ng ilaw. Nang dumating si Yan Xun sa kabahayan, gabing-gabi na. Ang kakaunting yabag ay parang nawalan ng hangin na tambol na maririnig sa kalayuan. Ang mga katulong sa harap ng kabahayan ay sabay-sabay na yumukod, ang kanilang tuhod ay tumama sa manyebeng lupa habang dinaganan nila ang nyebe sa ilalim nila.
"Kamahalan, nakatulog na ang Binibini," saad ng mga tagasilbi, ang kanilang boses ay may dala na bahid ng respeto at hiya.
Tila mas lumakas ang hangin, tinatago ang patong ng katahimikan at di pagkapakali. Umugoy ang mga puno, habang ang liwanag ng buwan ay mapanglaw, bumubuo ng grey na anino kapag suminag ito sa bintana. Tumayo sa tapat ng bintana ang grey na anino, hindi nagsasalita pero hindi rin umaalis.
"Mahimbing ba ang tulog ng binibini?" matapos ang ilang sandali, isang kalmado at mayamang boses ang narinig. Wala itong kasiyahan, o kahit galit dahil napigilan sa labas. "Natignan na ba siya ng manggagamot?"
"Medyo nasugatan ang Binibini. Ayos na iyon," sagot ng katulong.
"Sige," pahayag ni Yan Xun at nagpatuloy magtanong, "Anong kinain niya para sa hapunan?"
"Kalahating mangkok ng lugaw lang."
Bahagyang tumango si Yan Xun. "Baka magutom siya mamayang gabi. Maghanda kayo ng pagkain para sa kanya. Maging alerto, huwag matulog ng mahimbing."
"Sige, masusunod."
Tumayo si Yan Xun sa ilalim ng pasilyo, pinutol ang malungkot na pigura. Ang panahon sa labas ay malamig. Ikinalat ng hangin ang nyebe sa ere, habang ang liwanag ng buwan ay suminag sa lupa, kinukulayan ito ng mapanglaw na puti. Tumayo siya sa gitna, bahagyang itinungo ang kanyang ulo. Hinarap niya ang saradong bintana at bumulong, "AhChu, aalis na ako."
Isang maliit na bugso ng hangin ang umihip sa buhok ng lalaki. Tumalikod si Yan Xun at mabagal na bumaba. Magaan niyang inangat ang kanyang paa pero medyo mabigat itong lumapat sa lupa. Ang mga tao sa labas ay marahang naglakad palayo. Nakahiga si Chu Qiao sa kanyang higaan. Malamig ang panahon, tulad ng pangyayari sa palasyo ng Sheng Jin ilang taon na ang nakalipas. Sa malungkot na sambahayan ng Yingge, tumutulo ang dugo sa kanilang mga kamay at dumaloy sa espasyo sa pagitan ng kanilang kuko. Ang mata ng bata ay maliwanag na kumislap tulad ng mga bituin sa kalangitan, habang napasimangot siya. Isang pakiramdam ng kawalan ng pag-asa ang nabuo sa loob niya. Kahit maraming taon na ang nakalipas, kasama pa rin nila ang isa't-isa. Gayumpaman, si Yan Xun lang ba ang nagbago?
Bigla siyang nataranta at itinapon sa tabi ang kanyang kumot. Hindi man lang isinuot ang panglamig niyang kasuotan, mabilis siyang lumabas sa silid niya ng nakapaa, hinila pabukas ang pinto na may lagabog.
"Binibini!" hinabol siya ng mga katulong at malakas na sumisigaw. Inalerto nito ang lalaki na naglalakad sa harap. Nang tumalikod siya, isang maliit na anino ang biglang mapwersang bumagsak sa yakap niya. Muntik nang matumba si Yan Xun pero ang kanyang mukha ay puno ng gulat. Nakaramdam siya ng manipis na patong ng kasuotan. Napasimangot si Yan Xun at bahagyang nagpagalit, "AhChu, bakit ka nasa labas na manipis ang suot mo?"
Nanatiling tahimik si Chu Qiao, inunat ang parehong kamay para yumakap sa bewang ng lalaki. Isinandal niya ang kanyang noo sa dibdib nito. Isang pamilyar na mainit na amoy ang nagtagal sa kanyang pang-amoy, na halos naging dahilan para makatulog siya. ang kanyang mata ay basa habang tumutulo ang luha sa kanyang mukha at binabasa ang damit nito. Tumingala siya dito, ang kanyang mata ay mapula. Nakasuot ng simpleng kasuotan ang lalaki at may mahabang kilay. Nasa kanya pa rin ang parehong pamilyar na mukha ngunit mukhang mas pagod mula sa nakaraan niyang mahirap na paglalakbay. Umatras ito, ginawa ang pagkakamali na itinuturing na bawal sa militar. Ang pagsisikap na ginawa nito pabalik ng Yan Bei na walang galos ay hindi kayang maisip. Para naman kay Chu Qiao, hindi niya alam ang mga ito.
"Nakabalik ka na?"
Ngumiti si Yan Xun, ang kanyang labi ay mainit. Sinupil niya ang lahat ng pagod niya at tumango, "Hangga't naririto ka, babalik ako."
Sa iglap na iyon, tila ba bumalik sila sa manyebeng gabi walong taon na ang nakakaraan. Ang batang lalaki, na hinahabol ng mga mamamatay-tao, ay pinangunahan ang kanyang mga sundalo para iligtas ang isang batang babaeng alipin. Nang tinanong niya ito noon, sinabi nito na may tawa, "Ano nalang gagawin mo kung hindi ako bumalik?"
Mabilis na lumipas ang oras. Sa isang kisapmata, walong taon na ang lumipas. Maraming bagay ang nagbago sa mundong ito, ngunit magkahawa pa rin silang nakatayo.
Naramdaman ni Chu Qiao na inangat siya. Napasimangot si Yan Xun at tumungo, tumingin kay Chu Qiao na hawak niya. "AhChu, bakit ang laki ng iginaan mo?"
Tumingala si Chu Qiao, ang kanyang mga daliri ay magaang humawak sa kasuotan ni Yan Xun. Bumulong siya, "Dahil namiss kita."
Medyo matagal nakasagot si Yan Xun dahil nagulat siya. Nitong mga taon na ito, kahit na magkasama sila, hindi sila nagsasabi ng ganoon sa isa't-isa. Ang mainit na pakiramdam ay nagsimulang pumaibabaw sa isang iglap, patong-patong, tulad ng isang kumukulong tubig. Tinakpan niya si Chu Qiao gamit ang kanyang manto at tumawa. "Nabawasan din ako ng timbang."
Maginhawang napabuntong-hininga ang mga tagasilbi. Huminto na ang hangin. Kinarga ni Yan Xun si Chu Qiao pabalik sa silid nito. Araw at gabi siyang naglakbay sa kabayo niya, at kinailangang dumalo sa mga bagay ng militar pagkabalik niya. Dahil abala siya, kahit na namimiss na niya ito, makakabisita lang siya sa ganitong oras. Tinanggal niya ang kanyang manto, nagpakawala ng patong ng alikabok na naipon sa damit niya. Inutusan niya ang mga tagasilbi na maghanda ng mainit na tubig. Umupo silang dalawa sa silid, kaharap ang isa't-isa, hindi alam kung anong sasabihin.
"AhChu…"
"Hindi mo na kailangang magsalita pa!" singit ni Chu Qiao sa kanya, mukhang hindi handa na pag-usapan ang nakalipas na pangyayari. May medyo mapait na boses, nagpahayag siya, "Ayos na, hangga't handa kang bumalik."
Tumama ang liwanag sa maputlang mukha ng dalagita. Biglang nakaramdam ng lamig si Yan Xun sa loob niya. Gaano siya nagdusa sa mga panahong ito?
"Matapos ang lahat, nagsinungaling ako sayo. Patawad."
"Binantaan din kita." Ngumiti si Chu Qiao. "Handa talaga akong manatili dito na walang balak umalis, para makita kung babalik ka."
Tumango si Yan Xun at ngumiti. "Ganito naman lagi. Hindi ako nanalo sa pakikipagtalo sayo."
Inatake ng imperyo ng Xia ang Beishuo gamit ang hukbo nito, habang pinangunahan ni Yan Xun ang mga sundalo niya na atakihin ang loob na malaking lupain. Sa panahon na ito, hindi mabilang na tao ang namatay sa digmaan. Hindi mabilang na mandirigma ang habang-buhay na nahiwalay sa pamilya nila. Nagmantsa ang dugo sa lupa, habang ang mga buto ng mga bangkay ay nagtumpok. Sapat ang mga pangyayaring ito para baguhin ang tadhana ng buong kontinente, ngunit sa kanilang salita, tila hindi ito mahalagang bagay.
"AhChu, may ibibigay ako sayo."
Naibuhos ang mainit na tubig, bawat balde, sa higanteng paliguan na nilulubugan. Tumayo si Chu Qiao sa gilid ng paliguan para suriin ang temperatura ng tubig. Nang marinig si Yan Xun, tumalikod siya at nagtanong, "Ano?"
Isa itong singsing na may simpleng disenyo. Gawa ito sa puting jade, na may marikit na nakaukit dito. Sa malapitang pagsusuri, kamukha nila ang mga bulaklak ng crepe.
"Kailan mo ito binili?"
"Hindi ko matandaan." Siguro, ilang taon na ang nakakalipas. Matapos siyang marinig na bahagyang binanggit ang tradisyon at kaugalian ng kanyang bayang sinilangan, sinumulan niyang gawin mismo ang singsing na ito. Limang taon ang nakalipas. Naihanda na ang singsing, pero walang siyang tapang para ibigay ito kay Chu Qiao. Walang-wala siya noon, bukod sa poot niya. Naghintay nang naghintay siya para sa tamang pagkakataon at lugar. Katulad nito, maraming taon na ang lumipas.
Isinuot ni Chu Qiao ang singsing sa kanyang palasingsingan sa kaliwang kamay. Itinaas niya ito at tinignan. Ngumiti siya at sinabi, "Maganda siya."
Ibinaba ang mga kurtina. Naligo si Yan Xun sa silid-paliguan, habang naghintay si Chu Qiao sa labas. Katulad noong mga nakalipas na taon, binabantayan nila ang isa't-isa habang naliligo sila, dahil napaka hina nila kapag naliligo sila. Sa katagalan, nakasanayan na nila ang gawaing ito.
Isang mabangong halimuyak ang naanod palabas sa silid paliguan. Walang hangin sa loob, ngunit bahagyang gumalaw ang mga kurtina. Narinig ang boses ni Yan Xun mula sa silid. "AhChu, abutan mo ako ng pampunas."
Pinulot ni Chu Qiao ang puting pampunas at ipinasok ang kanyang kamay sa kurtina. Nagtama ang kanilang mga daliri; nakaramdam siya ng mainit na pakiramdam. Binawi niya ang kanyang kamay at nahihiyang nagtanong, "Sapat ba ang init ng tubig?"
"Ayos siya."
Maririnig ang tunog ng tilamsik ng tubig sa loob. Namula si Chu Qiao at umupo sa labas habang sinusubukan nilang gumawa ng pag-uusapan.
"Yan Xun, nasugatan ka ba ngayon?"
"Hindi. Hindi ako pumunta sa harapan."
Umanod palabas ng silid ang singaw ng tubig, at pinainit ito.
"Bakit nakipagtulungan sa atin ang Song sa pagsagawa ng kanilang pagsasanay militar sa hangganan? Kilala mo ba ang pinakamatandang prinsesa?"
Sumagot ang lalaki, "Ilang beses ko lang siya nakita. Isa siyang kakilala. Gayumpaman, mayroon akong kaibigan sa Song. Siya ang tumulong ngayon."
"Ah, ganoon pala."
"AhChu, lubha ka bang nasugatan? Nasaan ang mga sugat mo?"
"Ayos lang, ilang mababaw na sugat lang."
Ang pakiramdam sa silid ay tumahimik. Matapos ang mahabang sandali, sinabi ni Chu Qiao, "Yan Xun, huwag ka nang magtago pa ng kahit ano sa akin."
Ang lalaki sa loob ay nanatiling tahimik. Matapos ang mahabang sandali, nang makitang hindi ito tumugon, tumawag ulit siya, "Yan Xun?"
Wala pa ring tugon. Nataranta si Chu Qiao. Binuksan niya ang kurtina at nakapaang nagmadaling pumasok sa loob. Nakaupo pa rin sa paliguan si Yan Xun, ang kanyang ulo ay nakasandal sa pader habang mahimbing siyang nakatulog. Mahigpit siyang nakakunot, ang kanyang mukha ay puno ng pagod.